13: No way!
-Nakangiti kong pinagmamasdan ang singsing na ibinigay ni Zero. Engagement ring, wala akong pinagsisisihan na om-oo ako agad sa proposal niya.
“Ay pak! Kabog si ate.” Pang-asar ni Jennie nang maupo siya sa tabi ko. Kaming apat ngayon ang magkakasama rito sa kwarto. Wala pa rin pinagbago, marami pa ring armadong lalake sa labas kaya hindi namin makausap ang mga nasa kabilang building. Sinubukan man naming gamitin ‘yong sinasabi no’ng isang Erin na hindi naman kagandahan ay hindi namin magawa dahil pag-akyat namin sa rooftop ay wala na ‘yong sinasabi niyang lubid.
“Magpapakasal na talaga kayo ni Zero paglabas natin?” Tanong ni Chloe.
“Kung makakalabas tayo rito.” Agad akong napalingon dahil sa sinabing iyon ni Rozee.
“Wala ka bang tiwala sa kakayahan natin? I mean, we’re not ordinary. Kayang-kaya nating lutasin ‘to.” Tumayo ako at saka dumungaw sa bintana para pagmasdan ang mga armadong lalake.
“Yeah I know, pero paano kung kamag anak mo nga ang may gawa nitong lahat? Anong gagawin mo?” Panandalian akong natahimik. Paano nga ba?
“Simple lang naman ang sagot d’yan, eh. Gagawin ko ang dapat gawin.” Nilingon ko sila ulit at tanging ngiti na lang ang nakita ko sa kanilang tatlo. Napangiti na lang din ako by the thought na nandyan sila para sa akin, na ramdam kong hindi ako naiiba at nag-iisa.
Kinabukasan, isang malakas na pagsabog ang gumising sa akin. Agad akong napabangon at dumungaw sa bintana para makita kung ano ang nangyayari sa labas pero hindi ko matanaw kung saan nanggaling ang pagsabog na ‘yon.
“Baby! Are you okay?” Nabigla ako nang biglang sumulpot si Zero. Ni hindi na nga siya nag-abalang kumatok at dire-diretsong pumasok.
“Stop calling me baby for pete’s sake! And I’m okay, there’s no need for you to panic.” Napairap ako at isang malalim na buntong hininga lang ang tanging nasagot niya sa akin.
“Ano kayang nangyayari sa labas?” Hindi ko maiwasang itanong kahit alam ko namang hindi niya alam ang sagot.
“I want to know what’s going outside.” Dagdag ko.
“Kung ano man ‘yang binabalak mo. ‘Wag mo na ituloy, hindi tayo kikilos hangga’t wala tayong matino o siguradong plano.” Napanguso ako dahil alam niya na agad ang pumapasok sa isip ko.
Gusto ko na talagang patumbahin na lang ang mga armadong lalakie sa ibaba para malaman ko kung paano kami makakalabas dito. Hangga’t nakabantay sila sa labas, mabubulok kami rito kahihintay ng himala.
Kung tutuusin, kayang kaya ko naman silang takasan but the thing is, hindi ko ‘yon magagawa dahil ayoko na rin pag-alalahanin si Zero. Not again.
“So what’s our plan? Ayoko nang maghintay.” Humarap ako sa kanya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.
“We need more time, kailangan natin magkaroon ng armas para maipagtanggol ang mga sarili natin.” Napangisi ako sa sinabi niya. Agad namang nagsalubong ang kilay niya nang umalis ako at kunin ang isang bagahe sa ilalim ng kama.
“What’s that?” Agad ding nasagot ang tanong niya nang buksan ko ang maleta. Doon tumambad sa kanya ang ilang baril at kutsilyo. His eyes widened in shocked, I’m sure nagtataka siya kung paano ako nagkaroon nito.
“Nakuha ko ‘to sa mga ilang armadong lalake na napatumba ko na. Well, you know...” Nagkibit-balikat ako at tanging pag-iling lang ang nagawa niya.
“You’re really a bad girl.”
“Well, paraasaan pa at naging Cross ang apelyido ko.” I winked at him pero mabilis siyang nakanakaw ng halik sa akin, dahilan para mamula ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]
Action(3 of 3) Third installment of Monstrous Academy. How many dark secrets do Montrous Academy keep hidden from the world?