23: Ex-girlfriend

36.2K 1.2K 82
                                    


Chapter Song: Steal Your Heart by Monsta X


Lumipas ang isang linggo at nasasanay na ako sa araw-araw na sagutan namin ni Miesza. Nasama na sa daily routine ko ang sagutin ang mga maaanghang nyang linya sakin. Buti nga at nakakatulog ako ng maayos kahit na magkasama kami sa iisang kwarto.


Speaking of her. Naiinis na nagkukuwento si Cindy sakin tungkol sa ginawa ni Miesza sakanya nung isang araw.

"Bruha talaga!," bumusangot sya. Nagrereklamo sya tungkol sa ginawa ni Miesza na pagsingit sakanya sa c.r kahit na nauna sya sa cubicle.


And speaking of Miesza. Nasa Theatre Club sya nakapila. Mukhang bagay naman sakanya na sumali dun dahil magaling nga syang umarte. Pang best actress. Pero hindi natalab kay Minhyuk ang mga kaartehan nya. He's cold as ice towards her.


Nasa pila nga pala kami ni Cindy dahil ngayon ang araw para pumili ng sasalihan naming club (pagkatapos ay wala ng pasok). Pareho kaming nagkasundo ni Cindy na sa Art Club kami. Mahilig akong magdrawing at gusto ko pang madagdagan tong alam ko.


"Nasaan nga pala ang mga boys Cindy?," natanong ko. Hindi ko kasi sila mahagilap.

"Nasa gym ata sila. Nagpapatry out," napatango ako. Magagaling nga pala maglaro ang mga yun.

Nginitian ako ng babae na nagfafacilitate nang matapos si Cindy sa pagfifill up.

"Hi Queen! Masaya kaming sumali ka sa Art Club!," ngumiti lang ako.


"Gosh! Si Hyungwon!,"

"Papalapit sya dito!,"

"Omg! Ang gwapo talaga!,"

Naagaw ang atensyon ko ng mga babae na nakasunod samin. Tsss. Natatanaw ko si Sleeping Pills at mukhang papalapit sya samin ni Cindy. Agaw atensyon talaga ang lalaking to.

"Papalapit na talaga sya!,"

"Kinikilig talaga ako!,"

"Hihihihi,"

Inalis ko ang tingin ko at nagsimula ng ifill-up ang mga boxes. Mabilis ko naman natapos yun dahil lima lang naman ang susulatan. Pero kinakausap pa ako nung babae.

"Hey Biscuit,"

Hindi ko sya nilingon pero nakarinig ako ng click.

"Nice shot," aniya.

Nilingon ko sya at nakatutok ang camera nya sakin. Maya-maya ay nakarinig ako ng click.

Umalis kami sa pila ni Cindy saka lumapit kay Hyungwon. Jusko pinagtitinginan kami ng lahat ng mga tao dito.

Pero hindi man lang matingnan ni Hyungwon yung mga kinikilig nyang fans. Habang yung mga fangirls nya ay binibigyan ako ng 'swerte mo girl' look. Swerte nga ba talaga ako?

"Anong ginagawa mo dito?,"I asked.

"Looking for you," he said. Ramdam ko ang tingin ni Cindy sakin.

Sumenyas ako na wag nyang bigyan ng meaning ang sinabi ng lalaking to. She's still asking me about Hyungwon kahit ilang beses kong sinabing 'wala'.

"Sige Queen. Aalis na muna ako at baka hinahanap ako ni babe," nginitian ako ni Cindy pero bago pa man ako makapagsalita para pigilan sya ay mabilis syang umalis.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon