Magka-Pares pero di Magka-Bagay

24 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata

"Pili ng pili, sa huli napupunta sa bungi."

Pagbabanta sa akin ni Donna na highschool bestfriend ko since 2006. Tandang tanda ko pa noon ang nakakalokong tawa nya habang binabalaan ako dahil hanggang ngayon nga ay wala pa rin akong boyfriend. Hindi ako NBSB. Dalawang beses na din akong nagmahal... Ng sobra. Umasa din ako noon na totoo yung mga pangako sa pagitan ng "hindi kita iiwan" at "mahal kita".

Pero sa dalawang pagkakataon na nagmahal ako, doon ko din natutunan na pwede ka pa lang iwan kahit mahal ka pa. At pwede ka ring magmahal kahit iniwan ka na.

"Tigilan mo nga ako Donna, ay naku ha. Sinasabi ko sayo. Ayoko pa. Ayoko na muna." pagbabalik ko sa panunukso nya sa akin.

"Bes anu ka ba. Apat na taon na. Bigyan mo naman ng chance yung sarili mo. Bahala ka, kailan mo ioopen yung sarili mo? Kapag wala ka ng asim? aha aha aha aha aha" sabay ang malakas nyang pabaligtad na tawa.

Hinagis ko kay Donna ang basang basa kong bimpo na kanina ko pa ipunupunas sa leeg at dalawa kong kili kili.

"Oh ayan, maasim."

"Eeeeeeeeewwww." hinagis nya pabalik sa akin ang bimpo at patuloy kaming tumakbo.

Jog buddy. Eat buddy. Crime partner. Bestfriend. Alam lahat ni Donna pati pagkakabuhol buhol ng small at large intestine ko sa tiyan. At sya din yung kaibigang hindi natakot samahan ako sa madilim na sulok na yugto ng buhay ko noong naranasan ko ding masaktan, sa pag-ibig. Kaya alam ko, at naiintindihan ko kung bakit naaatat na din syang magkalovelife ako ulit. Siguro ay para nga maranasan ko naman ulit ang magmahal at mahalin. O baka nagsasawa na din sya na sya yung palagi kong tinetext sa umaga, chinachat sa tanghali at tinatawagan sa gabi. Haha. Syempre joke lang yung huli.

Marami na rin syang alam tungkol sa akin kaya nga hindi ko sya pwedeng awayin. Ayokong gamitin nya yun pang blockmail sa akin. Siguro nga pwera sa lovelife, isa na ako sa mga maswerteng nilalang. May pamilya ako na strikto pero mahal ako at may bestfriend akong bully pero totoo.

🎶 "Oh carol
I am but a fool
Darling I love you
Though you treat me cruel
You hurt me
And you make me cry
But if you leave me
I will surely die---- " 🎶

"Oh Carol, wag mo titigan yang cellphone mo. Sagutin mo yang tawag napaka corny ng ringtone mo. "

Pilit inaagaw ni Donna sa akin ang phone habang ako naman patuloy na hinihintay mapagod sa kakatawag ang tao sa kabilang linya.

"Hayaan mo sya bes. I'd rather stay here with you kaysa sagutin yung tawag nya. Naalala lang naman nya ako kapag wala syang kasama."

Si Kelvin. Ang college bestfriend ko.

"Huuuuuu. Yun lang ba talaga? O may iba pa?" seryoso na si Donna.

"Anong iba pa? Wala naman na. Yun lang talaga bes. Tara na isang ikot pa tayo."

Tooot toot. Tooot. Tooot.
One message received.

Nabasa ni Donna ang preview message sa screen.

"Sorry daw nakalimutan nya yung cheese cake mo. Oy, Carol. Dahil sa cheese cake iniisnob mo ng ganyan si Kelvin? Ako nga Valentines ngayon, nakalimutan ni Humpty Dumpty batiin ako--" biglang nagbago ang kaninang magiliw nyang tono na nagshift sa pagkalungkot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh Carol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon