'Grabe! I cant believe this. Super nagandahan yung mga dumalo kahapon sa event' eksaherado nitong sambit habang nakaupo sila ngayon sa opisina nito
'Tignan mo oh! Ang dami nating papuri ng dahil sayo, sabi na e kung ikaw yung magmomodel ng mga design natin sigurado magugustuhan nila' makikita sa kaibigan niya kung gaano ito kasaya sa nangyari kahapon siya naman ay tahimik lang na nakikinig dito
'Uy, bat ang tahimik mo' saad nito habang nakataas ang kilay
'Ano gusto mong sabihin ko?' Nakangiti niyang sabi
'Magcomment ka o magreact ka na "wow oo nga, ako paba?ganun'
Kahit kailan talaga to
"Wow oo nga ako paba? Okay na' sambit niya dito
'Ang sarcastic'
Nginitian niya nalang ito
'Oh mamaya pala, lets have fun nagyayaya si Aaron' yaya niya
'Sino naman si aaron?' Nakataas kilay niyang tanong
'Friend ko' sabi nito
'Friend mo?'
'Yea' maikli nitong sagot
'Sino si aaron?' tanong niya ulit alam niyang hindi lang kaibigan si aaron at wala naman itong kinukwentong aaron na kaibigan niya
'Kaibigan ko nga' sabi nito habang busy na nakatingin sa cellphone niya pero alam niya umiiwas ito sa tanong niya
'Apple Grace Salcedo'
Alam na nito kung tinawag niya na ang buo nitong pangalan
'Okay. Okay, nanliligaw siya' sagot nito
'At kailan pa?' saad niyang habang matamang nakatingin dito
'2 weeks ago'
'At wala kang sinasabi sakin?' May tampo sa tono sa boses nito
Napabuntong hininga naman ito
'Sasabihin ko naman sayo e kaso lang masyado tayong busy noong nakaraang linggo kaya nakalimutan kong banggitin sayo. Sorry' malungkot nitong saad
Naiintindihan naman niya ito dahil nakikita niya na stress ito noong nakaraang linggo dahil sa event nila.
'So ano ng level niyo?' Tanong niya
'Anong level?'
Tumikwas ang kilay niya dito dahil sa sinabi nito.
'Seryoso Apple hindi mo alam?'
Tumawa naman ito, kilalang kilala niya si Apple alam nito kung ano ang ibig niyang sabihin
'Getting to know each other?' Nakatawa niyang saad
'Tsk. Getting to know talaga? Ikaw pa sigurado ako wala na sa getting to know'
'Hahahaha. Grabe ka sakin'
'Ewan ko sayo. Ano may nararamdaman kana?' Seryoso niyang tanong
'Hindi ko alam.' baliwala nitong saad
'How about Ken?' Tanong niya ulit
Natahimik ito sa tanong niya, alam niyang matagal ang naging relasyon nito kay Ken at alam niyang mahal na mahal nito ang lalaki. Alam niyang nasaktan ito sa break up nila dahil kahit sa kanya hindi ito nag open tungkol sa nangyari sa dalawa. Matagal bago ito nakasagot
'What about him?' Pabulong nitong saad
'I know how much you love him. Andun ako at hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa pero alam kong mahal mo pa si Ken'
tinitigan niya ito habang iwas naman ito na tumingin sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/91644808-288-k663345.jpg)
BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
Storie d'amoreKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan