Epilogue.
-I really don’t know what to say. ‘Yong taong maraming buhay na sinira, ‘yong taong ginawang eksperimento ang buhay namin ng pamilya ko. ‘Yong taong nasa likod ng lahat ng ‘to ay lolo ko?!
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril sa kamay ni mommy. Kinasa ko ‘yon at itinutok sa matanda, never kong matatanggap na ang isang taong gaya niya ay kadugo ko.
“Anak.” Tawag ni mom pero hindi ko ‘yon pinakinggan.
“Alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo Rain at sa ‘yo na rin Erin. But trust me, kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to.” Sabi ng matanda pero hindi ko rin siya pinakinggan.
“Papa bakit?” Rinig ko ang panginginig ng boses ni mom, kahit hindi ako lumingon ay alam kong umiiyak siya.
“No’ng araw na namatay ang mama mo, pinangako ko sa sarili ko na igagawa kita ng maganda at kumpletong pamilya. Maraming pagod at oras ang ginugol namin ng mama mo para itayo ang eskwelahan na ‘to nang hindi mo nalalaman, maraming nagtangka sa buhay ko pero hindi ko ‘yon pinakinggam hanggang sa ‘yon na nga, nangyari ‘yong insidente..” Paliwanag nito.
“The exchange student thing is my doing. Pinagmukha kong may exchange student para mailipat kita rito sa Monstrous. No’ng araw na ‘yon ay pinagpaplanuhan ko na lahat kung paano ang magiging takbo ng buhay mo, mula sa keen’s leader na si Yb at sa grupo nila Thunder.”
“Wait, does that mean na lahat ng ‘yon ay ikaw rin ang may pakana?” Tanong ni mom at tumango lang ‘yong matanda.
“Naging maganda naman ang kinalabasan kaya sinubukan kong gawin din ‘yon sa mga sumunod pang henerasyoㅡ”
“By what? By controlling them?” Pagsingit ko sa pagpapaliwanag niya kay mom.
“It’s not what you think, Erin. What I’m saying is that, kaya kong gumawa ng buong pamilya. Kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ng isang tao.”
“So sino ka sa tingin mo? Diyos? Masaya ka ba na ginawa mong eksperimento ang buhay ng sarili mong anak at apo?” Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa galit. Ang dami naming pinagdaanan dahil lang sa sarili niyang dahilan.
“Oo dahil nakikita ko kung paano siya naging mabuting ina gaya ng lola mo. At ikaw, napalaki ka niyang matapang. Naniniwala ako na walang mali sa ginagawa ko kaya ibaba mo na ‘yang baril moㅡ”
“No! I promised to myself na papatayin ko ang nasa likod ng lahat ng ‘to... Kahit na sino pa siya.” Madiing sabi ko.
“Ibababa mo ba ‘yan? O gusto mong matapos ang buhay ng mga mahal mo sa buhay? That includes your father. In just one button and they will be killed.”
“Papa! Itigil mo na ‘to! Nagmamakaawa ako! Gusto mong magkaroon ako ng buong pamilya ‘di ba? How can you even do that kung papatayin mo si Thunder?! Itigil niyo na ‘to!” Sigaw ni mom habang ako naman ay nililibot ang paningin para hanapin kung nasaan ang mga button na sinasabi niya.
It’s already 8:55 a.m, 5 minutes na lang, I need to do something.
“Kapag ba nasira ‘yang device sa likuran mo, babalik sila dati?” Seryosong tanong ko at nanlaki ang mata niya.
“Teka. Erin, ‘wag mong ituloy ang binabalak mo.” Ngumisi ako at saka itinutok sa ibang direksyon ang hawak kong baril.
“I will take that as a yes.” Nakangiting sabi ko bago paputukan ang device na nasa likuran niya. Napasigaw lang siya at saka pilit sinubukang ayusin ‘yong device na ‘yon.
Humarap ako kay mom at saka siya niyakap. Muli naming tinignan ‘yong matanda at saktong dumating si Zero.
“What happeㅡsiya ba ang may gawa ng lahat ng ‘to?” Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]
Action(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?