Prologue

250 10 1
                                    

Isang normal na araw lang to para kay neil gigising,kakain,at pumasok sa school pagkabangon niya deretso agad siya sa banyo at naligo.
Matapos magbihis ay agad siyang bumaba at nagluto ng makakain. Si neil aice gonzales ay isang 18 years old na freshmen sa Sierra private college at ang mga magulang nya ay nasa ibang bansa para magtrabaho.

Matapos kumain pumunta siya sa sala at binuksan ang tv para manood saglit pag ka-on nya ng tv may nagsalita agad na reporter
"Kilalang kilala sa buong mundo ang sikat na sikat na vmmorpg ito ay ang Grand fantasia online o ang tinatawag nilang GFO maraming nahuhumaling dito dahil mararanasan mo ang makipaglaban sa mga kakaibang halimaw o makakita ng hindi mo makakakita sa real world at dahil narin sa puwede mong i convert ang pera in game to real world pa-"inoff na nya ang tv dahil paulit ulit nalang nya naririnig ang larong yon.

Matapos niyang magbasta ng gamit lumabas na agad siya ng bahay niya at nagsimulang maglakad dahil malapit rin naman sa kanila ang papasukan nyang iskwelahan habang naglalakad siya ndi niya maiwasan marinig ang mga nag kwekwentuhan tungkol sa GFO na sikat na laro at dahil don napapasimangot nalang siya sa naririnig nya.

"Pre ang ganda pala talaga nung GFO"

"Tara party tayo mamaya"

"Anong level mo na bes"

Ito ang mga naririnig niya ng pagpasok nya sa gate ng campus nila "pati pa naman dito ano ba meron sa larong yan"pabulong niyang sabi at dahil naiirita na siya sa mga usapan binilisan na lang nya ang paglalakad papunta sa room nila alam narin naman na niya ang room nila dahil may ibinibigay na guide book sa mga freshmen.

Habang naglalakad siya sa hallway papunta sa room nya hindi parin nya maiwasan ang mga usapan tungkol sa GFO pero sa isip nya ngayon wala na siyang magagawa kaya nabuntong hininga nalang siya at mga ilang minuto pa nasa room na siya.

NIEL POV

Nandito na ako sa tapat ng room na naka schedule sakin at ng sumilip ako tila nag lelesson na ang teacher "ughhh late na pala ako" maya't maya lang tumingin sakin ang teacher na nag tuturo at lumapit sakin.

"Bago kalang ba dito sa sierra?"tanong sakin ng guro at tumango lang ako at magsasalita palang ako ng maunahan nya ako

"Ok lang kahit late ka bago ka lang naman dito tara na pumasok kana papakilala kita sa mga kaklase mo"sabi ng guro at tama nga siya pano nya nalaman na yun ang sasabihin ko napabuntong hininga nalang ulit ako at pag tapos sabihin ng guro yon pumasok agad ang guro

"Guys may bago kayong kaklase " sabi ng teacher sa gitna at parang sinignal na pumasok na ako at ginawa ko naman yun.

"Sige mag pakilala kana"sabi ng guro namin habang naka ngiti at inumpisahan ko na ang pag papakilala.

"I'm neil aice gonzales pleased to meet you all"pagpapakilala ko sa kanila.

"Pre Babae ba yan? Haba ng buhok eh hahaha"

"Tanga may babae bang naka lalakeng uniform"

"Oo nga lalake nga yan"

"Witwiiwwwww pare
Chicks hahaha" sabi nung isa at nagtawanan naman ang iba

"Guys! Quiet!"sabi ng teacher namin at nag si tahimikan naman ang lahat pagtapos nung eksena na yon pinaupo na agad ako ng guro namin at pumunta ako sa likod kung saan walang masyadong nakaupo.matapos ang ilang oras.

"Class bukas nalang natin to ituloy" sabi ng guro namin dahil tumunog na ang bell at nag si tayuan na ang iba dahil uwian na.maaga ang uwian dahil first day palang.

"Pre online ka mamaya ?"

"Oo pre ano party ulit tayo?"

"Sige sige"ito nanaman ang usapan na naririnig ko panigurado na GFO nanaman ang pinaguusapan ng mga ito habang nakatitig ako sa mga naguusap hindi ko na malayan na may lumapit na pala sakin na lalaki

"Pre pasensya kana pala dun sa mga lalake kanina ganun talaga yun kahit high school palang kami"sabi ng lalaki na nasa harapan ko na kasing tangkad ko lang

"Ok lang sanay narin naman ako"sabi ko naman dito at nilahad nya ang kamay niya

"Dan mendoza pala" sabi nya at ngumiti at ako naman inabot ang kamay nya para makipag shakehands.

"Naglalaro kaba ng GFO na pinaguusapan nila?" Tanong nito sakin kaya napabusangot nalang ako sa dinami daming itatanong yun pa ang natanong nya umiling nalang ako.

"Ahhh kala ko ako nalang ang hindi naglalaro nun gusto mo ba subukan?" Tanong nito sakin napaisip naman ako dahil matagal narin akong hindi nakakapaglaro ng online games kaso yung mga mmorpg palang non wala pang vmmorpg .

"Hindi ko alam pero dati naglalaro ako ng mga online games kaso ndi pa uso vmmorpg non"sabi ko dito at tumango tango lang siya.

"Sige una na ako itatry kong laruin yon baka sakaling magustuhan ko bye!"sabi nito sakin napaisip nalang ako kung maglalaro ako nun wala naman masama kung susubukan ko nakapaglaro nanaman ako ng ganong laro kaso ndi lang virtual .

"Sige bye" sabi ko dito at umalis na.

Habang naglalakad ako pauwi naiisip ko parin kung maglalaro ako at kung maglaro man ako medyo mahal magagastos ko dahil wala pa akong virtual gear na sinasabi nila at ang game card na sinasabi nila para makapaglaro non. Habang patingin tingin ako nakakita ako ng isang game shop at dumeretso agad ako at nakita kong may nagbabantay doon na ndi lalagpas sa edad na 30.

"Ano bibilin mo?"tanong nito sakin.

"Uhmm pwede po bang magtanong sir?" Tanong ko dito

"Oo naman"

"Meron pa ba kayong virtual gear na sinasabi nila para makapaglaro ng GFO?" Tanong ko dito at may kinuha siya sa ilalim ng desk nya at pinakita sakin ang virtual gear na sinasabi nila.

"Ito bata last na to suwerte mo at may natira pa sayo hahaha ano bibilin mo ba? 8500 nalang para sayo" sabi nito at tumango ako at nilabas ang wallet ko buti nalang first day malaki allowance ko ngayon inabot ko agad ang 8500 pang bayad.

"Ma swerte ka bata yan natira sayo special daw yan sabi sakin o ito pa yung game card para
Makapaglaro ka libre nalang yan mukang baguhan kapalang naman eh"sabi nito sakin at inaabot saking ang isang card na parang atm .

"Salamat po dito sige po alis na po ako" sabi ko dito at umalis na.ilan minuto pa nandito na ako sa bahay at inilapag ang VG sa lamesa at nagsimula akong
Magluto ng makakain.

Matapos akong kumain dumeretso agad ako sa kwarto kasama ang vg inilapag ko ito sa kama at kinuha ang parang nakaipit na guide book doon para ata sa mga newbie agad ko naman binasa ito.mga ilang minuto pa natapos ko ng basahin ito at para mapagana ito ilalagay mo sa tenga mo ang parang earphone at isusuot ang parang helmet sa ulo at pag tapos non humiga lang at sabihin ang "game start" sinunod ko naman ang mga nakalagay sa guide book at
Humiga bumuntong hininga muna ako bago ipikit ang mga mata ko at pagtapos nung sinabi ko na ang kaylangan sabihin

"Game start!"

Grand Fantasia onlineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin