Chapter 23

1.4K 29 0
                                    

#hiling_silent_sanctuary(ost?)

STEVEN'S POV

HINDI ko lubos maisip ang sinabi ni Sofia. Kaya ba ganoon nalang siya umakto sa akin. Yung mga pag-iwas niya sa akin, ang mga malalamig niyang titig ay may dahilan at yun nga ay mahal niya ako...

Nandito na ako ngayo  sa aking kwarto ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa sasakyan kanina. Bumalot sa amin ang katahimikan kanina, walang nagtangka na bumasag ng katahimikan, nakatitig lang siya sa kaniyang bintana kanina the whole time. Ako naman ay napasandal nalang sa back seat dahil nakokonsensya ako dahil ako ang dahilan ng luha niya.

Napahilot nalang ako sa sentido ko, bakit kailangan ganito ang mangyari. Kailan kaya nag-umpisa na mahalin niya ako. Bigla kong naalala ang sinabi kong divorce sa kaniya. Shit.

Ganon na ba ako kamanhid at diko namalayan na may nasasaktan na pala dahil sa presence ko. Hindi ko siya matiganan kanina, dahil alam kong ako ang may dahilan ng kaniyang mga lungkot.

"Mahal na Prinsepe oras na po para sa inyong hapunan." Hindi ako gumalaw, parang nawalan ako ng lakas sa nalaman ko. Napabuga nalang ako ng hangin.

"Mahal na Prinsepe." Napabuntong hininga nalang ako at tinignan si Secretary Robert na tumatawag sa akin.

Tumayo na lang ako dahil wala akong choice kung hindi ang tumayo at magtungo sa dinning hall. Saktong paglabas ko ay siya ring paglabas ni Sofia. Napatingin siya sa akin, napakalungkot ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Agad din siyang umiwas ng tingin at naglakad na, sumunod nalang ako sa kaniya. Mabagal lang ang kaniyang lakad na sinusundan ko lang, habang tinitignan ko siya mula sa likod ay ramdam ko parin ang kaniyang lungkot.

"Mahal na prinsesa. Maayos lang ba ang pakiramdam niyo? May masakit po ba sa inyo?" Tinignan ko si Lady Mildred na nag-aalala para kay Sofia, alam kong parang anak na ang turing niya kay Sofia kahit na madalas niya man itong napagsasabihan. Umiling si Sofia sa kaniya.

"I'm just tired." Ngumiti siya kay Lady Mildred na ikinatango naman ni Lady Mildred, agad siyang pinaghila ng upuan ng tagasilbi na nando'n.

"May gusto po ba kayong ipadagdag kamahalan?" Muling umiling si Sofia kay Mildred. "Hindi. Wala na." Maikli niyang sagot ang nag-umpisa ng maglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Kapansin-pansin ang kakaunting pagkain sa kaniyang plato.

"May gusto po ba kayong ibang kainin Mahal na prinsesa. Maaari ko po 'yung iluto." Saad naman ng head ng cook sa palasyo na nakaatang sa aming dalawa ni Sofia. Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay sa kaniya ni Sofia.

Umiling nalang siya.

Habang kumakain kami hindi ko maiwasang di mapatingin sa kaniya, hindi niya pa nakakalahati ang kaniyang pagkain, paisa isa ang subo niya.

Napakalalim ng bawat hininga niya, gusto ko siyang kausapin pero ayaw ko siyang guluhin. Tsaka baka mas mahirapan lang siya.

Nang makita ko sa peripheral vision ko na magsasalita na sana si Mildred ay pinigilan ko siya, gamit ang kamay ko. Mukhang naintindihan niya naman ako kaya itinikom niya ang bibig niya. Pinalabas ko rin silang lahat gamit ang kamay ko. Sumunod naman sila, nang muli ko siyang tingnan, ganon pa rin. Nang nawala na talaga ang gana niya uminom na siya ng tubig. Dahil sa hindi pa ako tapos hindi pa siya maaaring umalis kaya pinaglaruan niya ang pagkain niya habang nakasandal sa upuan. Ni hindi niya ako matapunan ng tingin.

Nang natapos ako, kaagad siyang tumayo at umalis ng hindi man lang ako tinitignan. Gusto ko siyang kausapin pero kapag ginawa ko 'yun ay wala rin naman akong alam na sasabihin at baka mas masaktan ko lang siya.

CROWN PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon