Chapter Song: Stay by Kygo"Ilang araw na nga?," tanong ni Kihyun na nasa tabi ko.
"Isang linggo na," ako na ang sumagot.
Ang tinutukoy ni Kihyun ay ang paglipas ng araw na tulog parin si Mozy. Ang tagal pala ng isang linggo kapag iniisip ko.
"Ayos ka na ba dude?," tinapik ako ni Wonho sa balikat at tumango ako.
"Ayos lang ako mga ungas," sagot ko. Tumawa si Wonho dahil sa sinabi ko.
"Ayos ka na nga ungas," sabi nya. Tsss.Wala naman akong choice kundi ang maging maayos. May mapagpipilian ba ako ngayon? Matapos ang ginawa ng ex-girlfriend ko?
Syempre masakit man ang mga nangyari ay nangyari na ang mga nangyari. Tatlong araw nga ako nagkulong sa kwarto para pag-isipan ang mga dapat kong gawin at ngayon ay medyo tanggap ko na. Makakamove on din ako. Tiwala lang Jooheon.
"Ang traffic na ng Greenstone City," pahayag ni Alaska.
We're heading to the hospital para muling bisitahin si Mozy. Kailangan nyang magising dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko dahil hindi ko nakita ang totoong ugali ni Cindy. All this time, she's just using me. Minahal ko pa naman sya pero ganito ang mga nangyari.
"On the way na daw si Miesza," pahayag ulit ni Alaska.
Tiningnan ko kaagad si Minhyuk. It's about time na magkita sila ni Miesza, lalo na at nalaman naming wala naman talaga syang kasalanan. Nakakaramdam nga ako ng hiya dahil sa ginawa namin noon.
"One more chance na ba ito?," saad ko. Nagtawanan sila at tinukso-tukso si Minhyuk.
"Oy, excited si Minhyuk makita si Miesza!," dinatungan pa ni Wonho kaya napuno ng tukso tong loob ng sasakyan na si Shownu ang nagddrive. (Pinahiram kami ni Ally ng sasakyan.)
Naalala ko tuloy yung nawalan ng malay si babe este si Cindy. Nako Jooheon, tama na ang pag-iisip.
"Tigilan nyo nga ako," sita ni Minhyuk. Halata namang meron pa sakanila ni Miesza.
"Okay na tol, 100% ang aming suporta sa comeback nyong dalawa," sabi ko. Umiling si Minhyuk sa mga sinasabi namin. Tsss. Pakipot din to kung minsan.
Natahimik naman kami nang malapit na kami sa hospital. Pagkapark ni Shownu ay nagpasalamat ako na buhay pa kami. Pagkapasok naman namin sa hospital ay sinalubong kami ni Mr. Harfhilia ,I mean yung dad ni Mozy. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang ang dad ni Mozy ang legendary gangster ng Greenstone City. (Kinuwento sakin nila Kihyun ang tungkol dun dahil wala ako nung sinabi ni Mr. Harfhilia ang lahat.)Meant to be talaga ang pagiging Queen ni Mozy sa academy. Isa din sya sa mga may-ari ng academy e.
Nagbigay galang kami sa dad nya at matapos iyon ay pumasok na kami sa kwarto kung saan andun si Mozy. Parang normal na natutulog lang sya at maya-maya ay magigising na din dahil sa ingay namin. (Sana nga.) Naalala ko tuloy si Hyungwon nung mga bata kami.
Napatingin naman ako sa pintuan nang may kumatok at pumasok si Miesza. Agad kong tiningnan si Minhyuk. Yung forever mo ungas pumasok na. Galaw galaw din habang may oras ka pa.
"Hi guys, it's nice to see you again," sabi nya. Binati din namin sya.
"Welcome back Miesza," nilapitan sya ni Alaska saka niyakap. Buti at andito si Alaska kundi wala talagang makakausap si Miesza dito. Lahat kasi kami ay alam kong nahihiya sakanya.
Lumapit sya kay Mozy.
Naalis naman ang tingin ko nang makatanggap ako ng text galing kay Cindy. Gusto nya makipagkita sakin. Nagdadalawang isip ako dahil ang huling usapan namin ay hindi naging maganda. Ano na Jooheon? Hays nakakainis! Oo na nga at sisipot na ako sa huling pagkakataon.
"O, saan ka pupunta?," tanong ni I.M.
"Magbabanyo," sagot ko at mabilis na lumabas.
Nagreply ako kay Cindy. Malapit lang naman din sa hospital ang lugar kung saan nya gusto makipagkita. At nang makadating ako(dahil binilisan ko ang paghakbang) ay andun nga sya, mukhang tulala at malalim ang inisiip. Nakaupo syang mag-isa. Huminga ako ng malalim bago magpatuloy maglakad sakanya.
Ngumiti sya nang makita ako. Kumaway din sya kaya napatango ako. Aaminin kong meron parin akong nararamdaman sakanya. Hindi naman siguro agad mawawala yun diba?
"Kamusta?," tanong nya nang makaupo ako. Hindi ako nasagot. Nakakatakot sumagot.
"Jooheon, alam kong malaki ang kasalanan ko sainyo, sayo mismo. That's why I'm here, hindi para hilingin na patawarin mo ko kundi para hilingin na maging maayos at masaya ka na. I'll be leaving Greenstone City for good," pinasadahan ko sya ng tingin.
"I hope Mozy will wake up soon, tsaka pakisabi sakanya na sorry, dahil mas pinairal ko ang inggit ko at mga walang kwentang plano kesa sa ang pagkakaibigan namin. I'm very sorry, I mean it," huminga sya ng malalim matapos nyang sabihin yun at tiningnan nya ako.
May kung anong kuryente parin talaga akong nararamdaman kapag tinititigan nya ako. Isa sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan ay ang ngiti nya na abot hanggang mata. Nakakahawa ang ganong ngiti nya.
Kita ko ang pagtakas ng luha nya sa kanyang mga mata na agaran nyang pinunasan pero pinigilan ko sya. Gulat sya nang pinunasan ko ng mga kamay ko ang luha nya.
"Galit ako sayo pero gusto parin kita Cindy. Sana ay maging masaya at maayos ka na rin sa bagong buhay na pinaplano mo," muling nagsipatakan ang mga luha nya.
Hindi ko alam kung bakit pa to nangyari pero kailangang tanggapin e. Hanggang dito lang talaga siguro.
"Salamat Jooheon. Maraming salamat talaga," niyakap ko na sya ng mahigpit sa huling pagkakataon. Hinayaan ko syang umiyak sakin. I hate seeing her like this but I have to endure it.
"Patawad," aniya at kumalas sakin. That will be the last time Jooheon.
"Salamat dahil nakipagkita ka sakin, aalis ako ng city na kaonti na lang ang dala. Hanggang sa muli Jooheon," tumayo sya saka nilahad ang kamay nya. Tinitigan ko iyon.
"I hope to see you again," sabi nya pa. Tinanggap ko rin naman ang kamay nya. I really hope so Cindy.
Ngumiti sya abot hanggang mata kagaya ng dati. Pinanood ko syang talikuran ako at maglakad palayo sa pwesto ko. Sinundan ko lang sya ng tingin at hindi ako kumurap. Pakiramdam ko kasi kapag kumurap ako ay maaari syang mawala. Pero nakalimutan kong wala na nga pala sya, kaya tumayo na ako at nakapamulsang umalis sa lugar na yun.
Goodbye Cindy.
×××
Kaonti na lang huhuhuhu ❤❤