Chapter 46

1.9K 36 21
                                    

Pagkaalis ni jenny ay kaagad ng tinawagan ni thomas si ara sa telepono pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kaya naman si mika nalang ang kinontact nya.

Phone convo...

Nakatatlong ring din bago sinagot ni mika ang kanyang tawag. 

'Hello thom bakit napatawag ka?'  bungad ni mika ng sagutin nito ang kanyang tawag.

" Sorry if i disturb you again, i just wanna ask  kung nasa bahay na ba si ars? di nya kasi sinasagot yung mga calls ko eh, nag-aalala lang kasi ako.", may pag-aalalang tanong nya dito .

'Ah oo naihatid ko na sya sa bahay nyo, don't worry. she's okay naman na eh, saka baka nakatulog lang yun kaya hindi nya nasasagot yung mga tawag mo .", pahayag ni mika mula sa kabilang linya ng telepono. tila nakahinga naman na ng maluwag si thomas ng marinig ang sinabi ni mika na ayos naman na si ara.

"Thank you miks, anyway kamusta nga pala yung naging result ng check up ni ara? anong sabi ng doctor?", napalitan naman ng excitement ang boses ni thomas sa pagkakataong ito .

''About sa naging result ng check up ni ara, okay naman sabi ng doctor , normal lang daw talaga na maex------", 

"Ah sir magstart na daw po yung meeting presentation, pinapatawag na po kayo ni mr.rodriguez", biglang singit ng secretary nya na si jenny mula sa pinto kaya di na nya gaanong narinig ang mga sinasabi ni mika. kahit gusto pa nyang paulit kay mika ang mga sinabi nito eh di na pwede dahil kailangan na siyang magpunta sa board room. malalaman din naman nya kay ara yun mamayang pag uwi nya sa bahay.

"Sige papunta na kamo ako.", sagot nya dito tapos ay umalis na ulit ito.

"Hello miks are you still there?", tanong ni thomas dito ng muli nyang itapat sa tenga ang telepono.

'Oo thom.' sagot naman nito.

"Pasensya na ah pero kailangan ko nang ibaba itong telepono pinapatawag na kasi ako ni uncle eh. thank you nga pala sa pagsama mo kay ara kanina ah.sorry ulit sa abala.", 

'Naku wala yun. o sige na .', pagkatapos nun ay ibinaba na ni mika ang telepono. at sya naman ay nag-ayos na pagkatapos ay lumabas na ng office para pumunta sa board room.

Love will Lead you Back {Thomas Torres & Ara Galang fiction}CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon