Chapter 49

1.5K 35 23
                                    

 "Ara..........", tawag ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki sa akin. pareho naman kaming napalingon ni arrah jel sa taong ito.

0_0 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Thomas", narinig kong turan ni arrah jel saka mabilis itong tumakbo upang yakapin ang nakatayo lang at gulong-gulo na si thomas. tila napako naman ako sa aking kinatatayuan. pakiwari ko ba'y unti-unting dinudurog ang aking puso nang matunghayan ko ang pagyakap na ito ni arrah kay thomas . ang sakit pala sobrang sakit ang makita mong may ibang nakayakap sa taong mahal mo. gusto kong maiyak ngayon subalit hindi maaari, ayokong makita nila kung gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari. 

Napukaw naman ang aking pag-iisip ng magsalita ang batang nasa tabi ko."Mommy who is he? is he daddy thomas?", tanong ni franco sa mommy niya. nakangiti naman itong tinignan ni arrah saka sinabing. " Yes baby! he's your daddy thomas, come here baby", punong-puno ng sayang sambit nito sa anak. agad naman na tumalima ang bata. mabilis itong tumakbo papunta kila thomas. sinundan ko lamang ng tingin si franco hanggang sa makalapit na siya sa dalawa. agad na niyakap nito ang binti ng nakatayo at hindi pa rin makapaniwalang si thomas.


"Sa....sandali nga lang .Naguguluhan ako .", turan ni thomas ng makabawi mula sa pagkakabigla, marahan niyang inalis ang mga braso ni franco na nakayakap sa kanyang binti. bumaling siya ng tingin sa akin."Ara anong ibig sabihin nito?", nakakunot ang noong turan sa akin ni thomas. ngunit hindi ko nagawang tugunan kaagad ang tanong niya. hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. nahihirapan akong makapag-isip ng maayos sa puntong ito.

"Bakit ayaw mong sumagot ?ano tatahimik ka nalang ba jan?", dagdag pa nito sabay lakad palapit sa kinatatayuan ko."Ara sabihin mo nga sa akin ito ba ang dahilan kaya mo ko pinapunta dito?", ramdam kong naiinis na si thomas ni isa wala akong nasagot sa mga tanong niya. hindi ko alam kung paano ako mag-sisimulang magsalita. 

"Ano?!", napaatras nalang ako ng biglang hawakan ni thomas ang magkabiglang braso ko. "Tho....thomas", garalgal na ang boses ko ng samabitin ko ang pangalan niya.nag-uumpisa na rin mang-gilid ang mga luha ko pero pilit ko pa ring pinipigilan na huwag itong pumatak.

"Tsaka ba..bakit ako tinawag na daddy ng batang yan?bakit sinasabi ng babaeng yan na ako ang daddy nitong batang ito?", hindi pa rin ako binibitawan ni thomas at habang tumatagal mas lalong humihigpit ang pagkakakapit niya sa magkabilang braso ko. "Tho---", 

"Teka sandali nga lang masyado ng humahaba itong usapan eh. pwede ba ara sabihin mo na kay thomas ang lahat para matapos na itong usapan na 'to", pareho kaming napatingin ni thomas kay arrah ng biglang sumabat ito sa aming dalawa .

"Anong ibig niyang sabihin? may alam ka ba tungkol dito ara?", muling baling sa akin ni thomas.ngunit hindi pa rin ako nagsasalita sa halip ay nakatuon lang ang mata ko sa kanya habang pilit na humakawala mula sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa braso ko.

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon