How to bully

2 0 0
                                    

Mystery

~Sapphire Lim~

Tatlong araw, tatlong araw na siyang hindi pumapasok.

Bakit ko ba iniisip ang kalokohang ito?

Wala naman akong mapapala.

My life will circulate like what was it before.

Three days, ganon lang din, ang pinagkaiba lang mas lumala ang pangbubully nila sa akin, mas masakit, at mas pisikal...

At isa pa, may kulang talaga, and I know it's MJ.

Dapat pala hindi ko na nalaman yung pangalan niya eh!

Simula nung lumabas yung balita tungkol sa buhay niya, hindi ko na siya nakita.

Ano bang problema niya duon? Siya pa rin naman si MJ Sebastian, mataas pa rin ang ego niya, maganda pa rin ang image niya.

Ah! Alam ko na, siguro hindi niya na mapapanindigan ang 'Mysterious/play boy/bad boy' type niya.

Arghh! Ewan ko!

Yung feeling na mas nakakasakit ng ulo yung pag-iisip mo sa kanya, kaysa sa pag-iisip sa Math.

Speaking of sakit, napapadalas ang pagkakaroon ko ng sakit dahil sa pangbubully nila at sa kakulangan na rin sa tulog sa kakaisip sa kanya...

Bakit nga ba kasi inaalala ko pa yun?

Bakit ko pa nga ba aalalahanin ang isang bagay na ako lang ang nakakaalala...

Simula nung nalaman nilang nasa section nine ako, mas binully nila ako.
Nakakainggit ba?

Parang hindi naman. Ewan ko lang sa kanila.

"Hoy Saphhire, kamusta ang paglalandi mo sa section nine." Ito na naman kami, ano bang problema nila?

"Ano hindi ka sasagot?!"

¤Pakkk¤

"Ah~!" Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang aking pisngi. Ang sakit, tagos na tagos.

"Yan ang bagay sayo! Flirt!" At tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya bumagsak ako sa sahig.

Alam niyo yung feeling na kusa na lang bumabagsak yung luha niyo dahil sa sakit?

Ganon ako ngayon.

Napapikit ako dahil sa mga flash ng mga camera.

Gusto ko silang pigilan, kasi sobra na sila, they're already hurting me, mentally, emotionally and physically!

Then someone grab my hands, inalis niya ako sa mga kumpol ng mga estudyante. Alam ko na kung sino siya...

Dinala niya ako sa tambayan ko, sa dulong corridor...

My heart beats fast... unti-unti siyang humarap sakin, and I'm really disappointed...

"Rudolf..." Ngumiti siya ng malapad sakin, at ako? Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ngumiti.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang pisngi ko, kaya agad akong napadaing sa sakit.

"Sorry, gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Kumislap ang mata niya, parang nag-aalala. Pero kilala ko siya, siya yung friendly, charmer, at joker type, pero playboy din. Hindi ito 'care', ang tawag dito 'porma'.

"No need." Kailan pa ba ako nagsimulang sumagot sa mga bagay-bagay?

Siguro binigyan ako ng something eclavou ng guardian angel ko...

Yah! Ano ba itong mga iniisip ko?

"Ayaw mo talaga? Ipaatingin lang natin." Ang kulit din nito huh? Siguro nakulitan yung mga babaeng sumagot sa kanya kaya dumadame ang babae, but sad to say, hinding-hindi ako sasakay sa mga kalokohan ng isang Rudolf Kang.

Hindi ko na lang siya pinansin, naglakad lang ako ng diretyo, yung parang walang nangyari.

"Ito naman, parang binibiro lang eh." Inakbayan niya ako kaya napatingin agad ako sa kanya. Problema nito?

"Tanggalin mo nga." Normal na utos ko sa kanya, ano bang meron at ako ang trip ng taong ito?

"Woah! Amazing!" Itinaas niya ang dalawang kamay niya at gumawa ng 'shocking face'

"Okay na, Rudolf, stop bothering me." Lakad lang ako ng lakad, habang siya, sunod ng sunod sakin.

"Oo na nga, just be friends with you? Kung maging magkaibigan man tayo, ikaw ang unang-unang-unang babae kong best friends." Para siyang bata, bakit ba ito kinabaliwan ng mga babae? Eh yung ugali niya pang eight years old.

"How I'll believe?" Magihing prangka na ako, hindi ko kilala ang isang 'Rudolf Kang', maraming taong gumagamit ng maskara upang mapagtakpan ang kanilang totoong pagkatao, o emosyon. Parang si MJ, MJ MJ Mj...

"Sapphire, ang mga taong palabiro, kapag nagseryoso, seryoso talaga. At ikaw, gusto talaga kitang maging kaibigan. Asking why? I'm just only son of our family, I want to become a kuya, and you, look at your self, lagi kang nabubully, gusto kong ipagtanggol ka, 'cuz people like you deserve to treasure, to be happy." Napanganga naman ako sa mga sinabi ni Rudolf,  parang sa panaginip lang ang mga ito. Pero, hindi ko naman siya dapat husgahan.

"Let's see." Napabuntong hininga na lang ako, hoping that this thing is not just a prank of a Rudolf Kang.

"Yeah, let you see that I didn't kidding, but now, I need to go for some business." Pinagmasdan ko lang siya, papalayo sa akin, inaasahan ko na sisigla yung mukha niya in case na sabihin ko yun, but to my surprise, seryoso talaga siya.

Everyone had their own mystery.

Imagine, si Rudolf Kang yun, palangiti, palatawa, playboy, jocker (at the same time bad boy din)  may tinatago palang ganoong side.

Bigla tuloy akong natakot...

Meron din kaya akong other side?

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

First story ko po ito, so don't expect 'so-beautiful' story from me.

This is just my beginning, please support me, so I can improve my story, and of course my self...

~sacred_sapphire

Bully My LoveWhere stories live. Discover now