'Raine. God Raine ikaw ba yan?' Eksaherada nitong bungad sa kanya
'Hindi. Baliw ka talaga. Parang hindi tayo naguusap sa Skype noh?' Inikutan naman niya ito ng mata
'Niloloko lang naman kita naniwala ka agad' ngumiti naman ito ng nakakaloko
'Heh!' Inirapan naman niya ito
Lumapit naman ito sa kanyang at humalik sa pisngi niya
'Kamusta byahe? Sorry hindi ako nakapunta kahapon. Alam mo namang busy' pinakita pa sa kanya ang mga tambak na papel sa ibabaw ng mesa
'I know. O kamusta na dito?' Tanong nito habang ginagala ang paningin sa loob ng shop niya
'Okay lang naman. At mabuti naman at nandito kana may makakatulong na ako sa pagpapatakbo dito' saad nito habang inaayos ang tambak na mga papeles sa mesa
Napansin niyang kanina pa itong aligaga na parang bang may hinahanap na kung ano
'May problema ba? Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali jan'
'E kanina ko pa kasi hinahanap yung list ng mga model sa fashionshow natin nextweek. Nawawala ata e'
'Saan mo ba kasi nilagay?'
Lumapit naman ito para tulungan siyang maghanap
'Dito ko lang yun nilagay kahapon, hindi ko alam kung inayos ba ni Jane ang mesa ko' patuloy pa rin ito sa paghahanap
Inisa isa naman nilang hinanap sa table nito ang listahan ng mga modelo sa fashionshow na magaganap nextweek para ipakita ang mga bago nilang collection ng damit
'Ito ba yun?' Ipinakita naman niya dito ang isang brown na folder, agad naman niya itong kinuha
'Ito nga hay salamat akala ko pa naman nawala na' nakahinga naman ito ng maluwag ng mabasa ang laman ng envelope
'May mga kailangan pa ba para sa fashion show next week?' Tanong nito
'Yes. Yung ibang mga invitation hindi pa naibibigay sa mga guest, hindi ko pa kasi nasasabi kay jane, may mga pinapagawa pa kasi ako sa kanya'
'Ganun ba? Sige ibigay mo nalang sa akin at ako ng bahala'
'No.no.no. Mas kailangan kita dito, may problema pa kasi tayo bukod dun sa mga invitation'
'Ano?'
'Kailangan pa natin ng model para sa show'
'Ano? Akala ko ba nasa list na lahat ng mga model?' nagtatakang tanong nito
'Kasi nagkaproblema tayo dun sa isang model, hindi siya pwede sa araw na yun'
'O sige ako na hahanap ng model'
Tumango naman ito. At inasikaso ulit ang mga papel na nakatambak sa mesa. Tinulungan naman siya ni Raine. Inisa isa nilang ayusin ang mga papel. Pagkatapos ay nagyaya naman si Apple na kumain sa Gretsy Restaurant
'Si grey wala ba siyang balak umuwi sa Pilipinas?' Tanong nito habang kumakain sila
Si Grey ay kababata nilang kaibigan. Simula ng bata pa sila ay palagi na silang magkasamang tatlo, nahiwalay lang si Grey ng magmigrate ang pamilya nito sa America.
'I don't know. Wala naman siyang sinabi sa akin at ilang buwan ko na din siyang hindi nakakausap nasa Singapore daw kasi siya sabi ni tito' kibit balikat niyang sabi
'Ahh. Kamusta naman kayo?'
Kumunot noo naman siya sa tanong nito
'Anong ibig mong sabihin?'
Umirap naman ito sa kanya dahil sa tanong nito
'Ay. Ay painosente? Diba nanliligaw yun sayo?' Saad nito habang ngumunguya
'Lokaloka ka. Hindi siya nanliligaw, magkaibigan lang kami'
'Wag mo nga akong niloloko. Babae ako noh at kilala ko si Grey bata pa lang tayo alam ko ng may pagtingin sayo si Grey overprotective nga yun sayo e naalala mo ng may lumapit sayong lalaki para siyang lion kung protektahan ka sa mga lalaking lumalapit sayo' inikutan naman niya ito ng mata
'Dahil magkaibigan tayo kaya niya yun ginagawa. Kahit naman sayo ginawa naman niya yun a' depensa niya
'Oo nga. Pero mas overprotective siya sayo kung hindi lang siguro silang nagmigrate nila tito siguro ngayon kayo na'
'Apple tumigil ka nga kung ano ano na naman iniisip mo jan'
'What? Sinasabi ko lang naman a' parang balewala naman dito kung ano mga sinabi niya
'Ewan ko sayo' umirap naman ito
Pinagpatuloy nalang nila ang pagkain nila. Wala namang tigil si Apple sa pagdadaldal tungkol sa mga nangyari ng nawala siya
Raine missed this. Yung palagi silang magkasama ni Apple tulad nung mga bata pa sila. Nagkukwentuhan, nag-aasaran, nagbago lang ang lahat ng mag-aral siya sa America, nagdesisyon kasi ang daddy niya na sa america muna sila dahil na din sa kumpanya ng daddy.
'How are you and Ken?' Tanong nito
Hindi naman sinagot ni Apple ang tanong niya
'May problema ba?'
'We broke up. Last year' nagkibit balikat naman ito na para bang wala lang ang nangyari sa kanila ni ken
'Why?'
'Kasi ayoko na'
'Apple'
'Please Raine ayoko ng pagusapan si Ken'
Nanahimik nalang siya dahil nakikita niya na ayaw pagusapan ni apple ang nangyari sa kanilang ng boyfriend nito. Napansin niya naman na nawalan ito ng ganang kumain at tahimik lang itong nakatingin sa basong nasa harapan nila.
'O natahimik ka jan, magkwento ka na. Ano na ba yung sinasabi mo kanina tungkol kila tita' pag iiba niya ng usapan nila kanina
Ngumiti naman ito.
'Wala natatawa lang ako kila mommy'
'Bakit?'
'Kasi pupunta daw sila ng New York para maghoneymoon'
'O ano namang nakakatawa dun' napataas naman ang kilay nito
'Sinong hindi matatawa e no honeymoon sa new York pa ano silang bagong kasal' nakangiwi niyang sabi
'O ano naman? Ayaw mo nun may magiging kapatid ka pa' biro niya
'Oh no. Im 26 na, ngayon pa ba ako magkakaroon ng kapatid. God baka pagkamalan pa akong anak ko ang kapatid ko no' natawa naman siya dito dahil nakangiwi ito habang sinasabi ang mga yun
'Whats funny?' Nakataas kilay ito
'Wala. Nakakatawa ka kasi para kang diring diri na magkaroon ng kapatid ayaw mo ba nun may kakampi ka na at may kasama kana diba yun naman ang gusto mo dati'
'Dati yun pero ngayon, hindi na okay na ako sayo, pwede ka ng Pagtiyagaan bilang kapatid no' pang aasar naman nito sa kanya, inikutan naman niya ito ng mata
'Ah ganun pinagtitiyagaan mo lang pala ako hah? Sige ikaw magbabayad nito' pananakot niya
'Ito talaga hindi mabiro. Alam mo namang ikaw na ang sister ko diba kaya ayoko ng magkaroon ng another sister'
'Bola pa. Palibhasa ayaw mo lang magbayad e'
'I love you Raine'
Inungusan naman niya ito. At nagpatuloy lang sila na nagkuwentuhan.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan