Dan povAyos ginawan ako ng pov ni author hahaha syempre una sa lahat mag papakilala muna ako Ako pala si Dan mendoza na nag aaral rin sa sierra private college na kaklase ni neil, nag lalaro rin ako ng pinakasikat na laro ang Grand Fantasia Online o ang tinatawag na GFO ang character ko pala dito ay isang angel race at isang blader.
Nandito ako ngayon sa classroom sa ngayon kakalabas lang ni neil dahil tapos na ang klase,pagkalabas na pagkalabas ni neil nilapitan ako ng nagsumbong sakin sa mama ko na ginastos ko ang allowance ko sa virtual gear.
"Dan kamusta sarap ba mapagalitan?"tanong nito sakin sabay ngisi ng pagkalaki laki.
"Oo nga eh hindi pa pala ako tapos sayo" agad naman ako lumapit ng lumapit sa kanya.
"A-anong gi-ginawa mo mag pi-pinsan ta-tayo" nauutal niyang sabi dahil konti nalang ang distansya namin habang ako nagpipigil ng tawa. Nang makalapit ako sa kanya hinawakan ko yung tenga nya sabi pingot ng masakit.
"Aaaaray!! Masakit Dan! Pra-promise hindi ma-maulit aaaray!"sabi niya agad ko naman ito binitawan.
"Siguraduhin mo yan ah" sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa,siya naman ay nakasimangot.
"Nga pala kaibigan mo ba yung kanina mong kausap?" Tanong nito agad naman ako nakaisip ng magandang gawin.
"Bat mo natanong may gusto ka dun no?" Tanong ko dito at ngiti ng napakalapad.
"Wa-wala ahhh! Tinulungan lang niya kasi ako kanina sa quiz tskk" pagdedepensa nito sa sarili agad naman ako nakaisip ng pang gante sa ginawa niya sakin agad naman ako sumigaw.
"SI ALTHEA MENDOZA!! MAY GUSTO KAY NEIL AICE GONZALES!!"sigaw ko agad naman kami pinagtinginan ng mga kaklase namin.
"Bat mo yon sinigaw!! Baliw ka talaga!! Baliw!" Sabay alis niya pikon talaga yung babaeng yon, napabuntong hininga nalang ako at umalis narin dahil may usapan pa kami ni neil.
Althea pov
Ginawa rin ako ni author ng pov yipieee hahaha.
Ako pala si althea ashford pinsan ni baliw na dan mendoza, nag aaral sa sierra private college, at sa ngayon sikat na sikat ang larong GFO madami ang nag lalaro nito at isa na ako don.Nandito ako ngayon sa cr dahil sa ginawa ni Dan kanina hanggang ngayon asar na asar parin ako dahil SINIGAW lang naman niya na may gusto RAW ako kay neil hindi ko naman ma tatangge na gwapo sayo dahil nakita ko na hinawi niya ang buhok niya sa muka Kanina habang kami ay nag ququiz at duon ko nakita na gwapo siya pero walang nakakapansin nito dahil nga sa buhok niyang mahaba,maya maya lang ay lumabas na ako sa cr dahil kaylangan ko ng makauwi dahil may gagawin pa akong importante.
Neil pov
Nakapag log in na ulit ako sa GFO at pang second day ko na ito at katulad ng kagabi nandito ako sa taas ng puno ngunit nakalimutan ko kaya naman ng umusog ako ng konti ako ay nahulog.
"Aaaray sakit nun ah!" Sabi ko nalang agad naman ako tumayo at pumunta sa sinasabi ni dan na kung saan kami mag kikita.ilang minuto lang narating ko na ang fountain at napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sobrang daming tao dito.
"Pano kaya kami magkikita ni dan dito?"tanong ko sa sarili ko agad naman ako umisip ng paraan pero ilang saglit lang naalala ko na may nakuha pala akong megaphone sa mini boss,
Megaphone
<< ang megaphone ay requirement para makapag chat ka sa world chat,ang world chat naman ay ang chat na pwedeng makita ng lahat kahit gaano pa ito kalayo ang mga player.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Grand Fantasia online
Fiksi IlmiahA game that takes you into a new world,new adventure,new friends and new places Fun and excitement