Faye's
I could finally feel the solace that I have longed for just by seeing my former home from a far. It has been aged by time but its exterior is still the same. You can easily tell that it has been well-maintained by the custodian. Seeing through those metal fence, nothing is changed actually except the landscape in front the house. It got a lot of new ornamental plants that I know mom purchased from different cities and even countries. She is just so obsessed of them that she could possibly pay millions just to have them in her garden. The idea made me chuckle. Damn I miss my mom... and my dad as well.
The guards immediately open up the gate when they saw my car in front of the residence. I drove off until I reached my own parking spot on the garage. Before getting out, I made sure that I gathered all the things that I need for work especially my laptop. I don't have the luxury of time to just idle while having a rest. I just can't. Anyway ang sakit talaga ng likod at batok ko dahil sa kakaupo maghapon idagdag mo pa ang hindi mabawas bawasang stress sa opisina feeling ko tuloy ang tanda ko na. I'll definitely get a massage and spa this coming weekend because my body hella deserve it after this nerve-racking week.
Sinalubong ako ng aming mga katulong at sinabing nakahanda na raw ang hapunan. Pagdating ko sa dining area, nakalapag na lahat ng pagkain sa malaking mesa. It has been a year na rin pala mula nung huling bisita ko dito. Nilibot ng mata ko ang buong paligid at halos ganun pa rin ito, yun nga lang wala ang parents ko para sabayan ako sa pagkain.
"Sige na kumain na kayo dito. I'll just eat upstairs. Manang padala na lang po sa kwarto. Thank you." Pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis ko nang tinahak ang hagdan papunta sa kwarto ko sa taas. Pero habang binabagtas ko ang mga pasilyo papuntang hagdanan, unti- unti ko ring nararamdaman ang tindi at bigat ng mga emosyong bumabalot saakin kanina pa. The goddamned nostalgia is slowly swallowing me. I kept my head down to prevent me from getting a lot of attention from the house help. Ayokong ako ang kanilang pagpipiyestahang topic habang kumakain. Sa trabaho ganoon na nga lagi ang scenario pati ba naman dito? Damn. Am I not allowed to take a break?
Habang papataas na ako, pakiramdam ko pupunta ako sa lugar kung saan mag-iisa na naman ako, mag mumukmok at iiyak ng mag-isa, ang mundong sapilitan kong ginawa dahil lang sa isang tao. Nasa may bandang kalagitnaan bilang pa lang ako ng mga baitang nang nahinto ang mga hakbang ng aking paa. Napahigpit ang kapit ko sa railings ng hagdan dahil mistulang bigla ako nakaramdam ng panghihinang tumayo. Anumang pagpilit ko sa aking sariling huwag umiyak, hindi ko na napigilan nang may mga tumakas nang mga luha sa mata ko na siyang unti- unti nang tinatahak ang aking mga pisngi.
Ito na naman...
This fucking feeling is killing me!
Muntik na akong magkandarapa para lang agad kong marating ang aking silid. Mabilis kong isinara ang pinto na siyang nagpakawala ng malakas na ingay na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Napasandal ako dito at doon na ring nagsimulang sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luhang matagal ko nang hindi napapakawalan.
Ang buong akala ko kapag umuwi ako dito sa bahay magiging maayos na ang pakiramdam ko pero bakit parang mas lalong lumala? Bakit parang mas lalo ko lang naramdamang mag-isa ako? At higit sa lahat, yung mga masasakit na alaala ko, bakit sila muling nagsisibalikan? Umuwi lang naman ako dito pero bakit mas lalo silang pumait?
At nahagip ng mata ko ang maliit na litrato na nakatayo sa bedside table. Akala ko ba pinatapon ko na kay Mom lahat ng bagay na konektado sa kaniya, pero anong ginagawa nito dito? Nananadya ba talaga ang tadhana at talagang ito pa talaga ang makikita ko sa oras na ganito ako?! Fucking destiny! Wala nang ginawang tama para sakin at walang ibang ginagawa sa araw-araw kundi ang ipamukha sakin na hinding hindi na ako sasaya.
BINABASA MO ANG
A Night With The Gay Bachelor
RomanceSeeking further meaning of happiness and fulfillment, Vanzuela Group of Companies Director of Finance, Kirstine Faye Vanzuela has never been the same since that day three years ago. After all those things happened to her, she spent all of her time w...