Kanina pa nayayamot si Alexander sa mga kaibigan niya dahil walang humpay ang mga ito sa pangngungulit na sumama siya sa mga ito mamaya sa event ng ex ni Ken
'Bro minsan lang to kailangan nating suportahan ang ex ni Ken' pang-aasar ni Jazz kay Ken na hindi na maipinta ang mukha katulad niya
Ayaw din nitong pumunta kahit imbitado ito dahil sa sitwasyon nila ng ex niya
'Tumigil ka nga Jazz kung gusto mong pumunta, pumunta kayong dalawa ni Dave wag mo kaming kinukulit' tila naaasar nitong sabi
'Whooo. Correction hindi kita niyayaya si Alex lang dahil alam ko naman na apektado ka pa rin sa ex mo' tudyo nito
Inungusan naman niya ito
'Ano Alex? Sige na' pangngungulit nito
Hindi naman umiimik si Dave at nanatili lang tahimik sa isang tabi habang binabasa ang invitation na pinadala sa kanilang apat habang nasa opisina sila.
A&R Clothing Line Fashion Show
'Dave, ano kulitin mo nga itong si Alex' baling nito sa kanya
Bigla namang tumingin sa kanila si Dave at ngumisi
'Apple Grace Salcedo' sambit niya habang nakatingin sa kanilang tatlo, napabaling naman sa kanya si Ken at Jazz samantalang si Alex ay nanatiling tahimik at nagbabasa ng report na binigay ng sekretarya niya kanina
'And?'pagbitin niya habang mataman na nakatingin kung nasaan si Alexander
'And?' Tanong ni Jazz na nakakunot ang noo dahil sa pabitin ng kaibigan
'And Samantha Raine Del Valle' may diin ang pagkakasabi niya ng pangalan ng babae dahilan upang mapalingon sa kanya si Alex
Ikinangisi naman niya ang agarang pagbaling nito sa kanya
Bigla bigla namang napahiyaw si Jazz sa sinabi ng kaibigan
'Hindi ko na pala kailangang mangulit kusa na siyang sasama sa atin' saad nito at napatingin kay Alex, napailing iling naman ito
Alam niya na ang ibig sabihin ng mga kaibigan
'Come on Bro wag mong sabihin na hindi ka pa pupunta andyan na yung kailangan mo oh' sambit nito
Hindi naman niya sinagot ang kaibigan
Samantha Raine Del Valle daughter of Rafael Del Valle
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha ng dalaga nung nasa Club sila. At ngayon ang pagkakataon niya na makita ito at maisagawa ang plano niya na pabagsakin ang ama nito
'You need her right?' Saad ni Dave
Nabaling naman siya dito at nag-isip kung sasama ba siya sa mga ito dahil kung pipiliin niya hindi sumama sa mga ito hindi mangyayari ang mga plano niya.
'Yun naman pala e. So, you have no choice bro sasama ka sa amin mamaya' masayang sabat ni jazz
Hindi naman na siya umimik sa mga kaibigan dahil alam na ng mga ito ang sagot
'Ikaw Ken sasama kaba?' Tanong ni Jazz
'Malamang sasama kayong tatlo alangang maiwan akong mag-isa'
'Akala ko maiiwan kana dito' pang aasar nito
'Tigil tigilan mo nga ako Jazz kung hindi masasapak kita' naaasar nitong sabi
'Sige nga, mas malakas pa akong sumuntok sayo'
'Tumigil nga kayong dalawa ang iingay niyo' saad ni Dave na kanina pa naririndi sa dalawang nag-aasaran

BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan