28: rebeca's darkest secret (lol)

17 1 0
                                    

[rebeca]

Hooray for my first p.o.v. XD

Alam naman natin na lahat tayo ay may lihim na itinatago.

Lihim na kahit sa mga malalapit mong kaibigan ay hindi mo sinasabi.

Pero masasabi ko pa bang lihim kung sasabihin ko naman din sa inyo kung ano iyon?

Remember Luke?

Yung dumating galing sa Japan? He used to be my bestfriend.

A childhood friend to be exact.

Cliche man pero I grew fond of him.

Tinago ko sa kanya yung nararamdaman ko na higit pa sa kaibigan because I didn't want my feelings to get in the way of our friendship.

I didn't want to take the risk of loosing him just to be more than friends, kontento na ko sa lagi ko siyang kasama at nakakausap.

I got used to that kind of situation until I found out na magmamigrate pala ang family nya to Japan.

And guess what? I found that out just a few days before they leave.

Like my goodness right? Best friend ako tapos hindi man lang sinabi sakin?

Sakit lang mga bes. Ow wel papel XD

Nagtampo ako sa kaniya that time. Duh? Who wouldn't?

Sige nga, pag ba yung bestfriend niyo aalis for good tapos hindi man lang magsasabi sa inyo hindi kayo magtatampo?

I have the right naman diba? Kampihan nyo ko enebe.

So yun. Hindi ko siya pinansin buong klase.

Hanggang uwian hindi ko siya pinansin.

Tapos kinabukasan, ganun ulit ginawa ko kaso nung uwian na kinalakad ako nung lokong yun papunta sa rooftop.

As in kinaladkad! Ang sama ng ugali, may heels yung sapatos ko eh. Magsosorry lang pala siya kaya ganun.

Langhiyang yun kinaladkad pa ko.

Anyway highway, noon lang din siya nagsabi na aalis daw sila.

Tapos yung dahilan niya ay ang walang sawa at walang kamatayan na 'ayaw kasi kitang makita na nasasaktan dahil sakin' bwiset ano to teleserye?

Ang drama niya gasgas na.

Saka sino bang iniwan ang hindi nasaktan?

Pero eto talaga ang pinakashocking sa lahat ay ang pag-amin niya na may gusto siya sa akin.

At emeged parehas kami ng dahilan.

We just can't sacrifice our friendship with something we're unsure, like confessing how we really feel.

And that's when he made a promise of going back for me.

8 years ago.

Sabi niya babalikan niya ako.

Sabi niya we'll start something more than our friendship.

And if you're curious kung may communication kami when he went to Japan, none.

He never contacted me and i can't contact him, even if I tried hundreds of times.

Kaya naisip ko kung naaalala niya pa yung pangako niya. Yung lahat ng sinabi nya. O kung natatandaan niya pa ako.

Siguro hindi na.

Bakit niya nga ba seseryosohin yung sinabi niya?

We were 16 then.

studying love with mr.right [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon