mafia 45

7.9K 181 1
                                    

tanya POV

pag katapos naming kumain ako na nag hugas ng mga plato napausapan kasi nilang dito na lang kami lahat pati na rin yung mga kasama niyang hindi ko pa kilala..

"tanya?"napatingin naman ako sino to?..

"ay!sorry hindi mo pala ako kilala im caden"pakilala niya nakipag shake hands naman ako kahit katatapos ko lang mag hugas ng plato hinatak naman ako bigla dinala sa sala..nan dun pala silang lahat pwera lang kayla aisha..at ian

"mga dude mag pakilala kayu"sabi niya..kumayaw naman bigla yung nasa pinaka gilid ng sofa..

"im dexter..im single"kindat na sabi niya binato naman siya nitong si caden ng unan..napailing ako..

"blake..and this cassandra"seryoso niyang sabi grabe naman mukhang masungit ngumiti naman sakin si cass kaya ngumiti rin ako pabalik..makatabi kasi sila hindi kaya mag jowa to ang dikit kasi nila eh..

"yung kasama ni aisha asawa niya yun si mr.thron grey logan"natawa ako bigla masyado siyang pormal eh kilala ko naman yun pinaka kilala na sakin ni aisha..

"oh..bakit ka natatawa?"takang tanong niya..

"mukha kasing clown"nakangising sabi ni dexter ayun parang bata nag simula ng mahabulan sa sala pa ikot ikot sa mga upuan..

"tanya?."napatingin ako bigla si ian galing sa labas..napahinto naman sa kakahabulan sila caden..

"oh dude san ka nag punta?"takang tanong ni dexter

"may kinuha lang sa kotse bakit?"

"wala..masama bang mag tanong?"sabi ni dexter napailing na lang tuloy si ian napatingin naman siya sakin bigla..at lumapit hinawakan naman niya yung kamay ko at hinatak ako palabas pumunta kami sa side ng swimming pool at binabad yung mga paa namin.

"bakit?..ba tayu nan dito?"takang tanong ko napatingin naman siya bigla sakin..

"pinupuntahan si aisha kaibigan mo..hindi ka ba masaya?"takang tanong niya tumingin naman sko sa kanya..

"masaya at nag papasalamat ako at dinala mo ako rito pero yun ba talaga yung dahilan?"takang tanong ko kumunot na ang noo niya iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin sa swimming pool..

"what do you mean tanya?"tanong niya ngumiti na lang ako sa kanya..

"wala eto naman masyado ka seryoso"peke kong tawa..nakita ko sa peripheral vision ko na kakunot pa rin ang noo niya tumingin na ako sa kanya at pilit na ngumiti..

"anu ka ba wala yun masyado naman to tara laro tayu"aya ko nawala naman bigla yung pag ka kunot ng noo niya..

"hapon na bukas na lang"sabi niya at tumayo na hinawakan naman niya yung kamay ko at hinatak ako patayo pumasok na kami sa loob nakita ko na dun pa rin sila cass nag kwekwentuhan umakyat na kami sa taas pumasok kami dun sa guest room kung saan ko nakita si aisha kanina..nag taka naman ako bakit kami pumasok rito inaantok na ba siya eh bakit naman ako hinatak papunta rito

"ian?"takang tawag ko kaso nilock niya bigla yung pintuan at hinatak ako paupo sa kama anu ba naman to kanina pa hatak ng hatak..

"tanya..alam ko kanina kapa may gustong tanuningin o sabihin.."seryoso niyang sabi..

"ha?..wala naman ah?"takang sabi ko nag simula ng mamasma yung kamay ko..

"kanina sa swimming pool may gusto kang sabihin tapos kanina sa hapag kainan alam kong ngumiti ka lang nun pero halata sa mukha mo na meron kang sasabihin"sabi niya..

"wala nga ian"sabi ko akmang tatayo ako pero hinawakan niya bigla yung kamay ko..

"hahalikan talaga kita kapag hindi mo sinabi"inis na sabi niya napalunok na ako naku ayaw ko pang may makakuha ng first kiss ko no..

caden POV

"anung problema ni axle at seryoso ang mukha?"takang tanong ni dexter.

"lagi naman seryoso ang mukha nu dude"sabi ko..

"no..may iba no"sabi ni cass..napa tango naman kami ni dexter..

"baka LQ"sabi ko..tumayo na ako..

"san punta?"napatingin naman ako kahit kailan chismoso to..

"alam mo na yun"sabi ko at lumabas na..

"ingat!"sigaw na sabi ni cass.sumakay na ako sa kotse at lumabas na kailan ko lang makuha ng impormasyon kay mr.greyson..

blake POV

"uy kanina kapa tahimik"napatingin naman ako kay cass..pano naiilang ako sa kanya kada usog ko uusog din siya masyado kaming mag kadikit..

"wala"tipid kong sagot..

"cass..umusog ka nga..masyado kang madikit"sabi ko natawa naman siya bigla kaya napakunot ang noo ko..

"hahahahaha..hay..buti na lang nag salita ka rin"sabi niya at umusog na palayo sakin..

"anung nag salita?"takang tanong ko..

"sinadya ko talaga yun para mag salita ka baka mapanis yang laway mo kapag hindi kapa nag salita"napailing ako talaga iniinis ako ng babaeng to..

"makalabas na nga muna baka makaistorbo"parinig niyang sabi at lumabas muna..

thorn POV

napatingin ako sa babaeng nakayakap sakin naka idlip pala ako..napatingin din ako sa bintana gabi na pala..dahan dahan kong inalis yung kamay niya at bumangon kinuha ko yung damit ko at nag bihis..kumuha rin ako sa closet ng polo at lumapit sa kanya dahan dahan kong sinuot sa kanya at ng matapos hinalikan ko siya sa noo..

"sleep well wife"nakangiti kong bulong at lumabas ng kwarto bumaba na ako..

"boss"masiglang tawag ni cass nakita ko siya nag hahain na..

*kring kring*kinuha ko agad yung phone at lumabas muna..

[hello mr.greyson..nagustuhan mo ba yung ginawa ko sa asawa mo?]napahigpit ang kapit ko sa phone..

[simple lang ang hinihingi ko sayung pabor pero gumawa kapa ng katarantaduhan]

[well.mr..logan good luck na lang kung isang araw mawala sayu ang taong-]binaba ko agad yung tawag..pumasok ako agad..nakita ko si blake na apron pa..

"blake what time is it?"takang tanong ko..

"7pm boss"

"get ready 10pm underground"tipid kong sabi tumango naman siya..pati rin si cass..tumingin naman ako kay cass..

"cass..wag ka munang sumama bantayan mo muna sila aisha"cold kong sabi at umakyat na sa taas..

Im crazy inlove in mafia kingWhere stories live. Discover now