Chapter 52.

1.1K 19 0
                                    

Chapter 52

"Naiintindihan mo ba ang nais namin Prinsesa?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkakataon na 'to pero ngumiti parin ako sa harap ng Reyna nang sabihin na niya sa akin na aalis nga ako pansamantala ng bansa.

Maninirahan sa malayong bansa na kung saan si Lady Mildred lang ang magiging kasama ko. Do'n ko na raw ipagpapatuloy ang mga pag-aaral ko at lahat na kailangang gawin.

"Naiintindihan ko po."

Hindi na rin ako nagtagal sa chamber ng reyna, kasunod ang mga alalay ko na tila ramdam ang nararamdamang kawalan sa puso ko.

"Mahal na prinsesa..." I smiled to my loyal servant who's been serving me from the start and become my friends too.

Kasalukuyan ng ineempake ang mga gamit ko. Ako naman sa ilan na gusto kong dalhin bukod sa mga neccessities.

Hindi ko alam kung sadya bang busy ngayon si Steven o ayaw niya lang magpakita sa akin ngayon.

"Wag na kayong sumimangot diyan. Tapusin na natin ang pag-eempake."

Hindi ko pinahalata ang lungkot na nararamdaman ko sa kanila. Wala naman ng maidudulot 'yun sa lahat eh. It will only bring sadness.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko, agad na akong nagtungo sa dinning hall para sa tanghalian.

Napatingin ako sa madalas na inuupuan ni Steven. Wala siya.

"Pinapasabi po ng Prinsepe na mauna nalang po kayong kumain sapagkat may importante pa siyang ginagawa."

Tumango ako sa kaniya.

"More important than his wife."

"P-po?" Umiling nalang ako at umupo na. Gusto kong umiyak sa hapag ngayon kahit na paglalapastangan 'yun.

Pinigilan ko ang sarili ko. Kaya binilisan ko nalang ang pagkain ko para kaagad akong makaalis at makapunta sa kwarto ko.

"Pwede bang tumalikod kayong lahat?" Hiling ko sa kanila na may pag-aalinlangan nilang sinunod. Hindi ko na napigilan ang sarili kahit na paglalapastangan ang pag-iyak sa hapag kainan.

Walang tunog ang pag-iyak ko. Ayoko na nilang marinig. Nakatulong ang pagtalikod nilang lahat para walang makakita ng luha ko.

Natapos akong lumuha ay hindi ko na inubos ang pagkain. Tumayo na ako at nagliwaliw sa buong palasyo.

"Huling pagkakataon ko na 'to." Saad ko. Kausap ang mga bulaklak na palagi kong tinanaw.

"Lumago kayo okay?"

"Kamahalan." Nilingon ko si Lady Mildred.

"Oras na po ng paghahanda para sa hapunan."

Tinignan ko ang papalubog na araw. Hapon na pala. Hindi ko man lang namalayan. Feels like, time click faster than before.

Pati ba naman oras, iniisip na kailangan ko na talagang umalis. Ang sama mo naman.

Naglakad na ako patungo sa palasyo, hindi ko nakita maghapon si Steven. Kaya nang makasalubong ko siya ay sobrang natuwa ako.

"Steven." Nakangiti akong pumunta sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang kasuotan. Nakagayak na pala siya.

"Pupunta ka na ba sa dining area?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Pinapatawag ako ng Inang Reyna." Tumango ako sa kaniya.

"Maghanda ka na." He said before walking towards his way to the chamber of the Inang Reyna.

CROWN PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon