Ch.9. Pt.1~Mozy
Chapter Song: Falling In Love by 2Ne1
“May date ka na sa ball Erica Erah?,”tanong ni Miesza.
“Uh..hindi siguro ako pupunta,” sagot nya.
Napatigil ako sa pagsusulat ng assignment nang marinig ko yun. Nasa library nga pala kami. Tatlong araw na lang at ball na pero andami paring paperworks. Feel ko na talaga ang pagiging Senior.
“Bakit naman hindi?,” tanong ko.
Napaayos sya ng salamin nya.
“Uh..dahil wala akong date?,” sagot nya. .
Tumaas ang kilay ni Miesza.
“So? Andito naman kami,” pahayag ni Miesza. Madaling nagkasundo tong dalawa matapos kong ipakilala si Erica Erah kina Alaska, Miesza at Delilah.
“May date kayo diba? Baka maging sagabal lang ako,” mahinang sagot nya.
“Wala ka bang ibang kaibigan sa year nyo?,” usisa ni Miesza. 3rd year kasi si Erica Erah.
“Wala e. I'm an outcast,” hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.
“Stop saying that. Hindi ka outcast,” sabi ko. Tiningnan nya ako.
“Pasensya na Mozy. Mahiyain kasi ako kaya ganun,” tinapik ni Miesza ang balikat nya dahil magkatabi silang dalawa.
“Makinig sa mga ate mo Erica Erah. Pangako kong bago ka maging Senior ay tataas yang level of confidence mo,”-Miesza.
Nagtinginan kami ni Miesza. Tama sya. Sa totoo lang, nakikita ko ang sarili ko kay Erica Erah kaya ganito na lang siguro ako makaasta sakanya.
“Anyway Mozy. How's George? Hindi sya pumapasok sa first subject,” isa pa yan sa inaalala ko.
“Tinataboy nya parin ako. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sakanya kaya ganun na lang sya kagalit sakin,” sagot ko.
“All of you seem problematic. Anong meron?,”-Alaska na kasama si Delilah na may dala-dalang apat na libro. Kumaway si Delilah samin.
“Mga bagay bagay,” sagot ko.
Umupo ang dalawa sa magkabilang gilid ko.
“Tambak ang paperworks. Kainis,”-Alaska na naglabas ng mga notebooks.
Bumuntong hininga sya matapos iyon.
“Hindi ko tuloy feel ang darating na ball, nakakastress,” dagdag nya. Pareho kami. Though Monthsary namin ni Hyungwon yun ay hindi ko rin talaga feel. Ewan.
“May date ka na Delilah?,” tanong ni Miesza. Umiling si Delilah.
“Sabay na lang kami ni Erica Erah,”sagot ni Delilah.
“Eh? Walang nagyaya sayo sa mga boys?,” tanong ni Alaska.
“Meron naman,”-Delilah.
“O tapos?,”-Alaska.
“Si Wonho ba?,”-Miesza.
Nakita ko ang pag-iba ng aura ni Delilah. Ayaw nya talaga kay Wonho.
“Hindi no! Eww!,”-Delilah na umakto pang nasusuka.
“Grabe naman yang reaksyon mo Delilah,”-natatawang saad ni Alaska.
“Eh kasi naman huwag nyo nga kasi banggitin yung mokong na yun,”-umirap pa si Delilah.
Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat. May essay kami sa English 202.