Epilogue

6 0 0
                                    

Nanonood ako ngayon sa kanya habang nakatayo siya sa stage.

Akalain mo! Ilalaban pala sa regional yan ngayong taon! Hindi ko man lang namalayan!

Nakangiti siya sakin. Ang ganda niya talaga. Mas nagpaganda sa kanya yung red hair at blue eyes niya.

Winagayway ko pa lalo ang banner na ginawa ko.

'Go My Love!'
   ♥♥♥

Ako ang kinakabahan sa kanya eh!

Damn that curtain! Five minutes pa bago ipakita ang mga paintings nila! Duon pa lang iaannounce ang panalo.

Alam ko namang siya na ang mananalo eh! Pinapatagal lang nila!

"Go Sapphire!" Oo, magmukha na akong tanga kakasigaw dito, basta para sa taong mahal ko.

Sa ilang minuto, napuno ng hiyawan ang buong gym.

"In count of five, you'll see their pangtings!" Kumalabog ng mabilis at malakas ang puso ko, iba ka talaga Sapphire!

"5!"

"4!"

"3!"

"2!"

"1!"

Bumungad sa amin ang sampung paintings, pero naagaw ang atensyon ko sa isang painting na alam ko kung sino ang gumawa.

Si Sapphire...

At sa mga oras na yun siya ang dineklarang champion, ako ang pinapaakyat niya, pero hindi ako umakyat.

Dahil ang aakyat para sa kanya, ay ang parents niya.

Napangiti na lang ako ng makita ko siyang natigiln dahil sa pag-akyat ng parents niya.

Napatingin siya sa akin, kaya nakita ko ang luha sa mata niya.

'Thank you' she mouthed.

Mahal na mahal talaga namin ang isa't isa.

Nung panahon ng sem break, umiiyak daw siya tuwing gabi, gusto niya daw humingi ng second chance sakin pero di niya magawa.

Natawa pa nga ako eh, ako kasi ang gagawa non, kaya buti na lang at di niya ginawa dahil baka masira ang ulo ko sa kahihiyan.

At ngayong first monthsary namin, ito ang regalo ko.

Ang mga magulang niya.

Isang lipad lang papunta sa Canada, matamis na dila, konting budbod ng pangungunsensya, at paawa effect. Nakumbinsi ko na rin sila, hindi naman kasi tamang sisihin nila ang my love ko.

Kaya sobrang saya ko ngayon dahil nasolve na ang kahulihulihang problema ni my love.

▶▶▶▶▶

"Matthew, kumain lang kayo ng kumain jan huh? Aasikasuhin ko muna yung mga pagkain sa kusina."

"Yes tita." Tinapik niya ang ulo ko at pumunta na sa kusina.

"Matthew, may tanong ako sayo." Napalingon naman ako kay tito, nakakagulat siya!

"Mahal mo ba talaga ang anak ko? O baka naman sasaktan mo lang siya?" Napangiti ako kay tito.

"Of course, I love your daughter, at sasaktan? Hindi po uso yan." Pagbibiro ko, pero seryoso pa rin ang mukha niya.

"Paano mo nasabing mahal mo siya? Dahil lang ba maganda siya?" Di ko na napihilang matawa.

"Tito, I love your daughter since we're preschool, kaya ang ang mahalin ko siya hanggang ngayon, sapat na para sabihing mahal ko talaga siya. Opo, maganda siya, pogi naman ako, destiny po talaga kami." Nakita kong napaawang ang bibig ni tito.

Bully My LoveWhere stories live. Discover now