Chapter 57

1.3K 21 7
                                    

THOMAS' POV

 5 days had passed since nang magpa-kuha kami ng sample para sa gagawing DNA testing namin ni franco at nung malaman kong buntis pala si ara at nagkataong naka-confine sya sa hospital kung saan kami nagpa-DNA test. at ngayon ito na ang araw kung saan ko malalaman na ang result ng DNA. 

 

 

 

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuang nakapwesto sa harapang gilid ng table ni doctor Rosales. hinihintay ko syang bumalik. kinuha niya kasi yung result ng DNA namin ni franco dun sa may laboratory. ilang minuto din akong naghintay at ilang saglit pa'y dumating na si doctor Rosales dala-dala ang brown envelope na naglalaman nang DNA result.


"Mr.Torres here's the DNA results.", he handed me the brown envelope. binuksan ko yung at kinuha ang laman. 


"According to the results hindi magka-match ang dugo nyo ni franco. O ang blood type ni franco habang ikaw naman ay type B.", pagpapaliwanag niya.tinignan kong mabuti ang resulta at binasa ito. oo nga di nga mag-ka match ang dugo namin. sinasabi ko na nga bang palabas lang lahat ito ni arrah eh. dahil sa nalaman ko unti-unti akong nakaramdam ng matinding galit. tumayo na ako at mabilis na nagpaalam kay doc. tumago naman ito sa akin bilang sagot.


Naglakad na ako palabas ng hospital mabilis naman akong nakarating sa pinag-parkan ko ng kotse ko. nang makasakay ako dito ay pinaandar ko kaagad at nag-drive pauwi sa bahay ko kung saan naroon si arrah. talagang mananagot ka sa akin arrah sa ginawa mong pang-gugulo at paninira sa relasyon namin ni vicky. 


Dahil nga sobrang bilis nang pagda-drive ko ay nakarating kaagad ako sa bahay.pagkahinto ko ng kotse ko sa tapat ng bahay ko ay agad na akong bumaba at pumasok sa loob. naabutan ko si arrah na nakaupo sa sofa habang nanonood ng T.V. mabilis akong lumapit sa kanya at marahas na hinawakan sya sa kanang braso nya. nagulat naman ito sa ginawa ko.


"Ano ba!thomas nasasaktan ako!", bulalas niya at pilit na nagpupumiglas mula sa marahas na pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "Tama lang sa'yo yan arrah. kung tutuusin kulang pa yan kumpara sa mga ginawa mong panloloko sa amin ni vicky!", punong-puno ng galit na bulyaw ko sa kanya. natigilan naman ito sa pagpupumiglas at parang kinakabahang tinitigan ako nito.


"A-Anong ibig mong sabihin? hi-hindi ko kayo niloko.", nauutal-utal na sabi nito. at halos di na makatingin sa akin ng deretso.


"Sinungaling ka! si franco. bakit hindi mo aminin na hindi ko naman talaga sya totoong anak. na pinalabas mo lang na anak ko ang batang yan para lang makuha mo ako ulit kay vicky! diba tama ako? kaya pwede ba arrah itigil mo na itong kasinungalingan mo dahil bistado ka na!", nanggagalaiting sigaw ko sa kanya. nanlaki naman ang mga mata nito dahil di makapaniwalang nalaman ko na ang secreto niya.


"Pa-Pano mo na-nalaman ang tu-tungkol sa bagay na yan thomas?", nakita kong nanggigilid na ang luha nito patulak na binitawan ko naman ang braso nito dahilan para mapaupo ito sa sofa.inangat ko naman ang brown evelope na hawak-hawak ko sa kaliwa kong kamay at hinagis ito sa gilid niya. dinampot naman ito ni arrah at kinuha ang laman nito.


Mas lalo pang nanlaki ang mga mata nito ng mabasa ang DNA results. "Hi-hindi.. hindi totoo ito. thomas maniwala ka sa akin a-anak mo si franco. maniwala ka sa akin please.", nanginginig ang mga labing sambit ni arrah na ngayo'y lumuhod pa sa harap ko para mag-makaawa.


Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon