Chapter 59

1.2K 35 15
                                    

 

ARA'S POV

 

"THOMAS!", sigaw ko matapos kong marinig ang pagputok nang baril na pina-aagawan nilang dalawa ni arrah. nakaramdam nalang ako ng panginignig ng laman ng makita kong humandusay si thomas sa lupa.kahit pakiramdam ko ay parang may mabibigat na batong nakadagan sa mga paa ko ay pilit ko parin itong inihahakbang palapit kung saan nakahiga si thomas.

Sunod-sunod nalang at walang patid ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa nakikita kong kalagayan ni thomas, halos mawalan na siya ng malay-tao habang nakahawak sa kaliwang bahagi ng tiyan niyang tinamaan ng bala. kitang-kita ko kung paano mapuno ng dugong lumalabas sa sugat ni thomas ang kanyang kamay na nakahawak dito. napasalampak nalang ako ng makalapit na ako sa kanya at marahang inihiga siya sa lap ko. 

"Tho-Thomas *sobs* please lumaban ka, dadal- *sobs* hin kita sa hospital. sa- *sobs* sandali lang hintayin mo ko kukunin ko yung kotse mo.", 

Matapos kong sabihin yun sa kanya ay tumayo na ako at tumakbo papunta sa kotse niya. paglapit ko doon ay sumakay kaagad ako at pinaandar ito papunta sa kinalalagyan ni thomas. mabilis kong ipinarada ang kotse malapit sa gilid ni thomas, at agad na bumaba para puntahan si thomas at isakay ito sa loob ng kotse.

Dahan-dahan ko lang syang inaalalayang tumayo.kahit hinang-hina na at parang bibigay na'y alam kong pinipilit pa rin thomas na maikilos ang katawan niya ,kaya naman di ako gaanong nahirapan sa kanya sa pagsakay sa loob ng sasakyan.

Samantala hindi ko naman na pinag-aksayahan pa ng panahon na pag-ukulan ng pansin ang tulala pa rin na si arrah. pinabayaan ko nalang siya, ang mahalaga kasi sa akin ay madala kaagad si thomas sa hospital. tsaka kung hindi sana niya ginawa ang kahibangan na ito hindi sana malalagaya sa peligro ang buhay ni thomas. kasalanan niya ang lahat ng mga ito.

Pagkatapos kong maipasok sa loob ng kotse si thomas sy tumakbo na ako kaagda papunta sa may driver's seat at doon ay agad na pinaandar ang kotse. mabilis ang pagmamaneho ko ng kotse dahil alam kong malayo pa kami mula sa lungsod. di ko na rin inalintan kung lumagpas pa sa speed limit/s ang metro. basta bahala na, kailangan makarating kami kaagad sa hospital. ayokong mawala sa akin si thomas.

 "Thomas, kumapit ka lang malapit na tayo sa hospital. kaya wag na wag kang bibitaw", maluha-luha kong saad sa kanya tsaka saglit na lumingon dito para malaman ang kalagayan niya. samantala nanatili naman siyang tahimik habang pigil na iniinda ang sakit na nararamdaman niya mula sa tama ng bala sa tagliran niya.bakas na bakas din ang pamumutla ng kanyang mukha. nasa isip ko na kailangan ko pang mas bilisan ang pagda-drive. hindi pwedeng mawala sa akin si thomas, hindi ko kaya.

"A-Ara, i-i'm s-sorry ku- *cough* ng hi-hindi ko na matutupad a-ang pro-*cough* promise ko sa'yo a-at sa ba-baby natin. hi-hindi ko kasi ka-kaya pa, mu-mukhang ha-hanggang di-dito na-nalang a-ako.", hirap na sabi ni thomas kasabay nun ay ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig.

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon