6: They’re back.
-Hindi na ako nag-abalang kumatok pa at agad dumiretso sa lamesa ng dean. Nag-angat siya sa akin ng tingin at tila hindi inaasahan na makita ako.
“Ms. Cross. Ano sa tingin mo ang ginagawaㅡ”
“Drop the act! Hoy panot makinig ka sa ‘kin. Itigil mo ‘yong pagpatay sa mga estudyante or elseㅡ” Napatayo siya dahil sa sinabi kong ‘yon kaya naman napangisi ako.
“Anong sinasabi mo?! Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para masolusyunanㅡ”
“Isa pang pagsisinungaling mo, papatayin kita. Nasaan si Jennie? Alam kong hawak niyo siya!” Sigaw ko nang hampasin ko ang mesa, kasabay noon ay may bigla na lang humawak sa magkabilang braso ko.
Mabilis kong nasiko ang nasa kanan ko at saka sinipa ‘yong nasa kaliwa. Buong pwersa kong hinampas ulit ang mesa gamit ang dalawang kamay habang nakatingin ng masama sa dean.
“Bakit hindi mo na rin ako patayin gaya ng ginagawa niyo sa mga estudyante?!” Sigaw ko.
“Mahigpit na ipinag-utos ng owner na ‘wag kang gagalawㅡ”
“Papatayin ko sarili ko. How’s that?” Mabilis kong nakuha ang baril sa bulsa ng lalake kanina at saka itinutok sa sarili ko. Ngayon, sigurado na ako na kagagawan nga ito ng school. Nang school owner pa mismo. Anong binabalak niya? Sino ba siya sa buhay ko?!
“Kapag namatay ako, what will happen? Huh?” Nanlaki ang mata niya at tila pinagpawisan siya ng sobra. Why? Why is he acting like that? Na parang sobrang halaga ng buhay ko.
“Magbibilang ako ng sampu. Kapag hindi mo sinabi kung nasaan si Jennieㅡ”
“Stop it, Ms. Cross!” Sigaw niya kaya napataas ako ng kilay. Magsasalita pa sana ako ngunit may kung sino ang nagtakip sa bibig ko gamit ang panyong may pang patulog.
Zero’s POV
Oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Erin. Did I really do the right thing? Dapat ba na hinayaan ko siya? I’m starting to regret my decision.
“Ano na? Mauupo na lang ba tayo rito? Hindi na bumalik si Erin.” Nag-aalalang sabi ni Chloe. Kasalukuyan pa rin kaming narito sa keen’s lab dahil wala pa ring malay si Tito Axel. Hindi ko akalain na gano’n kalakas si Rozee, miski ako ay nabigla sa ginawa niya kanina.
Napatayo ako at saka nagpabalik pabalik ng lakad. Sinubukan ko na rin kontakin si Erin pero wala pa rin.
“Damn it! Susunod na ako. Pakibantayan si Third.” Bilin ko dahil nandito na rin sila.
“Sasama ko.” Ani Xian at tumango naman ako bago kami sabay na lumabas ng keen’s lab. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na namin nagawang pansinin ang kumpulan ng estudyante sa may soccer field. May mga pinagkakaguluhan sila roon na akala mo ay may artista.
Pagdating namin sa tapat ng dean’s office, agad akong kumatok ngunit walang nagbukas o sumagot man lang. Sarado rin ang pinto.
“Doon tayo sa back building, may puno roon. Tignan natin mula sa bintana.” Suhestiyon ni Xian kaya nagpunta kami sa likuran at sa punong sinasabi niya ngunit pag-akyat namin ay wala kaming makitang tao sa loob. Nakakapagtaka, hindi naman umaalis ang dean sa office kapag oras ng trabaho.
May ginawa ba sila kay Erin? Bigla akong nabalot ng takot nang pumasok iyon sa isip ko.
“Hey, trust your girl. I know she’s fine.” Ani Xian nang mapansing tahimik ako. Tumango ako at ngumiti ng tipid bago bumaba sa punong ‘yon. Pagdating namin sa tapat ng main building ay hindi ko inaasahan na sila ang bubungad sa amin.
BINABASA MO ANG
Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]
Action(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?