How to bully

1 1 2
                                    

Nasa library ako, searching for something interesting book when I heard something not so interesting but hits my interest.

"Ano, Rudolf? Nabilog mo na ba si Riel?"

"Oo! She's just a bitch cheerleader, it's easy!" Narinig ko pa silang nagtawanan.

"Eh ikaw MJ? Umalis na ba ng school si Caycee? Mag iisang linggo na yun bukas ah!"

"Tss... Kahapon pa umalis!" Then they laugh again. So sila pala ang school Casanova. Bakit ba kailangan pa nilang mang bully? Para sa ego? Paano naman yung mga binubully nila? Sinisira nila ang buhay para lang sa ego?

"Hay nako. Earl, bigyan mo nga ng mahirap-hirap na target yang si MJ." Pati ba naman si Earl?

"Si Sapphire." That's my name! Ibubuly nila ako!

"Woah! That's great! Ano ang unang step natin?"

"Ahmm, as I know, since freshmen nabubuly na siya ng ibang group, pero matatag eh."

"Tss... iba tayo sa ibang bulok na grupo dyan! So just tell me the freaking first step."

"Bungguin mo, yung malalaglag lahat ng gamit niya."

▶▶▶▶▶

Tulala ako habang naglalalakad sa corridor. Bagong mambubully na naman.

Kung gusto nilang sumikat, edi sana magbigay na lang sila ng karangalan sa school, edi bukang bibig sila ng lahat ng mababait na teachers.

Hindi yung mang aapak sila ng pagatao ng iba, pag uusapan sila ng lahat ng mga maruruming bunganga ng mga students.

I hold my things tightly. Ayokong malaglag lahat ng pinaghirapan ko.

Hindi ko pinansin ang mga nandidiring tingin nila sakin. Hindi ako pangit, alam ko yan dahil maraming nagkakagusto sa akin sa labas ng school. Pero sadyang judgemental sila.

Nakikita lang nila ang mga makakapal kong glasses at ang matingkad kong braces.

Hindi nila makita ang makikinang kong mga mata, mapuputing ngipin, makinis at maputing balat, matangos na ilong, magandang hubog ng katawan at ang talinong taglay.

Ganyan naman kasi sila eh, ang mga kamalian at kapintasan lang ang nakikita.

Pero kahit ganyan sila, hindi ko sila magawang husgahan gaya ng ginagawa nila sakin. Hindi ko rin magawang magalit.

Why?

Kasi baka nadamay lang sila ng tunay na malalaki at madudumi ang bunganga. I can't judge them the way they are.

Natatanaw ko na si MJ na mag isang naglalakad. Deretyo ang tingin niya,para bang hindi ako nakikita.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pero agad ding nawala ng binunggo niya ako ng sobrang lakas.

Napaupo ako, rinig ko pa ang pagbasag ng cellphone ko sa bag. Yung painting at assay ko inaapakan niya. Grabe! Pinaghirapan ko yun!

"Hello Sapphire! I'm MJ Sebastian, ang bagong mangbubully sayo." Hindi ko na lang siya pinansin. Nadagdagan na nga last month eh, meron na namang bago.

Nagsimula na siyang maglakad kaya tumayo na ako, ang sakit nun ah.

Ang buong akala ko umalis na siya pero ng maramdaman ko ang malamig na likidong bumuhos sa ulo ko, lumingon ako sa kanya.

Napapikit na lang ako. Ngayon naman pinaliguan ako ng soda. Narinig ko pa ang tawa niya habang naglalakad paalis.

Rinig ko din ang tawanan at bulungan ng mga students. Hayy, okay lang yan, Sapphire! Don't mind them. Pumikit na lang ako ng mariin.

Bully My LoveWhere stories live. Discover now