Chapter Song: That's Cheating by Monsta X"Mozy!," bungad ng mga boys sakin nang makarating kami ni Hyungwon sa Hideout.
"Yiee, andito na ang nurse ni Kihyun," tinukso na naman kami ni Jooheon. Naglalaro sila at napapansin kong wala dito si Minhyuk.
Natawa na lang ako at tumungo nga sa kwarto ni Kihyun. Naabutan ko naman syang gising at ngumiti sya nang makita ako. He still looks sick for me.
"Magpahinga ka pa kaya? Ipapahiram ko na lang sayo ang mga notes ko para hindi ka mabehind sa discussions, but right now I think you still need to rest," saad ko nang makalapit ako.
Muli syang ngumiti.
"If that's what you want. Hindi kita susuwayin," ngumiti ako.
"Good," saad ko.
Muli syang nahiga sa kama nya at kinumutan ko sya.
"Mozy," natigilan ako nang hawakan nang mahuli nya ang kamay ko.
Ang init init nya parin.
"Salamat. I should be the one who take care of you pero nabalikta na. Salamat talaga Mozy, don't worry babawi ako sayo," I smiled.
"It's okay Kihyun. Magpahinga ka na para mabilis kang gumaling, we missed you,"I said.
Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Thank you for not leaving me," ngumiti lang ako bilang sagot sa sinabi nya.
Matapos iyon ay nagpaalam rin naman ako sa boys. Binisita ko lang talaga si Kihyun at si Cutie na sa kwarto na ni Hyungwon nakatira.
Pagkarating ko naman sa kwarto ay gulat na gulat ako nang makita kong sobrang gulo ng kwarto!
"Bakit ba to nangyayari sakin!," nakarinig ako ng sigaw sa banyo.
Teka. Sino ba tong nagwawala? Ang gulo-gulo ng kwarto! Pati gamit ko ay nagkalat narin! Para namang dinanaan ng bagyo ang bawat sulok ng kwartong to!
"Bwisit! Nakakainis!,"
Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng banyo at may lumabas na babaeng mahaba ang buhok at halatang-halata na galing lang sa pag-iyak dahil sa mga namumugto nyang mata at dahil nagkalat ang maskara nya.
Kinabahan ako nang pasadahan nya ako ng tingin. Isang nakakatakot na tingin.
"Anong ginagawa mo dito?," mataray nyang saad.
"Ah. Kwarto ko rin to?," sagot ko. Nag-aalanganin ang tono ko dahil iba ang tingin nya sakin ngayon.
Binigyan nya ako ng naiirita na tingin.
Sino ba to!
"Sinabi mo bang kwarto mo to? Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba ako kilala?," tinaasan nya ako nang kilay.
Mukhang nangangamoy away to. Ayoko ng away miss! Pwede ka namang magpakilala sakin!
"Tinatanong kita kaya sumagot ka sakin," saad nya o parang utos nya. Pinanood ko syang lumapit sakin.
"Roommate mo ko," mahinahon kong saad. Hindi ko pwedeng sabayan ang frequency ng galit nya dahil sasabog ang kwartong to!
Ngumisi sya. Nakakatakot ang aura nya. Parang kakainin nya ako ng buhay!