Chapter 35.

1.3K 27 0
                                    

#CrownPrincess.

Nang araw na nakauwi si Steven sa
Palasyo ay wala sa palasyo ang Mahal na Prinsesa. Nanatili muna siya sa bahay ng kaniyang magulang at sa linggo pa ang uwi niya sa palasyo. Dalawang araw lang ang naging burol ni Mark na 'yun din naman ang kagustuhan ng binata nang nabubuhay dahil ayaw niyang maa mapahaba pa ang kalungkutan ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Huwebes ng pagkadating niya ay dumiretso sa kung nasaan siya pinatawag ng Hari. Inilibot niya ang kaniyang tingin, nagbabasakali na makita si Sofia na nakaupo rin dito kasama nila. Ngunit bigo siya, wala si Sofia.

"Good Work, Steven. Congrats, you made it." Papuri ng Hari sa kaniya. Maraming magandang feedback ang naririnig ng Royal Family mula sa mga tao sa ginawa ng Prinsepe na mukhang nakikinita nila na siya ay may malaking kakayahang pamunuhan sila gaya ng mga nakalipas na mga hari.

"Salamat po kamahalan." Pagod ang boses na sagot niya.

"Kamusta na ang aking apo? Nagkausap na ba kayo ni Sofia kahit sa cellphone man lang?" Biglang tanong ng Inang Reyna na ikinatingin at ikinatigil niya. Bigla niyang naalala ang tawag sa kaniya no'ng gabing nakita niya na tila wala na talaga.

"Opo lola." Ngumiti ang Inang Reyna.

"Maganda kung gano'n ang nangyari."

"Sayang. Kung sana nahintay mo siya." Ngumiti nalamang si Steven sa kaniyang lola, hindi rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

"Kung gusto mo. Bisitahin mo siya sa kanilang bahay." Gulat siyang napatingin sa tinuran ng Mahal na Hari. Mukha namang nabasa iyon ng Hari kaya napatawa siya. Kaya pala wala ang Prinsesa dahil wala ito ngayon sa palasyo, nasa bahay nila siya ngayon muna.

Nanadya ba ang tadhana. Balak ba nilang tatlong buwan silang hindi na makita ko hanggang sa huli.

"Hiniling ng kaniyang magulang na doon na muna siya mag stay, lalo na't tila hindi parin makapaniwala sa pagkawala ng kaniyang kaibigan." Napakunot si Steven sa sinabi muli na rason ng Hari sa kaniya. Sinong nawala?

"Kilala mo ba si Mark Velenzuela?" Tanong ng Reyna kay Steven na nagtataka parin, tumango siya. Si Mark.

"Namatay na siya no'ng lunes lang ng gabi. Mukhang malalim ang kanilang pinagsamahan dahil iyak ng iyak no'n ang Princess." Nagulat siya sa narinig kahit na alam na niyang may sakit si Mark na cancer, stage 4 na mahirap ng magamot ay nakakagulat parin na malaman ang katotohanan.

"Hindi niya iniwan si Mark hanggang huli na ang balita ko pa ay nanatili siya sa hanggang hapon sa pinaglibingan kay Mark. Kakauwi niya lamang kanina. Gusto mo ba siyang bisitahin?" Gustong-gusto niya pero nagdadalawang isip siya kung tama ba na puntahan niya. Okay lang kaya? Magiging okay kaya siya kapag nando'n si Steven. Hindi sumagot ang Prinsepe sa Reyna.

"Maari na po ba akong magpahinga?" Magalang na tanong niya na lamang, hindi agad nakasagot ang Reyna kaya ang Inang Reyna na lamang ang sumagot.

"Sige na apo, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka sa biyahe." Tumango at yumuko ang prinsepe sa Inang reyna bago tuluyang tumayo at nilisan ang lugar.

"Nababagabag ako sa ikinikilos ng dalawa, tila may malaki silang problema." Walang pagdadalawang isip na saad ng Hari. Napabuntong hininga nalang ang inang reyna.

"Nakakapanibago ang katahimikan nila tuwing napag-uusapan ang isa't isa sa harapan nila."

"Mahal, kailan lang ng ikinasal sila kaya baka hindi parin nila nakukuhang mapalagay sa isa't isa." Pagtatanggol ng Reyna sa dalawa na ayaw ng madagdagan ang pagduda ng lahat sa kung meron o wala bang problema ang dalawa.

CROWN PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon