Kamusta siya?' Tanong nito sa nurse ng makapasok siya
'Okay lang naman siya sir'
Tumango naman siya at kinausap ito. Nang matapos silang magusap ay agad naman itong umalis
Napabuntong hininga naman siya ng makita ang kalagayan ng kanyang ama
'Wake up Dad. Kailangan pa nating makuha ang kumpanya sa kanila. Kailangan pa natin silang pabagsakin' may poot at galit na makikita sa mga mata nito
Nasa may pinto naman ang mommy niya na nakikinig sa mga sinasabi niya sa kanyang ama.
'DV Inc. will vanished soon and i can't wait to see it.'may diin lahat ang mga binibitawan niyang salita
'I will bring them down. Little by little, para maranasan din nila kung paano bumagsak ang kumpanyang pinaghirapan nila at gusto kong makita nila itong unti unting bumabagsak'
Napabaling naman siya sa pinto ng bumukas ito. Pumasok naman ang mommy niya
'Mom'
'Son'
Lumapit naman siya dito at humalik siya sa pisngi nito
'How are you? Kailan ka ba babalik dito' may lungkot na mababanaag sa boses nito
'Mom. I'm okay. And i don't know, may mga ginagawa pa kasi ako sa kumpanya'
'I miss you anak. I miss my Alexander' emosyonal nitong saad
'Mom. I miss you too. Andito lang naman ako, may mga inaasikaso lang ako, palagi naman akong tumatawag dito diba?' Lumapit naman ito at yumakap sa kanyang ina
'Pero hindi na tulad ng dati. Please anak give yourself a break'
'Mom i can't do that'
'Why?'
'Mom please'
Iniiwasan niyang pagusapan ang tungkol sa mga bagay na ganoon dahil alam na niya kung ano ang kalalabasan ng paguusap ng kanyang ina.
'Why Xander?'
'Mom, i don't want to talk about that'
'Is it because of DV Inc. again?'
'No'
'I heard what you've said to your Dad Xander and it is all about DV Inc. again. Xander ilang taon na ang lumipas kalimutan muna kung anuman ang nangyari anak' mababakas sa boses nito ang pag aalala sa anak
'I can't mom. I can't do that. At hindi ko pwedeng kalimutan nalang lahat. Pinabagsak nila ang kumpanya, sila ang dahilan kaya nandito ngayon si Dad'
'No. Wala silang kasalanan anak.'
Umiling iling naman siya at hindi na kumibo pa sa sinabi ng kanyang ina. Alam niyang kapag magsasalita pa siya baka mag away lang sila.
'I have to go Mom may mga kailangan pa akong gawin' humalik naman ito sa ulo ng kanyang ina
'Hindi ka na ba kakain?' May lungkot sa boses nito
'Hindi na Mom sa office na lang ako kakain. Sige na mom, magpahinga kana'
Ngumiti naman ang ina niya. Alam niyang hindi sangayon ang ina niya sa plano niya. Matagal na siyang pinagsasabihan ng ina niya na wag ng ituloy ang binabalak niya pero hindi pa rin nagbabago ang plano niya.
Agad naman niyang pinasibad ang sasakyan niya papunta sa Day Night Club kung saan ay pagmamay ari ng kaibigan niya.
Agad naman siyang umupo sa counter ng makapasok siya
'Problem again?' Bigla namang sumulpot ang kaibigan niya sa tabi niya
Natawa naman siya sa sinabi nito. Kilalang kilala siya ng kaibigan niya alam ng mga ito kung may problema siya
'Wala namang nagbabago dun' baliwala niyang saad
'Akala ko ba binisita mo si tito bakit parang problemado ka?'
'Si Mom'
Tumango tango naman ito dahil alam na niya kung bakit ito problemado dahil hindi sang ayon ang mommy nito sa mga plano niya
'Tita has a point'
Sinamaan niya naman ito ng tingin dahil sa sinabi niya
'Chill Bro, ayaw kalang mapahamak ni tita'
'Mapahamak? Sa palagay mo natatakot akong mapahamak?'
'Chill bro' sabay taas ng dalawa nitong kamay na para sumusuko
'Ang tigas ng ulo mo kaya kayo nagkakasagutan ni tita e' pagiiba niya sa usapan, alam kasi nitong kahit anong sabihin niya at hindi na mababago ang desisyon nito.
Hindi naman ito umimik, nanatili lang itong tahimik habang nilalagok ang alak na nasa harap niya ng bigla nalang ding dumating ang dalawa niya pang mga kaibigan
'Wazzup Brother' bati ni Ken
'Yow bro' tinapik naman siya ni Jazz sa balikat
Tinanguan niya lang ang mga ito.
'May problema ka na naman ba?' Tanong ng mga ito
'Pag andito ba ako dapat may problema' inungusan naman niya ang mga ito
'Yes. Kailan ka pa pumunta dito na walang dalang problema.' Saad ni ken
'Oo nga. Alexander Montemayor our businessman brother who always have a problem in life' iiling iling naman saad ni Jazz
'Shut up' sigaw niya sa dalawa
Natawa naman ang dalawa.
'Nakikita mo yun' sabay turo sa mga babae
Lumingon naman silang lahat sa direksiyon na tinuro ng kaibigan nila at nakita nila ang mga babaeng nasa isang table
'Sila ang mag aalis ng problema mo bro' sabay ngisi nito sa kanya
Binatukan naman ito ni Dave na nasa tabi niya
'Sira. Ano naman maitutulong ng mga yan sa problema niya?' sarkastiko nitong tanong
'Pleasure brother Pleasure' cool na cool niyang sabi
Binatukan niya ulit ito
'Babaero ka talaga no.'
'A playboy jerk'
'Woahh brothers ang sakit nun a. Kung makapagsalita kayo parang hindi kayo babaero'
'Atleast ako hindi ko pinapaiyak ang mga babae e ikaw halos araw araw ata may umiiyak babae ng dahil sayo' ungos ni Dave dito
'Bro hindi ko kasalanan yun, sila tong lumalapit sa akin, lalaki lang ako bro may pangangailangan din' nagpacute naman ito
Binatukan ulit siya ni Dave
'Bro nakakadalawa kana hah'
'Wag mo nga akong dinadramahan ng ganyan Ken. Alam ko ang likaw ng bituka mo'
'Parehas lang tayo uy' saad nito sabay alis at lumapit ito sa mga babae itinuro niya kanina
'Let's enjoy the night brothers' sigaw nito
Nailing nalang silang tatlo. Kilala nila si ken pagdating sa babae, walang araw ata na wala itong kasamang babae o pinapaiyak. Minsan na kasi itong nagseryoso yun nga lang, nasaktan.
'Spill it' saad ni Jazz ng nanahimik silang tatlo ng mawala si Ken
'Don't bother bro it's all about DV again' saad naman ni Dave
'What's new' nailing nalang ito sa sinabi ng kaibigan
'Minsan babae naman problemahin mo bro, hindi puro DV give yourself a break.'
'I don't have time for that' sabay lagok sa natitirang alak
'You always have time bro ayaw mo lang'
Iiling iling naman ito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan