How to say 'I Love You'

1 1 0
                                    

Most Painful

"Sapphire..." I can see some emotions at his eyes. Ang galing niya palang umarte.

Pero ako nga diba si tanga? Kaya kahit alam ko na ang lahat ng mangyayari, inakala ko na 'handa na ako' pero ako nga diba si tanga? Nasasaktan pa din.

I can't help but say his name, "MJ..." Kunyare, totoo lahat ng magyayari, para naman sumaya ako bago ako masaktan.

"Sapphire... Alam mo na ba ang gagawin ko?" Mahina lang ang boses niya, and I can't help my tears to fall.

"Yes..." Nakangiti kong sagot, I look directly at his eyes, alam kong malabo na ang mata ko dahil sa mga luha kaya hindi ko na siya matignan ng maayos.

"Yes... I knew it." I laugh like crazy. "Dapat kasi hindi ko na lang alam eh! Para naman maenjoy ko kahit papaano yung moment!" Hinampas ko pa siya ng bahagya, tumawa na naman ako. Baliw.

"Wait lang, MJ. Ito yung plano mo. Ikukulong 'nila' tayo dito sa library, maaabutan kitang natutulog, biglang sasara ang pinto, pipilitin kong buksan ito, magigising ka, tapos... tapos... Ah! Ito na tung exiting na part! Magugulat ka na nandito ako, yung ginawa mo kanina lang. Then, bigla kang magcoconfess, ganito pa nga yun eh, 'Sapphire sorry, na sinaktan kita, sorry, duon ko narealize na mahal kita.' Haha! Tapos hahawakan mo yung pisngi ko, ganito oh!" Hinablot ko yung kamay niya at nilagay sa pisngi ko. Mas lumakas ang iyak ko, at tumawa pa ako.

"Stay! Wag mong tatanggalin!" Pagbababala ko sa kanya,"Tapos ito na, ang sabi mo 'sasabihin ko kay Sapphire ang mga pinakaimposibleng bagay na maaaring sabihin'." Mas naiyak pa ako, parang sinasaksak ang puso ko sa mga salitang narinig ko kahapon, na inuulit ko ngayon.

Yung alam mo na ngang imposible, na hindi mangyayari kahit ipilit, kahit na hindi totoo, pero pinaniniwalaan mo pa rin.

Tumawa ako ng malakas, naalala ko kasi yung susunod.

"Tapos sasabihin mo na 'I love you, Sapphire'." Mas naiyak pa ako. Ewan ko ba, umiiyak ako ngayon na parang bata. Ganito talaga kapag nababaliw. Paniguradong itatakwil na ako nila mom. Pero okay lang! Para mabawasan ng konti ang mga iniisip ko!

"Tapos sabi mo pa, 'I will let her to cry in front of me'." My voice broke, #minamalat. Tanga kasi ako.

"I will let her to cry," huminga ako ng malalim, hindi na kasi ako makahinga ng maayos dahil sa paghikbi ko. But kahit na hikain man ako dito, wala akong pakialam, matapos ko lang ang mga sasabihin ko! "I will let her to cry, in front, of me, like, she believes me, from what I said!" Tumawa ako ng malakas.

"Alam mo bang masakit? Alam mo ba?" Tumawa na naman ako. "Yung araw-araw alam mo na ang mangyayari sayo, alam mo nang sasaktan ka, pero hindi mo maiwasan! Kasi tanga ako! I'm not the 'henyo'."

"Akala mo ba hindi ko alam ang mga plano mo sakin araw-araw? Akala mo ba hindi ko alam?"

Huminto muna ako at umiyak, I can't help it. Sobra-sobra na akong nasasaktan eh.

"Alam mo, siguro kung hindi ko alam ang plano mo ngayon, siguro na nadama ko pa ang moment na toh bago ako masaktan, eh hindi eh! Nasaktan ako kahapon, tapos, mas nasasaktan ako ngayon."

"Alam mo ba? Ang dami dami dami dami dami ng sakit ang naramdaman ko at nararamdaman ko, ang sakit sakit sakit sakit sakit, sobra. Pero alam mo rin ba? Na nakaya kong tiisin ang lahat ng yun? Ang tatag ko noh? Isang complement nga dyan para kay Sapphire Lim, nang matuwa naman ang parents ko sakin!" Tumawa ako ng bahagya, nagflash back kasi sakin lahat ng sakit. As in lahat.

Tapos yung plano niya...

"Sasabihin mo 'I love you, Sapphire'." Humikbi ako, "Ang pinakamasakit, sasabihin kong mahal din kita, that's the most painful, painful to love you."

"Tapos naranasan ko na maraming maraming maraming sakit. Tapos sasabihin mo 'I love you, Sapphire." Tumawa ako. Baliw na baliw.

"Pero sa lahat ng sakit na dinanas ko, you know what's the most painful?" Pinunasan ko ang mga luha ko, "Ito," tinuro ko ang tapat ng puso ko. "Na pinili ka nito. Ewan ko kung anong meron sayo, but this is the most painful. I don't know... why?"

"Nakakatawa lang isipin na sayo pa talaga nanggaling, ikaw pa talaga, pinangako mo pa, na poprotektahan mo ko if 'this day' comes, that you don't 'ever' let me cry if 'this day' comes. And 'that day' alredy came, then the 'one' who promised me that 'he' will protect me, is also the 'one' who hurt me. The 'one' who promised me that 'he' don't 'ever' make me cry, is the 'one' who makes me cry."

"What do I need to expect? It's just a 'promise', and promises is made to be broken, like what you do."

I smile a little.

Tinanggal ko yung kamay niya sa pisngi ko.

At inofer ko ang kamay ko.

"Congratulations, Mr. Sebastian. You succeed, but always remember..." Tumayo ako ng maayos at pinunasan ang mga luhang patuloy parin sa pagtulo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Aalis ako gaya ng gusto mo."

Ganito pala ang masaktan ng sobra,nawawala ka sa katinuan, nagiging manhid sa sakit, nagiging mineral water ang luha, nagiging jelly ang buto.

Tama nga sila, suicidal ang magmahal.

"Among all the pain I'b got, this is  the most painful." I try my best to smile, I try my best to stare at MJ's almost-for-God's face.

I can't believe that I seek for the person who'll hurt me the most.

I can't believe my self.

"This is the most painful, painful to love you." I said without breaking my little smile.

Sa pagtulo ng isang batch na patak ng luha sa mata ko, I found something, nasa likod ni MJ ang kumukuha ng video, sa gilid ng isang shelf.

Ang galing! So in viewers view, nakatalikod si MJ, at ako... ang bida.

Hinawi ko si MJ.

"Hi! Ako nga pala si Sapphire Lim, your dearest valedictorian, pero bobo ako sa Math, lampa ako sa lahat, may alergy ako sa peanut butter, punching bag ng kung sino ang may gusto, mahina, hindi ako henyo, alam niyo kung bakit? Kasi ako, si Sapphire Lim, minahal si MJ Sebastian! Napaka bobo kong tao, feeling matatag, bakit pa nga ba kasi ako nandito?" Tumawa ako, inaalala lahat ng nambully sakin para mapaalis dito, at ako, nanatili sa academy na ito para sa mga 'caring' kong magulang.

"Sana masaya  na kayo, sana kontento na kayo, at sana, kung mambubully kayo alamin niyo ang buong istorya ng sasaktan niyo! Kasi ako, ako, puro sakit at hirap na ang napagdaanan ko, ang ngayon, ang matatag na Sapphire Lim na kilala niyo, susuko na, for Pete's sake! Sana masaya na kayo!" Naghahabol ako ng hininga, nalabas ko na lahat, pero masakit parin, kasi, lumabas ang galit ko, alam kong galit ako, alam ko yun dahil nag-iinit na ako, pakiramdam ko nahihiwa ang lahat ng tinitingnan ko dahil sa matatalim kong tingin.

Tumalikod na ako at ang una kong nakita at si MJ.

Puta, ang hapdi sa mata kapag tinitignan ko ang mukha niya. Pero may naalala ako, ilang taon ko rin itong hinihintay sabihin sa kanya, pero hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon ko pala ito masasabi, ang inakala kong magiging masayang pagkikita, magiging masalumuot pa pala.

"I forgot, I miss you..." Ramdam ko ang panggigilid ng luha sa aking mga mata... "JJ. My knight and shining armor, who hurt his own princess." Sa isang kurap, tumulo ang pinakahuling patak ng luha na tumulo sa aking mata bago ako naglakad palayo, sa taong hinanap ko, for almost half of my life.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Reminders:

This is my first story.

So please, don't blame me if this story is lame.

Just support the beggining  of my 'wattpad journey'

~sacred_sapphire

Bully My LoveWhere stories live. Discover now