Chapter Song: Cash Me Out by f(x)
Nang magsimula ang party ay nakaubos ata ako ng apat na slice ng pizza. (Pepperoni is life.) Nagsimula na rin ang kulitan ng mga boys lalo na nila I.M, Jooheon at Wonho. (Dahil na rin nakainom sila ay mas lalo silang kumulit.) Napuno ng tawanan ang Hideout dahil sakanila. Pati nga si Alaska (na katabi ni Minhyuk) ay hindi matapos sa kakatawa lalo na ng magsimulang sumayaw si I.M ng PPAP (bagong kanta na hindi ko alam.) I swear sumakit talaga ang tiyan ko dahil dun. Ang katabi ko namang si Cindy ay wala na. Lasing na.
"Oy oy oy! Laro tayo!," tumayo si Shown na may hawak na red cup at itanaas to. Wala na. Lasing na rin to.
"Oy leader! Hahaha itapon na yan sa kama nya!," ani ni Jooheon.
Umiling si Shownu at nagsabing hindi pa daw sya lasing. Sinubukan syang paupuin ni Minhyuk pero nagpumilit syang tatayo.
"Laro tayo ng truth or dare para masaya!," anunsyo nya.
Mukhang pumayag naman ang mga boys sa pahayag nya kaya agad na kumuha si Wonho ng bote saka nilagay sa mesa. Iba talaga kapag nakakainom. Ang daming naiisip na kalokohan.
"Kung sino ang matapatan ng bote ay iinom bago mamili kung truth or dare!," ani ni Wonho.
Hindi ako kasali sa larong to. Manonood lang ako para masaya.
"Lahat kasali ah! Walang kj! Ikaw rin Queen! Kasali ka hehe," nginitian ako ni Jooheon. Wala na. Singkit na singkit sya.
"Dalhin mo muna to si Cindy sa kwarto at wala na, tulog na," saad ni I.M. ( Katabi nya si Hyungwon.)
Sinunod naman ni Jooheon ang sinabing iyon ni I.M at dinala na nga ang tulog na si Cindy. So ayun, nagsimula na ang laro. Bigla akong kinabahan. Pero hindi ko alam kung sa pag-inom ba ako kinakabahan o sa laro. Hindi ko rin kasi alam kung ano ako kapag lasing. At baka isang inuman lang ay wala na. Kasama na rin ako sa team lasing. Err.
"Okay! Spin the bottle now!," manggigigil na pahayag ni Shownu. Ang cute nyang malasing.
Si Wonho ang taga ikot ng bote at nang magsimula na ngang umikot ang bote ay natahimik kaming lahat. Hinihintay na tumigil ang bote sa kaiikot at may matapatan. Nagdarasal na ako sa isip ko na sana ay hindi sakin matapat ang bote. Hindi pa ako ready!
Nakahinga naman ako nang kay Wonho natapat ang bote. Kagaya ng sinabi nya ay inubos nya muna ang laman ng red cup saka nag-isip kung truth ba or dare ang pipiliin nya.
"Hoy ungas! Dali na! Ano na?!," natatawang tanong ni Jooheon nang makaupo sya sa tabi ko.
"Hmmm..truth na lang," saad nya.
"Playing safe ang ungas o," saad ni I.M.
Tiningnan ko ang mga boys. Mukhang may mga tanong sila sa isipan nila.
Namili na rin si Wonho ng magtatanong sakanya. Tinuro naman nya si Alaska at naturo ni Alaska ang sarili nya.
"Oy daya naman! Sabing ako e!," reklamo ni Jooheon. Binelatan sya ni Wonho.
"Ehem,"ani ni Alaska kaya nabalik sakanya ang atensyon.
"Okay. My question for you Wonho is," huminga ng malalim si Alaska.
"What is your ideal girl?," inulan ng reklamo ang tanong na iyon ni Alaska.
"What was that Alaska? Ideal girl? Pft!," pahayag ni I.M. Sinita sya ni Alaska na tumahimik.