Chapter 44 : Cronos Game 3

10.3K 168 40
                                    

ALICE P.O.V.

Aakma ng titira si Sachit pero nagulat nalang ako ng may maramdaman akong pwersang nagpatilapon sa kanya.

“Ayos ka lang Alice?” tanong niya at lumapit sa akin.

Tumungo lang ako kay Clyde.

Napansin ko naman ang paglapit ng isa sa aming kagrupo habang tumitira ng water shot sa mga kalaban. “Ano nangyari? Nasaktan ka ba Alice?”

Sa tanong naman ni Prince Azera. Tumayo ako at umiling sa kanya.

Naiiyak ako. Nandito kasi silang dalawa para ipagtanggol at iligtas ako.

Ilang sandali lumapit na din sina Eliot at Luke, nagkumpulan kami sa isang lugar. Habang ang grupong Cootamundra humilera sa aming harapan.

“Wala sa ating mangyayari kung patuloy lang tayo sa pagdepensa sa kanila. Anong plano?” pagtatanong ni Eliot. 

“Sa ngayon wala pa. Basta ipagpatuloy niyo lang ang pagdepensa. Hanggang sa makakuha tayo ng Cronos Element Sphere para sa kanya.” Sumenyas si Clyde paturo kay Prince Azera.

Si Prince Azera lang kasi ang may kakayahang gumamit ng Cronos Sphere sa aming grupo dahil isa siyang wizard. May kakahayan din siyang gumamit ng ibang cronos element sphere pero hindi ganon kalakas katulad ng kanyang nakasanayang elemento.

Samantala kami nila Clyde, Luke at Eliot hindi makakagamit dahil isa silang wolf at vampire. Ako naman… isang MORTAL sa pagkakaalam nila.

“Ako ang bahala. Ako magbabantay sa Cronos Sphere.” Pagprisinta kong sinabi. Yon lang kasi ang magagawa ko para sa kanila. Para sa grupong ‘toh.

Nagpatuloy ang pagdepensa at atake ng mga kagrupo ko laban sa Cootamundra. Sa kasamaang palad nang lumipas na ang limang minuto hindi na namin napigilan ang Cootamundra sa pagkuha ng Cronos Sphere dahil sa desperadong matalo nila kami.

Nakakuha sila ng Cronos Air Sphere na nagpower-up sa dalawang sina Ergo at Nabhith. Akala namin matatalo na kami sa oras na yon pero gumawa sina Luke at Eliot ng paraan.

Gumamit si Eliot ng Eye Illusion para makapunta si Luke sa likod nina Ergo at Nabhith para makagamit ng Backdraft. Isa itong pwersa na hihitak sa kalaban mula sa likod paitaas at malakas na ibabagsak o ibabalibag sa lupa.

Nawala naman sila sa konsitrasyon at napigilan ang atake nina Ergo at Nabhith pero dahil sa lakas na nakuha nilang power-ups nagawa parin nilang matilapon sina Luke at Eliot deretso sa tubig.

Agad na nakatatlong puntos ang Cootamundra dahil sa nangyari sa dalawa naming miyembro pero hindi pa kami nawawalan ng pagasa dahil nakaapak pa kaming tatlo nina Clyde at Prince Azera sa aming field at pwede pa kaming bumawe hanggat hindi pa natatapos ang oras ng laro.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon