17: It’s now or never.
-“Ano na? Ano nang gagawin natin?” Halos magpabalik-pabalik ako ng lakad kakaisip kung paano namin ibabalik sa dati si Zero at kung paano namin siya kukunin.
“Erin, relax. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti kung nagpa-panic ka.” Ani Alex kaya huminto ako sa paglakad at tumingin sa kanila.
“Kailangan nating makahanap ng paraan as soon as possible. Or kung hindi, ako mismo susugod sa building na ‘yon.” Nagkatinginan silang lahat dahil alam nilang seryoso ako at gagawin ko talaga ang bagay na ‘yon.
“Give us at least one day. One day to plan everything.” Sabi ni Rozee.
“Hindi kakayanin ng isang araw. Malaki ‘yong kalaban natin, hindi basta-basta.” Pagkontra ni Jester.
“Hey, baka nakakalimutan mo kung anong kind meron kami at kakayanin ‘to ng isang araw kung makikipag-cooperate lahat. It’s now or never.” Komento ni Jennie, dahilan para mapangiti ako.
Habang busy sila ay nagpunta ako sa kabilang building para tawagin sila Tyler at Ten. Hindi ko naman inaasahan na nawalan pala ng malay ang babaeng ‘yon kaya nakahiga siya ngayon sa kwarto ni Ten.
“Alam kong mali ‘yong ginawa ni Erin pero sobra naman yataㅡ”
“I’ve been through alot. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko dahil sa mga traydor na gaya niya.” Pagputol ko sa sasabihin ni Ten, tumayo siya at saka lumapit sa akin.
“Mabuti nga at hindi ko siya tinuluyan dahil may natitira pa kong konsensya. I’m sorry but I’m not the Erin you used to know, malaki na ang pinagbago ko. I’ll do anything para sa mga mahal ko sa buhay.”
“Okay, I’m sorry. Let’s just forget what happened. Bakit ka nga pala napasugod dito?”
“I want you to help us.” Tinignan niya ang natutulog na si Erin bago ibalik ulit sa akin ang tingin.
“I’ll do anything para makabayad sa kasalanan na ginawa ng kaibigan ko.” Ngumiti ako at saka siya hinawakan. Maya-maya lang din ay pinuntahan na namin sila Tyler para magpunta sa kabila pero naisip kong hingiin din ang tulong ni Tito Cloud kaya dumaan na muna ako sa kanya at saka bumalik sa kwarto kung saan naghihintay silang lahat.
Ipinaliwanag ko na lahat sa kanila ng nangyari. Mula sa kagaguhan ng babaeng ‘yon hanggang sa pagkuha ng mga armadong lalake kay Zero.
“Tito, matagal na kayo rito kaya kung meron mang nakakaalam ng mga pasikot sikot dito. Ikaw ‘yon.” Sabi ko habang nakaharap sa kanilang lahat.
“Ang sabi mo kanina ay sa itim na building siya dinala. If I’m not mistaken, iyon ang pinaka-main hideout nila and if possible. Maaaring nandoon ang may-ari ng M.A.”
Agad akong napahawak sa baba. I have something in mind pero alam kong hindi sila sasangayon. I can’t risk my life in this mission.
“May naisip ako.” Mabilis kong naibaling ang tingin kay Xander nang magsalita siya.
“No’ng naghahanap kami ni Jennie ng daan palabas. No’ng araw na unang dating niyo rito, napadaan kami sa building na ‘yon at nakarinig ako ng boses. May ikakalat silang gamot through air, at kung hindi ako nagkakamali, gamot ‘yon na makakapagpakontrol sa atin.”
“Teka, sure ka ba dyan? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin ‘yan?” Tanong ni Jennie.
“Well... Sabi ko nga, hindi ako sigurado kaya ayoko namang ipagkalat. The day after tomorrow nila isasagawa ‘yong pagpapakalat ng gamot.” Napakagat na lang ako sa labi dahil sa sinabi ni Xander.
BINABASA MO ANG
Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]
Action(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?