Chapter Seven

35.5K 1.3K 632
                                    


7: White door.
-

“Kaano-ano mo si Tita Rain?” Tanong ko nang maupo siya sa mesa habang nakadekwarto.

“Well... Sabihin na nating kapatid niya ako.”

“Ang alam ko walang kapatid si tita.” Sabi ni Xian at tumango ako. Ang pagkakaalam ko ay nag-iisang anak si Tita Rain, matagal ng patay ang nanay niya habang wala naman siyang balita tungkol sa dad niya. Meaning, wala nang lola’t lolo si Erin sa mother side.

“Enough with the discussion, nandito ako para iligtas ang pamangkin ko.” Wika niya kaya agad akong lumapit sa kanya.

“Are you serious? Let me help.” Sabi ko kahit walang kasiguraduhan na tito nga siya ni Erin. I’m desperate, gusto kong malaman kung nasaan siya ngayon.

“I don’t need your help.” Aniya at naikuyom ko na lang ang kamao ko. I guess, I don’t have a choice. Agad kong kinuha ang phone ko at saka tinawagan si tita.

Zero napatawag ka?

Tita, nawawala si Erin. May isang lalake rin dito sa harap ko na sinasabing kapatid niyo siya. His name is Winter... Winter Celvero.”

Wait! What do you mean? Let’s talk in personal. Pupunta ko d’yan, wait for me.”

Pagkababa ng tawag ay tinignan ko ang lalaking nasa harapan. Nakangiti lang ito sa akin kaya naningkit ang mata ko. What’s with him?

Rain’s POV

Buhat-buhat ko si Storm habang si Thunder ay nanunuod ng digimon. Wala siyang pinagbago, gano’n pa rin siya ka-childish.

“Kulog, alagaan mo muna si Storm.”

“Bakit? Ano bang nangyari?” Tanong niya saktong pagkabigay ko sa kanya ng bunso namin.

“I really don’t know, ang sabi ni Zero ay nawawala si Erin at may sinasabi pa siya na may kasama raw silang nagsasabi na kapatid ko.”

“Kapatid? Wait, what? Wala ka namang kapatid.”

“Kaya nga pupunta ako ro’n.” Tumayo siya habang buhat si Storm. Marahan niya akong hinalikan at saka niyakap.

“Alam ko nag-aalala ka na naman, magiging okay ang panganay natin at kung sino man ‘yong nagc-claim na kapatid mo, I’m sure you can handle it. I love you, ulan. Take care.”

“I love you, too. Alagaan mo si Storm, okay? ‘Wag ihagis nang ihagis baka mahulog.” Tumango lang siya habang nakangiti kaya naman umakyat na ako at nagbihis.

Mabilis lang akong nag-asikaso at nagmadali nang lumabas pero hindi ko inaasahan na bubungad sa akin si Jiro.

“Can you come with me?” Tanong niya habang hawak ang susi ng kotse niya.

“Saan? Kailangan kong pumunta ng Monstrouㅡ”

“Pupunta ka rin? Then let’s go together.” Aya niya at saka niya ako hinatak pasakay sa kotse, pinapapunta raw kasi siya roon ni Third.

Ano bang nangyayari sa academy? At Winter Celvero? I never heard of that name before. Wala akong natatandaan at wala akong kapatid. Posible kaya? Matagal nang nawawala si papa. Nag-asawa kaya ulit siya?

Chloe’s POV

“Babe, ano na bang nangyayari? Pati si Erin nawawala na rin.” Napayakap ako kay Jester nang sabihin iyon. Hanggang ngayon ay nandito kami sa keen’s lab.

“Shh. It’s okay, kilala mo naman si Erin. She’s brave.”

“Mauupo na lang ba tayo rito? Sumunod na kaya tayo kila Zero?” Sabi ni Rozee.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon