9

1 0 0
                                        

Hindi siya makapag focus sa ginagawa niya dahil kanina pa lumilitaw ang imahe ng babaeng nakita niya kahapon sa event.

'Fuck' sambit niya at marahang sinabunutan ang buhok nito

'You bud' bati ni jazz sa kanya ng makapasok ito sa opisina niya

'Anong kailangan mo?' Yamot niyang tanong dito

Natawa naman ito sa sinabi niya

'Ganyan talaga ang bungad mo sa akin wala ba jang good morning bro' nakangisi nitong sabi

'Tigilan mo nga ako jazz. Wala akong oras sa kalokohan mo kung wala kang sasabihin umalis kana' pagtataboy niya rito

'Nagyayaya si Damian sa Hufter mamaya, wanna join us' saad nito tinaasan naman niya ito ng kilay natawa naman ito sa ginawa niya alam niyang ayaw nitong sumama

'Okay. Sinasabihan lang naman kita baka gusto mong pumunta.'

'Hays umalis ka na nga Jazz' nayayamot na talaga siya sa kaibigan

'Okay. Basta kung magbago isip mo andun lang kami.' saad nito bago umalis sa opisina nito

Napabuntong hininga naman siya at napasandal sa upuan niya. Maraming gumugulo sa isip niya ngayon kasama na ang babae yun.

'Argggg'

-------------

Pagdating niya sa Hufter agad niya nakita ang mga kaibigan niyang nasa isang sulok habang nag eenjoy sa kanikanila upuan kasama ng mga babae. Lumapit naman siya sa mga ito.

'Wazzup bro akala ko hindi ka pupunta?' Nakangisi nitong bati sa kanya

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ng kaibigan.

'Yo.What's up Alex' bati ni Damian

'Good' maikli niyang sagot dito.

'Problem?' tanong ni Ken ng maupo siya sa tabi nito, hindi naman niya sinagot ang tanong nito at kinuha nalang ang alak na nasa harapan nila. Kilalang kilala siya ng mga kaibigan niya alam niya alam ng mga ito kung may problema siya. Bata palang silang magkakaibigan na sila kaya alam ng bawat isa kung may problena sila.

'Just have fun bro, mawawala din yan mambabae ka nalang sigurado tanggal yang problemang yan ng isang gabi lang' saad nito ng may tuwa sa labi

'Tsk.' Sabay lagok sa alak na hawak niya

Natawa nalang ang kaibigan niya. Wala siya kibo habang umiinom pati na rin si Ken. Habang ang iba niyang kaibigan ay nag eenjoy sa mga babaeng kasama ng mga ito. Napabaling naman sila ni Ken sa babaeng lumapit sa kanila.

'Need company' tumabi ito sa kanya sabay haplos nito sa braso niya

'No' mariin niya tanggi dito sabay alis sa kamay ng babae ng humahaplos sa kanya

'Come on. I will make your night memorable babe' bulong nito sa tainga niya

'I said no' mariin pero nayayamot nitong sabi sa babae. Bigla namang dumistansya ang babae sa kanya sa nakikita iritasyon sa mukha niya. Lumapit naman ito kay Ken

'I dont need company also' sabi nito sa babaeng lalapit sana dito. Napahiya naman ang babae at umalis nalang.

'Wow. Milagro ata ayaw mo sa babae' baling niya kay Ken alam niyang matinik din si Ken pagdating sa mga babae

'Bro, alam mong hindi ako babaero'nakangiti niyang saad dito

'Sinong niloloko mo?' Nakangisi niyang turan sa kaibigan

Natawa naman ang kaibigan

'Si Jazz at Gale lang ang tirador ng babae sa atin alam mong loyal na loyal ako' sabay turo sa mga kaibigan niya may nakakandong na mga babae sa mga hita ng mga ito

'Loyal? Bakit ka iniwan ni Apple?' Tanong nito ng nakangisi

'Bro wala namang ganyanan. Hindi ko kasalanan yun, hindi ko alam kong anong nangyari noong gabing yun sa amin ni Shane'

'Ang sabihin mo ginusto mo rin.' Inungusan naman siya kaibigan kaibigan

'Pati ba naman ikaw nagpapaniwala kay Jazz sa mga sinasabi niya. Alam mong mahal na mahal ko si Apple at alam kong walang nangyari sa amin nun gabing yun.' Paliwanag nito sabay lagok sa alak na hawak nito

Kilala niya si Ken alam niyang hindi nito kayang gawin yun sa kasintahan nito. At alam niyang mahal na mahal nito kasintahan ngunit isang araw nabalitaan niya na wala na ito at si Apple dahil nalaman ni Apple na kasama nito si Shane ng gabing yun at may larawan itong ipinakita sa kaibigan na magkasama sila buong gabi sa isang hotel.

'Oh Look who's here.' Napabaling sila kay Jazz sa sinabi nito at nangunot ang noo niya ng may ngisi ito sa labi habang nakatingin sa kanya

'The princess of Del Valle Clan and the former ex of our friend' sabay baling naman nito kay Ken na sinamaan naman ng tingin ng kaibigan. Tinuro naman nito ang dalawang babae kasama ang isang lalaki na nakaupo counter

Napatingin naman sila sa tinuro nito. The daughter of Mr. Del Valle ang lalaking nagpabagsak sa kumpanya nila. At ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang ama na nacoma dahil sa pagkakaaksidente.

Kanina habang nasa opisina siya pinagisipan niya kung paano siya makakaganti sa ama nito at agad pumasok sa isip niya ang babae ayun sa P.I niya masyado daw protective ito sa dalaga nun nasa America pa ito.

'Anong plano mo?' Tanong ni jazz na nasa tabi niya matamang nakatitig sa kanya

Hindi naman niya ito sinagot nanatili nalang siya nakatingin sa dalaga na nasa counter

'Alam kung may binabalak ka sa anak ni Mr. Del Valle' seryoso nitong saad sa kanya wala parin siyang imik

'Kilalang kilala kita bro bata palang tayo kaya kung ano man yang binabalak ko wag mo ng ituloy baka bumalik lang sayo'

'Hindi babalik sa akin dahil ibabalik ko lang sa kanya yung sakit na dinulot ng ama niya sa pamilya ko' mariin niyang sabi

'Alam mong walang kinalaman ang anak niya sa kasalanan nito. Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama' palala niya dito

'At wala din kaming kasalanan pero anong ginawa ng pamilya niya. Binaon kami winasak kami hindi lang ang daddy ko Ken pati kami' may galit sa pagkakabigkas niya

Natahimik nalang ang kaibigan dahil alam nito ang pinagdaanan niya kung paano sila bumagsak ng pamilya niya

Tinapik nalang nito ang balikat niya

'Nireremind lang kita bro. Alam ko ang pinagdaanan mo at alam kong wala akong karapatang panghimasukan ang ano mang plano mo pero sa nakikita ko hindi lang ang ama niya ang mapapabagsak mo pati siya' natahimik nalang siya sa sinabi ng kaibigan

Buo na ang desisyon niya alam niyang mapapabagsak niya si Mr. Del Valle sa pamamagitan ng ama nito. At pinapangako niya dudurugin niya at kukunin niya ang kinuha ng ama nito sa pamilya nito. Ipaparamdam niya dito yung sakit na pinaramdaman nito na hanggang ngayon dala dala pa rin niya kung hindi sa ama nito hindi maaaksidente ang ama niya at hindi sana ito nakaratay ngayon. Mariin niya kinuyom ang kamao niya.

I will destroy you Mr. Del Valle

Billionaire's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon