Chapter Song: One Love by Monsta X
"Huy,"
Tiningnan ko si Wonho. Kumurap-kurap sya.
"Kanina ka pa nakatulala dyan. Ano bang nasa isip mo?,"
Agad akong nag-isip ng idadahilan. Huwag kasing masyadong halata Mozy.
"Ah. Wala. Si Ms. Gilda kasi may inuutos sakin," palusot ko.
Napatango si Wonho. Salamat at mukhang naniwala sya.
"Ba't hindi mo pa sagutin si Kihyun?," tanong ni I.M.
Nangangapa na naman ako ng isasagot. Katabi ko pa naman si Kihyun.
Bakit ka ba kasi nag 'Yes' Mozy kung hindi ka rin naman pala sure.
Dahil siguro ayokong mapahiya si Kihyun. Kapag 'Hindi' ang sinagot ko, mas lalong magiging komplikado ang lahat dahil marami ang nanonood. Maaari ring mawala ang pagkakaibigan namin ni Kihyun. But I know I should tell him atleast.
"Sabing huwag nyo syang ipressure. Hayaan nyo lang ang lahat," pagtatanggol ni Wonho.
Supportive talaga tong si Wonho pagdating kay Kihyun.
"Darating din sila dyan," dagdag pa ni Wonho sabay kindat sakin.
"Akala namin forever ng matotorpe si Kihyun sayo. May pa flowers flowers ka pang nalalaman," ani ni I.M saka nagtawanan sila ni Shownu.
"Alam mo ba Mozy. Parating nahingi ng advice si Kihyun samin? Nakakatawa nga e, para namang hindi nagkagirlfriend noon," ani na naman I.M.
"Tigilan nyo nga ako. Pinapahiya nyo pa ako sakanya," sita ni Kihyun.
"Hoy mga ungas, tama na nga," tinapunan ni Kihyun ng unan ang tumatawang sina Shownu at I.M.
Nasa hideout nga pala kami. Hindi natuloy ang pagbisita ng mga dad nila at abot-abot saya nilang pito kaya heto nagcecelebrate kami. Kagagaling ko pa nga sa library at sinundo ako ni Kihyun kaya napunta ako dito.
Kaya nga tinadtad ako ng tanong ng mga boys (maliban kay Minhyuk na nakasuot ng earphone at mukhang busy sa cellphone nya.)
Kalat na din kasi sa academy. Pinagdarasal ko lang talaga na hindi to umabot kay dad.
"Hello guys!,"
Dumating si Cindy at Jooheon na may dala-dalang boxes ng pizza, cola at mga junkfoods. Inabutan naman ako ni Kihyun ng isang junkfood (Ruffles).
Nakisali na sila samin kaya umingay na ang hideout.
"Nasaan si Hyungwon?," tanong ni Cindy.
Nagkibit-balikat ako kahit na may idea ako kung nasaan ang Sleeping Pills na yun. (Hindi ko nga kasi pwedeng sabihin na pumapasok sya sa kwarto ko at baka makadating pa to sa Dean at tuluyan na akong mapatalsik dito.)
"Nagtatampo ba yun dahil sainyo ni Mozy, Kihyun?," natigilan kaming lahat sa tanong ni Cindy.
"Nako babe. Sanay na kami kay Hyungwon. Baka nga natutulog na yun," singit ni Jooheon.
Nagtawanan sila sa sinabi ni Jooheon.
"Tsaka bakit naman magtatampo ang Sleeping Prince natin, wala namang namamagitan sainyo ni Hyungwon diba Mozy?," Jooheon asked me.