'One scotch please' saad ni Apple sa bartender ng makaupo sila sa counter
'Ikaw anong sayo?' Baling nito sa kanya
'Juice nalang'
'Seryoso. Sam juice, kung magjujuice ka lang din naman e di sana sa bahay nalang tayo' nakasimangot naman ito
'Bawal maglasing alam mo naman si Dad'
'Ngayon lang naman e. Tsaka hindi naman tayo maglalasing iinom lang'
'Isang scotch din para sa kanya'baling nito sa bartender. Wala na siyang nagawa sa sinabi ng kaibigan
Mayamaya pay dumating naman si Aaron na sinasabi ng kaibigan
'Hi ladies' bati nito sa kanila
'Hi' tipid niya ngiti bumaling naman si Apple dito at humalik sa pisngi nito
'Aaron this is Sam my bestfriend and Sam this is Aaron' pagpapakilala nito sa kanilang dalawa inabot naman nito ang kamay niya at nakipagkamay sa kanya. Tinanggap naman niya ito
'Nice to meet you Sam' nginitian naman niya ito
Nang makaupo ito umorder na rin ito ng maiinom. Nagkukwentuhan naman sila, at napakadaldal din pala nitong si Aaron kaya pala nagkasundo ang dalawa.
'Uy, bat ang tahimik mo?' Bulong ni Apple sa kanya
'Alangan naman magdadaldal din ako i parehas na kayong madaldal' nakangiti niyang turan sa kaibigan
Natawa naman ito sa sinabi niya. Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay luminga linga naman siya sa paligid niya nasa Hufter sila dito nagyaya si Apple dahil maganda daw dito at maayos ang Club na ito. Sang ayon naman siya rito. Habang nililinga ang mga mata ay natuon ang mga mata niya sa dalawang taong naghahalikan sa gilid at kung maglingkisan ang dalawa akala mo walang tao sa paligid nila. Napangiwi nalang siya sa nakikita. Bumaling nalang siya sa harap niya
'Uh bakit ganyan ang mukha mo?' Tanong nito sa kanya ng makita ang mukha niyang nakangiwi
'Ganito pala dito no. Kahit saan pwedeng magtukaan'
Natawa naman ang kaibigan niya sa sinabi niya
'Bakit ngayon kalang ba nakakita ng nagtutukaan?' Nakangisi nitong sabi
'Hindi pero tignan mo oh kulang nalang hubarin na nila ang damit ng isat isa' sabay baling sa dalawang taong nakita niya sinundan naman ng kaibigan ang tinitignan niya. Natawa ito
'Ano kaba. Normal na sa ganitong lugar ang ganyan. Palibhasa ngayon ka lang nakapunta sa ganito.'
'Tsk. Ipamukha ba naman sa akin' sinimangot niya ang kaibigan
Humalakhak naman ito. Nagtanong naman si Aaron kung anong tinatawanan nito pero nagpalusot naman ang kaibigan dahil alam nitong pagtatawanan din siya kasalanan ba niya kung hindi siya na expose sa ganitong lugar e kahit siya ayaw niya sa ganito.
'Okay. Lets have fun. Maglaro tayo' bigla nalang nitong sabi
Tumikwas naman ang kilay niya sa sinabi nito.
'Okay. Ipapaliwanag ko para naman ma enjoy natin itong gabi hindi ganito na umiinom lang tayo. Let have a game na maaalala natin at matatawa nalang tayo kapag naalala natin' nangunot naman ang noo niya anong kalokohan na naman ang pinagsasabi ng kaibigan
'Ang gagawin natin idadare natin ang isat isa kailangan yung medyo mahirap para naman may thrill diba?' Hindi naman siya umimik habang pinapaliwanag nito
'Okay Game na' saad niya sa amin dalawa ni Aaron hindi naman siya umimik habang si aaron sinang ayunan naman nito ang kabaliwan ng kaibigan
'Sige na Sam ang KJ mo' pangungumbinsi nito habang niyuyugyog ang braso niya sobra kulit nito kapag hindi niya pagbibigyan

BINABASA MO ANG
Billionaire's Revenge
RomanceKaya kayang palitan ng pagmamahal ang paghihigante O Kaya kayang burahin ng pagmamahal ang sakit na naiwan ng nakaraan