9: My Queen

45.2K 1.7K 207
                                    

Chapter Song: White Girl by Monsta X


Hindi pa ako kelan man kinabahan sa subject na Physical Education, maliban na lang ngayon. Dahil na rin siguro kasama ko na naman dito si Minhyuk. Hindi ko na alam kung bakit ganito. Para bang mas lalo atang naging malabo ang chance na maging kaibigan kami.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal ako. Grabe naman tong si Teacher Kim, kanina pa ata namin nililibot tong napakalaking gymnasium! Sabi nya kasi kailangan namin ng warm up bago magsimula yung klase nya pero kanina pa ata kami natakbo dito! Basang-basa na nga ang likod ko ng pawis.

Narinig ko ang pagpito ni Teacher Kim kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo at nakasabay ko nga si Jooheon.

Pinasadahan nya ako ng tingin.

"Kaya pa Mozy?,"

Tumango ako.

"Kakayanin," I said and he chuckled.

Nakakainggit si Hyungwon dahil hindi sya pumasok ngayon! Hindi na sya bumalik matapos nyang magwalk out kasama ang Chuckie ko.

Umalingaw-ngaw ang pito ni Teacher Kim kaya napatigil kaming lahat. Rinig na rinig ko ang pagrereklamo ng mga kaklase ko habang ako ay hindi na makapagsalita sa paghahabol ng hininga ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang hinihingal din na si Wonho.

"Hindi man lang ako pinagpawisan," napunta ang tingin ko kay Jooheon.

"Teacher Kim, isa pa?,"

Marami ang nainis sa sinabing iyon ni Jooheon pero tumawa lang sya. Napailing ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko ng tubig!

Lumapit samin si Teacher Kim.

"O sha, magpalit na kayo. Tapos na ang klase,"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nyang iyon samin. Nang umalis sya sa harap ay nabalot ng malulutong na reklamo ang loob ng gym.

Napaupo ako sa sahig. Napagod talaga ako.

Tiningnan ko ang tumabing si Shownu sakin at hiningal din.

"Ayoko talaga sa p.e," natawa ako.

"Ako rin," sagot ko.

Naupo din samin si Wonho na basang-basa talaga ang buhok.

"Ireklamo natin yung Teacher Kim na yun, kabadtrip," huminga sya ng malalim matapos sabihin yun.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kihyun sakin.

Hindi malabong ang sinasabi ni Wonho ngayon. Anak sila ng mga may-ari ng Monsta X Academy kaya madali lang sakanila ang magreklamo o ano.

"Ano ba yang sinasabi mo Wonho. Alam mo naman diba? Hindi na tayo pinagbibigyan ng academy na to ng special treatment," napatangin ako sa naupong si Jooheon.

Nagsisialisan na ang mga studyante sa gym at kami na lang ang naiwan. Napunta ang tingin ko kay Minhyuk na nakatingin samin o parang sakin. Did I saw him smirked?

Napabuntong hininga ako.

"Alam ko yun Jooheon. Nangyari na ang mga nangyari at nangako na tayo sa mga dad natin,"

Binalik ko ang atensyon sa tatlong to.

"Nangako?," I asked.

Nagtinginan silang tatlo sa isa't-isa.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon