14: Ligaw

42.8K 1.4K 258
                                    


Chapter Song: Honestly by Monsta X

Pagkatapos nga ng klase ko ay agad na tumungo ako sa library. Pinasadahan ako ng tingin ni Ms. Gilda na natigil sa ginagawa nya sa harap ng netbook nya.

"Ikaw na naman Montgomory," napangiti ako ng pilit sa sinabi nya.

"Opo. Ako na naman po," sabi ko.

"O sha. Katulad ng dati parin ang magiging trabaho mo. Pagpatak ng alasyete ng gabi ay matatapos ang parusa mo,"

Napatango ako. Agad din naman akong nagsimulang ibalik ang mga nagkalat na libro sa kani-kanilang shelves. Mabuti at kaonti na lang ang mga students na nasa library. Mukhang napunta nga lang dito ang mga students para guluhin tong library e.

Mahirap na parusa din to dahil sobrang laki ng library ng Monsta X at ang daming shelves. Isama mo pa na hindi ko kabisado ang lahat dito dahil kakalipat ko lang. Pero ayos na to kesa sa maexpel.

Matapos kong ilagay sa pushcart ang mga libro ay sinimulan ko ng hanapin ang mga number ng shelves nila. Hays. Nakakapanlumong tingnan ang mga kabundok na librong to.

Palibhasa kasi mayayaman ang mga students dito kaya hindi na nila binabalik sa shelves ang ginamit nilang libro.

Hawak-hawak ang libro sa History na nasa shelf 156 ay agad kong hinanap iyon. Mukhang sasakit ang leeg ko sa gawaing to.

"Turn right then left again, you will find the shelf 156,"

Natigilan ako nang makita ko ang nakasandal na si Minhyuk at nagbabasa ng libro.

Nang makabawi ako sa gulat ay nagpatuloy akong maglakad hanggang sa madaanan sya.

"Salamat," saad ko.

Hindi nya ako pinasadahan ng tingin. Hindi ko na rin hinintay na may sabihin sya at nagdire-diretso na sa shelf 156.

Nang mailagay ko ang History book ay sumilip akong muli sa pwesto ni Minhyuk kanina pero wala na sya.

Napailing ako. Bakit ba ako sumisilip.

"You need help?,"

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Paano sya napunta dito?

Pero akakahiya.

Nahuli nya ako.

"Ah. Kaya ko na," sabi ko.

Hinarap ko sya.

Nang magtama ang mga tingin namin ay agad kong binaba iyon sa mga libro. Hindi talaga ako komportable kapag andito si Minhyuk. Para kasing may mali akong nagawa kaya andito sya.

"Seryoso ka?," tanong nya. Pinanood ko syang kumuha ng isang libro sa pushcart.

"Sobrang dami kaya nito,"

Alam ko naman. Pero hindi ako makapaniwalang kinakausap nya ako ngayon.

"Seryoso ka rin?,"binalik ko ang tanong dahil mukhang sakanya nararapat ang tanong na yun. Iniangat ko ang tingin sakanya.

"Seryoso ako," napatango ako.

Okay. Wala naman sigurong masama na tulungan ka ni Minhyuk. Think of this a an oppurtunity to talk to him Mozy.

"Sige. Mukhang kailangan ko nga ng tulong," nahihiyang saad ko.

Hindi sya sumagot pero nalaman ko na lang na tulak-tulak na nya ang cart kaya agad akong sumunod sakanya.

Nangyayari ba talaga to? Kasama ko ngayon si Minhyuk at tinutulungan nya ako sa pagsasauli ng mga libro?

Nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon