23: Dj agatha

26 1 0
                                    

Nandito kami sa garden ng school, nagpapahinga sa isang gazebo.

As usual, kasama ko si peri at rebeca.

Si henna? Nakakita nanaman ng gwapo kanina, kaya sinundan nya. Man hunt. Lol.

Eto namang si rebeca, kanina pa nakatutok sa cellphone nya.

Hindi kaya may lovelife na si rebeca?

Lol, pwede rin XD

Porque busy kakatxt may love life na teh?

Aba'y kamalayan ko😂😂😂

Yun lang naman ang conclusion na pumasok sa utak ko😂😂😂

Ako naman din nakatutok sa cellphone ko. Naglalaro ako ng clash royale. Gabi gabi ito ang pinagpupuyatan ko.

Si peri, nagmumusically

"ARRRGGGHHHH!!!"

Napatingin silang dalawa sakin.

Nakakunot noo nila.

"Anyareh?" Tanong ni peri.

"Natalo ako sa battle T____T" sagot ko.

"Akala ko kung ano. Clash royale lang pala
HAHAHAHAHAHA" -peri

"Happy condolence HAHAHAHAHAHA"- Rebeca.

=3=

"Anyways, i need to go na. May pupuntahan lang ako guys. Bye see ya later ^__^" biglang sabi ni rebeca at saktong aalis na.

"Hoy babaita, Saan punta mo? Bigla bigla ka nalang nang iiwan. Isama mo naman kami" sabi ni peri kay rebeca.

"Secret. Sasabihin ko nalang sa inyo mamaya. Agatha, pwede mo ba akong palitan muna sa broadcasting club? Ngayon lang. Mamayang 1:30 ang start ng show."-rebeca

Broadcasting club? Sounds fun.

Eto ata yung para kang dj na may magtatanong sayo at magbibigay ka ng advise. At syempre maririnig yun ng buong school kung saan may mga speaker.

"Okay ^____^" tugon ko.

At dali daling umalis si rebeca.

******

Pumunta na ako sa broadcasting room.

Sinalubong ako ng isang babae at dinala nya ako sa loob, dun sa may mic chu-chu.

Nagsalita sya na parang bumabati at pinakilala nya ako bilang substitute ni Dj rebeca.

Pumasok ang unang student na hihingi ng advise.

"Uhm... hello po ate agatha, ano po kasi, may problema po kasi ako"

"Maliban sa mukha mo, ano pa ang problema mo?"

Natawa naman sya. "Ate naman eh. Haha. Ano po kasi, yung boyfriend ko po, niloko ako. At nahihirapan po akong makamove on. Gusto ko pong ipakita na masaya ako kahit wala sya pero nahihirapan po ako. Ano po gagawin ko?"

"Hindi susi sa pagmomove on ang pagkalimot sa kanya or pagblock sa kanya sa facebook, pagdelete ng number, at pagiwas sa kanya. Ang kailangan ay mahalin mo sarili mo. Wag kang iiyak sa isang sulok dahil niloko ka nya at nasaktan ka. Be happy. Gawin mo lahat ng nagpapasaya sayo. At marami namang lalaki na pwedeng ipalit sa kanya. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Kaya kung ako sayo, humanap ka ng iba dahil hindi sya kawalan. At kapag nakamove on kana, wag kang lalapit sa kanya at magsasabi na 'hi, ako nga pala ang sinayang mo'. Wag na wag mong sasabihin yan dahil pwede kang mapahiya kasi pwede syang tumugon na 'bakit? Nanghihinayang ba ako?' "

"Ahh papano po makakahanap ng iba?" Tanong nya.

"Madali lang makahanap ng iba. hindi na kailangan ng kagandahan, minsan landi lang sapat na." Sabi ko.

"Ate paano po maging malandi?" Tanong nya.

"Ayy hindi ako gaanong expert sa ganyan. Aaminin ko, may kalandian akong taglay pero sa taong mahal ko lang ina-apply. Learn from the expert, irerecommend kita kay vanessa scondoff, bachelor of science in pokpoklogy and major in landism. Just look for her nalang ah dear." Sabi ko.

"Sige po ate thank you po ^__^"

Grabe, nakakaenjoy pala ang ganito.

Lumabas na ang babae at sinundan pa ito ng isa.

Ang babae ay nakasalamin at nakabuhaghag ang buhok na halos tumakip na sa mukha nya.

Malaki ang damit nya at ang palda nya ay malapit nang sumayad sa sahig sa sobrang haba.

Omg! Nagsasalamin na pala ngayon si sadako😨😨😨

"Wag kang lalapit sakin sadako!😨😨😨" Sigaw ko.

"Hi-hindi p-po ako s-si sadako.
A-ako po si zyra." Nauutal nyang sabi.

Ahhh akala ko sya si sadako.

Oh my gee what a relief...

"Okay zyra, anong problema natin?"

"Lagi po kasi akong tinutukso at binubully. Paano po ako lalaban at mapahinto ang pangaasar
nila?" Sabi nya.

"Just don't give a crap. Hayaan mo lang sila. Wag mo silang pansinin. Sila naman ang magmumukhang tanga. Don't hate them. 'cause hating them takes too much energy. Just pretend they're dead." Sabi ko.

"Eh paano po kung hindi sila tumigil?"-sya

"Alisin mo sa sarili mo ang bagay na nilalait nila sayo. Sa gayon, hindi ka na nila lalaitin." -ako

"Lagi kasi nila akong tinatawag na panget, nerd at kung ano pa." Sabi nya.

Hindi naman sya panget, sadyang yung ayos ng buhok at style ng pananamit nya ang may problema.

"You need to transform my dear. Hindi ka panget. Kailangan mo lang baguhin ang style ng pananamit mo. Ang weird mo kasing manamit kaya ka ninaasar. at lagi mong ayusin yang buhok mo" sabi ko.

"Weird po akong manamit?" Tanong nya.

"yes. Weird nga. At kailangan mong baguhin yan. Ikaw naman din ang makikinabang kapag binago mo yang style mo." Sagot ko.

"Sige po ate, thank you ^___^"

Nageenjoy talaga ako dito😂😂😂

Feeling ko tuloy ako si dj chacha😂😂😂

(A/N: ipagpapatuloy 😂😂😂)

studying love with mr.right [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon