1: George

29.8K 903 55
                                    

Ch.1 Pt.1~Mozy

Chapter Song: Radio by Santigold

"Ayoko talaga kapag first day of school. Nakakasura ng magpakilala sa harap," reklamo ni Miesza. Yeah. She's back.

"I agree with you," segundo ni Alaska. Classmates kaming tatlo sa dalawang sunod na subject kaya magiging masaya to. (Para sakin.)

"Cheer up guys. Mas okay nga yun kesa sa maglecture kaagad diba?," sabi ko. Tiningnan ako ng dalawa.

"Iba talaga kapag may boyfriend na," natawa ako sa pahayag ni Miesza.

"Ang bitter nun Miesza ah," sabi ni Alaska. Kumunot ang noo ni Miesza.

"Isa ka pa. Meron ka rin e," sambit nya. Nagtawanan kami ni Alaska. Hindi pa kasi talaga sila ni Minhyuk. Ewan ko kung bakit.

"It's okay Miesza. Ang mahalaga ay okay na kayo ni Minhyuk, wala ng barrier," pagcocomfort ni Alaska. Tama sya. Okay na ang lahat kaya nga masaya ako.

"Kahit na. Mas maganda kung kami talaga," she pouted. She's still at it. Yung sinasabi nya sakin dati na dahil sakin ay hindi na sya gusto ni Minhyuk. That's hilarious.

"Hintay-hintay lang Miesza," pahayag ulit ni Alaska bago kami pumasok sa classroom namin.

Kita ko ang mga tingin samin ng mga students. They're calling us "The Three Monsta Queens" tawang-tawa kami ni Alaska nang malaman namin yun. Ano bang naiisip ng mag students dito. Pero medyo sanay na ako sa sistema ng academy na to. Matapos siguro nang malaman ang tungkol sa pagiging may-ari ko rin ng academy. Kaya pala confident si dad na dito ako mag-aral e. May tinatagong yaman pala kami at ang Monsta X Academy pala yun.

Naupo kami sa pinakalikod. Katabi ni Alaska si Miesza habang ako ay bakante tong katabing upuan ko. Nagsiupuan naman ang mga students nang pumasok na ang teacher namin. This is it. Another school year. Another chapter of our lives. I hope and pray na maging maayos ang magiging takbo ng school year na to.

"Okay class. Bilang tradisyon, magkakaroon muna tayo ng pagpapakilala ng ating mga sarili sa harapan," Filipino 2A nga pala tong subject namin.

"Heto na nga," inis na sambit ni Miesza.

"Pero bago tayo magsimula, may ipapakilala ako sainyong bagong studyante," nagtinginan kaming tatlo. New student daw.

"Sana lalaki, para makamove on na ako kay Minhyuk," bulong ni Miesza. Napailing ako.

Bumukas nga ang pinto at pumasok yung teacher namin at kasama nya yung transferee.

"Dininig nga ang dasal mo. Isang babae na kilos lalaki," sabi ni Alaska.

Pinagmasdan ko ang transferee sa harap. Maganda naman sya. Oo babae sya pero parang boyish dahil sa pagkakatali ng buhok nya at sa ayos ng uniform nya, medyo mahaba kasi ang palda nya.

"Ipakilala mo ang sarili mo hija," napatingin sya sa teacher namin dahil siguro sa salitang hija.

"Ako si Georgina Wollis. Mas gusto kong tinatawag akong George kesa sa Georgina," sabi nya. Napatango yung teacher namin. Okay. George ang pangalan ng transferee namin.

"Atleast hindi kauri ni Cindy," rinig kong saad ni Miesza. Kahit ganun naman ang nagawa ni Cindy ay hindi ako nagalit sakanya. Nakakalungkot nga na umalis sya ng Greenstone City na hindi man lang kami nagkausap.

"Okay George. Maupo ka na sa tabi ni Ms. Harfhilia," tiningnan ako ni George dahil tinuro ako ng teacher namin. Okay. Katabi ko si George.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon