Namomomblema naman si Raine at Apple sa isang model dahil hindi pwede ang model bukas para sa fashion show nila.
'Nakakainis bakit kasi hindi niya nalang sinabi na hindi siya pwede' naiinis na sabi ng kaibigan
'Don't worry makakahanap pa naman tayo e bukas pa naman ang show' saad niya sa kaibigan para hindi ito mainis
'Paano kung hindi?' Sumimangot naman ito
'Wag ka ngang nega. Makakahanap tayo okay?!
'Tss'
Wala naman silang ginawa ni Apple kundi humanap ng papalit dun sa isang model. Maghapon silang abala para sa magaganap na fashion show bukas.
'Ano may tumawag na ba?' Tanong ni apple sa kanya
Umiling naman siya
'Ito na nga ba sinasabi ko e. Kapag wala tayong nahanap na model ipapabanned ko talaga yung babaeng yun' natawa naman siya sa turan ng kaibigan dahil sa reaksyon nito
'O anong nakakatuwa?' Masungit nitong taning ng makita siya g natawa sa sinabi nito
'Nakakatawa ka kasi para bang pasan mo na lahat ng problema sa mundo no' nakangiti niyang sabi
'Hindi nga ba? Saan tayo hahanap nito? Kung sinabi na sana kasi nung babaeng yun malamang sa malamang nung isang araw pa sana tayo nakahanap ng kapalit niya. Makita ko lang talaga yun kakalbuhin ko para wala na siyang buhok. Nakakaasar siya' sigaw nito
Natawa nalang siya, ayaw niya ng sumagot sa sinabi nito dahil kilala niya si Apple. Alam niya kung galit na ito kaya dapat hindi niya sinasabayan. Alam niyang importante kay Apple ang event na to dahil ifefeature ang gawa namin mga gowns at iba pang damit. Simula bata pa lang kami pangarap niya ng magpatayo ng clothing line kaya nung college pa kami ay wala siyang ginawa kundi magipon para makapagpatayo siya nito.
'Apple' tawag ko
'Oh?' Yamot na sabi nito
'Kain muna tayo?' Alok ko sa kanya
Kahit naiinis pa ay sumama naman ito sa kanya
'Sigurado kaba?' takang tanong nito sa kaibigan
'Oo' kibit balikat naman ito
Umiling iling namam siya. Halos mapuno kasi ang mesa nila dahil sa dami ng pagkaing inorder to
Habang kumakain sila'y nararamdaman pa rin niya ang inis ng kaibigan
'App easy okay! Kanina ka pa ganyan hindi ako sanay'
'Naiinis kasi ako. Mabuti sana kung may ipapalit siya e. Wala naman'
'O di maghahanap tayo'
'Maghahanap? E wala namang tayong nahanap. Mahirap maghanap'
Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako kumibo dahil alam kung wala siya sa mood
'Sorry' saad niya ng matahimik siya at nagpatuloy nalang sa pagkain
Nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti dito
'Its okay'
'Naiinis lang kasi ako. Kasi diba bukas na ayoko naman na di maging successful yung event bukas' bumuntong hininga naman ito
Naiintindihan naman niya ang kaibigan
'Don't worry magpapahanap ako kay Ninong Kris. Maraming kilalang model yun' saad niya sa kaibigan para hindi na mamomblema ito
Tumango tango naman ito.
Pagkatapos nilang kumain ay agad naman silang bumalik sa opisina at inayos ang dapat ayusin para sa event bukas. Tinawagan naman niya ang kanyang Ninong.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan