Chapter Three

45.9K 1.5K 195
                                    


3: Sudden death.
-

Erin’s POV

Tahimik kaming nakaupo sa bench sa may field. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Masyadong mabilis ang pangyayari, hindi na rin naming nagawang sumama sa mga kumuha kay Xander dahil sila na raw ang mag-aasikaso, sila na raw ang kokontak sa parents nito.

It’s strange, I really have a bad feeling about this.

“Hey.” Hinawakan ni Zero ang kamay ko at tinignan ko lamang siya ng blangko.

“Ano bang nangyayari?” Tanong ni Jester. He’s also frustrated, just like the rest of us. Oo may nagawang kasalanan sa amin si Xander noon pero pinagsisihan na niya ‘yon. Red org ba ang gagawa nito? No, imposible, patay na ang leader nila and I’m sure of that. Hindi kaya sina Josh? Kevin? Sila kaya? Ugh!

Walang sabi-sabi, bigla akong tumayo at paalis na sana ngunit hinila ako ni Zero.

“Saan ka pupunta?”

“Titignan ko ‘yong kuha ng cctv sa may entrance ng cafeteria.” Lumuwag ang paghawak niya sa kamay ko kaya naman tumakbo ako. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa akin.

Hindi na rin ako nag-abalang kumatok sa control room kaya napatayo ang nagbabantay roon nang bigla akong pumasok.

“Teka teka. Anong ginagawaㅡ”

“Isusunod kita kay Xander kapag hindi ka umupo.” Kahit wala siyang idea sa sinabi ko ay naupo pa rin siya.

“Erin, relax.” Paalala ni Xian.

“Nasaan ‘yong kuha sa entrance ng cafeteria? I want to watch it.”

“H-ha? Ano... Walang kuha.”

“Anong wala?” Pagsingit ni Alex.

“Pina-delete po.”

“Sino?!” Sigaw ko. What the hell. Sino naman ang magpapa-delete noon?!

“Hindi ko po pwedeng sabihin, mapapatalsik ako sa trabaho.”

“Alam mo bang binaril ko ‘yong leader ng intrepid noon? Gusto mo ba na isunod kita sa kanya?” Madiing banta ni Zero.

“Guys, seriously. Huminahon kayo.” Naiiling na sambit ni Chloe. Tinitigan lang namin ang security na nagbabantay rito. Pinagpapawisan siya kahit malamig naman dito sa loob.

“Kuya, sumagot ka na kasi. Sino? Sino ang nagpa-delete?” Mahinahong tanong ni Rozee.

“Hindi ko talaga pwedeng sabihin.”

“Kuya, ‘wag mo ko hintaying mapikon.” Ani Jester.

“Sasagot ka lang naman kasi. Hintayin mo pa bang masaktan ka? Walo kami. Isa ka lang.” Dagdag pa ni Jennie.

Panandaliang natahimik ang security. Naghintay lang kami sa sasabihin nito and for some strange reason, kumakalabog ang dibdib ko.

“Hindi ko alam kung sino pero utos ‘yon ng school’s management.” Nagkatinginan kami nila Zero nang marinig iyon at nag-decide na umalis na roon. Tahimik lang kaming naglalakad, ni isa ay walang kumibo. What the hell was going on?!

“Don’t you think it’s very suspicious?” Tanong ni Chloe, magkakasama kami ngayong apat dito sa kwarto namin.

“Something’s wrong with this academy.” Dagdag pa ni Rozee.

“Yeah, I know. Matagal ko nang nararamdaman na may mali rito sa school na ‘to. Remember that time? ‘Yong sa anniversary party?” Tanong ko kay Chloe.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon