Chapter 3: New classmate

92 6 0
                                    


Neil pov

Ahhhhh! Bat ang lamig pati sa panaginip lumalamig din.

"Wahhhhh ang lamig!" Nagulat ako dahil sa sobrang lamig at napamulat ako dahil pakiramdam ko basa ang katawan ko at ng kapain ko ang katawan ko ay basa nga pero may nakita akong isang lalaki na abnormal na tumatawa na sa isang tabi.

"Pffft aice sarap ba maligo? "  tanong nito sakin habang tumatawa na tila wala ng bukas.

"Bakit mo naman ako binuhusan kuya sky ang lamig lamig eh"nakabusangot kong sabi dahil sobrang lamig talaga

"Eh ayaw mo gumising eh kanina pa kita ginigising o siya maligo kana at luto na ang umagahan sa baba pfftt" sabi niya na halatang nagpipigil pa ito ng tawa.

"Ok" yan nalang nasabi ko dahil hindi na ata magbabago ang ka abnormalan ng kuya ko pumasok nalang ako sa banyo para maligo.

Ilang saglit lang natapos na ako maligo at nagbihis agad para makababa ng pababa na ako naririnig ko ang tunog ng tv.

"Oh kumain kana anong oras na oh"sabi ni kuya agad naman ako napatingin sa orasan at malapit na nga akong malate.

"Oh shit! Sige kuya sa school nalang ako kakain" sabi ko dito at lumabas na agad ng bahay.


Nandito na ako sa tapat ng room ko at sakto wala pang teacher, pag kapasok ko palang ng room tumingin sakin yung mga nangtrip sakin kahapon.

"Witwiwww! Chicks" sabay tawa ng mga kasama nya at siya.hindi ko nalang sila pinsan umupo nalang ako sa pwesto ko ilang saglit lang lumapit sakin yung lalaking kausap ko kahapon na nakalimutan ko ang pangalan.

"Morning bro natry mo na ba yung GFO" bungad nito sakin tumango lang ako bilang sagot dahil tinatamad akong magsalita dahil sa antok pa ako.

"Kung ganon anong level mo at race mo?"tanong nito sakin .

"Level 62 palang angel race at swordsman class"sabi ko dito at bigla nalang itong tumawa.

"Sakto angel race rin ako level 54 at blader ang class" sabi nito sakin sakto naman dumating ang teacher namin agad naman umupo si dan sa pwesto nya.

"Class may bago kayong classmate ngayon lang siya nakapasok dahil nahuli siya ng pag enrol"sabi samin ng prof namin agad naman pumasok ang isang dyosa este babae napanganga ako sa kanya dahil sa sobrang ganda masasabi mong maganda talaga dahil wala kang makikitang kahit anong pinahid sa muka or something pang pa paganda, natauhan lang ako ng biglang nag si sigawan ang mga lalake.

"Quiet!"agad naman nagsitahimikan ang mga kalalakihan.

"Ok iha mag pakilala kana"

"I am althea ashford please to meet you all"pag papakilala nung babae agad naman na nagsigawan nanaman ang mga lalaki.

"Woooh ang ganda mo!"B1

"Ang cute mo bagay sayo pangalan mo!" B2

"Quiet!!! Hindi ba kayo titigil?"agad naman nag si tahimikan ulit ang mga kalalakihan na tila ngayon ay mga maaamong tuta na.

"Please take a sit in right of that boy in the back" turo sakin ni miss lopez agad naman na lumapit dito yung althea sa tabi ko at umupo ng maayos.

"Ok guys dahil may meeting kaming mga teacher mamaya para sa darating na sport fest pagtapos ng 3rd subj nyo puwede na kayong umuwi"pag kasabi ni miss lopez nyan nagsisayahan ang mga istudyante habang nakatitig ako sa mga lalaki na nag kakatuwaan hindi ko namalayan na lumapit na pala sakin itong si dan.

Grand Fantasia onlineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin