'Are you sure bro? Wala siyang kasalanan kung ano man ang ginawa ng Daddy niya sa inyo' halata sa mukha ng kaibigan niya ang hindi pagsang ayon sa plano nito
'Sigurado ako, alam kung ang anak niya ang magiging daan para bumagsak siya' matigas nitong sabi
'Bro, inosente ang anak niya. Baka pagsisihan mo lahat yan' may pagaalala sa boses nito
Hindi naman ito umimik at nanatili lang ang tingin sa baso ng alak na nasa harapan niya. Mababakas naman sa mukha ng kaibigan niya na hindi siya sangayon sa mga plano nito para pabagsakin ang kumpanya ng mga Del Valle sa pamamagitan ng anak na babae ni Rafael Del Valle
Kanina habang abala siya sa pag aasikaso sa kumpanya niya ng bigla nalang tumawag ang PI niya para sabihin ang tungkol sa anak ni Mr. Del Valle. Sinabi ng PI niya na dumating na ang anak nito, nagtaka siya ng sabihin nitong may anak na babae si Rafael Del Valle ang alam niyang anak lang nito ay dalawang lalaki lamang, ng sabihin ng PI lahat ng impormasyon na nakuha niya ay may nabuong plano sa isip niya at ito ay gamitin ang anak nitong babae
'Do you know her?' Tanong nito sa kaibigan niya
'Hindi bakit?'
'I didn't know that he has a daughter. May anak pala siyang babae' pinaikot ikot naman niya ang baso na hawak niya
'Did you see the girl?'
'No. Wala naman pinakita ang PI ko na litrato ng anak niya'
'Ohh, ang pagkakaalam ko maganda daw ang anak niya.' May ngisi naman ito sa labi
'And?' nagtaas naman ito ng kilay
'Come on Bro, baka main love ka lang' may panunuya sa boses nito
'Its not gonna happen.' may kompyensang sabi niya
'Wag ka munang magsalita ng tapos bro, baka kainin mo lahat ng yan' iiling iling naman ito
Bigla naman tumunog ang telepono niya. Tumatawag ang mommy niya at sinabing doon na siya magdinner sa bahay nila.
'I have to go' paalam niya dito
Tumango naman ito, alam nitong nawawalan na ng oras ang kaibigan sa pamilya nito dahil sa planong paghihigante kay Rafael Del Valle.
Pinasibad niya agad ang sasakyan nito papunta sa mansyon nila, tumawag ang mommy niya at sinabing gusto niya itong makita at gusto nitong magdinner ito kasabay siya
Nang makarating siya ay agad naman binuksan ng guard ang gate.
'Good evening Sir' bati ng guard
tinanguan niya lang ito at agad na pumasok sa loob ng bahay'Mom' bati niya ng makapasok siya
Ngumiti naman ang mommy niya ng makita siya
'Im glad you came anak.'
'Yeah' humalik naman siya sa pisngi nito
Sabay naman silang nagtungo sa dinning area. Nakahanda na lahat ang mga pagkain sa mesa.
'Si Alessandra nalang ang kulang' may lungkot na mababakas sa boses ng ina niya
'Mom, may pamilya na si ate at nasa New York sila'
'I know, malalaki na kayo kaya pwede na kayong umalis puder namin kahit kailan niyo gusto hindi tulad noon na bata pa lang kayo' naluluhang sabi ng mommy niya habang sinasabi ito sa kanya
'Mom hindi naman namin kayo kinakalimutan may mga inaasikaso lang kami, tumatawag din naman sa inyo si ate, at nandito pa naman ako diba, Mom stop crying okay' niyakap naman niya ito, kahit madalas silang magtalo dahil hindi sang ayon ang mommy niya sa plano niyang pabagsakin ang DV, ay hindi niya kayang makita ang mommy niya na umiiyak, ayaw na ayaw niyang may umiiyak na babae na mahalaga sa kanya
'Ssshhh. Don't cry im here okay'
Tumango naman ang ina nito at tinuyo ang mga luha sa pisngi ng ina
Inalalayan niya itong makaupo
'You cook this?' Tanong nito
'Yes because i miss eating with you and your ate just like before'
nakangiting saad nitoNapangiti naman siya sa sinabi ng ina
'Lets eat' aya niya dito
'Thank you Anak' bigla nalang sambit ng ina niya habang abala siyang lagyan ito ng pagkain
'Para saan mom?' takang tanong niya
'Because you came' naluluhang saad nito
Tumayo naman siya at humalik nalang sa ulo ng ina ayaw niya ng magsalita pa dahil alam niyang maiiyak na naman ito. Nagbukas nalang siya ng ibang topic
'Tita call me, andito na daw siya sa Pilipinas'
'Yes, tinatawag niya din ako ikakasal na kasi si Victor nextweek'
'Si Harlene Villiarde ba ang papakasalan niya?' Tanong nito
'Yes, buntis si Harlene kaya minadali nila ang kasal. Gusto na din ng tita mo na magpakasal siya para magtino na, wala atang araw na walang umiiyak na babae ng dahil sa kanya kaya namomomblema si tita Lorena mo kanya' pagkukwento nito
Naiiling nalang siya sa sinasabi ng mommy niya.
Pinsan niya si Victor kaya alam niya ang mga pinag gagagawa nito nung nasa US pa siya
'Son' tawag nito
'Hmmm'
'Do you have a girlfriend?' tanong nito
'I don't have mom' baling niya dito
'Why?'
'Im busy' baliwala niyang sabi
'Nasa tamang edad kana para magkapamilya you already 30 anak' paalala nito
'Mom hindi pa ngayon'
'Gusto ko na ng apo sayo' nagulat naman siya sa tinuran ng ina kaya muntik niya ng maibuga ang tubig na nasa bibig niya ng sabihin ng kanyang ina na gusto niya ng magka apo
'Mom'
'Anak hindi na kami bumabata. Ang ate mo may dalawa ng anak gusto ko sayo naman, kailangan makapaglaro pa kami ng mga apo ko' nakangiti nitong sabi
'Mom maaga pa para jan' saad niya na tila nayayamot
'Anak, kailan mo pa balak magkaroon ng pamilya pag sobra na naming tanda ng daddy mo? You know your dad he like playing with his apo'
'Mom i know but not now'
Bumuntong hininga naman ito
'Okay. Fine basta dapat magkaroon na ako ng apo ngayon taon'
Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ng ina
'Mom'
'Okay okay fine. Basta kapag may girlfriend kana ipakilala mo sa akin agad'
Tumango tango nalang siya alam niyang mangungulit lang ang ina nito kapag hindi siya sumangayon. Noon pa siya kinukulit ng mommy niya na mag-asawa na o magkaroon ng girlfriend man lang.
Itinuloy niya nalang ang pagkain habang nagkukuwentuhan silang mag-ina. Kung ano anong ikinuwento ng ina niya sa kanya tungkol kay Victor.
Masaya siya dahil nakikita niyang masaya ang ina.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan