Chapter 45 : Pegasus Necklace

10.5K 156 27
                                    

ALICE P.O.V.

Anong lugar toh? Ang dilim.

May naaninag akong isang bagay, lumapit ako dito para tignan. Isa itong manipis na whole body mirror na nakatayo sa gitna ng dilim.

“Alice” napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Wala akong makita sa paligid kundi dilim at isang salamin.

“Alice.” napatingin ako sa salamin dahil dito ko narinig ang huling boses na tumawag sa pangalan ko.

Pinagmasdan ko ang expression ng mukha ko at kahit ang paggalaw ng katawan ko. Bigla ko nalang naisipan na hawakan ang salamin.

“Don’t Alice.” pero bago pa man mapigilan ako ng isang boses naidampi ko na ang daliri ko sa salamin.

Nanlaki ang mata ko at napaatras ng nag-crack bahagya ang salamin. Sa pagtitig ko dito, nakita ko ang sarili ko na nakangiti. A sinister smile.

Nakakatakot. Hindi ako yan! Bigla siyang nagsalita na lalong napakilabot sa akin.

“Ang sarap sa pakiramdam. Ipagpatuloy mo lang. Hindi magtatagal magagawa mo din akong pakawalan sa harang na ‘toh.”

Tumawa siya na nagpagimbal sa akin dahil hindi ko halos maisip na nanggagaling ang tawang yun sa akin. Sa salamin… na sarili ko mismo ang aking nakikita.

“Malapit na malapit na…”

“Alice.” Isang malumanay na boses ang narinig ko at naramdaman kong may humawak sa aking balikat. Lumingon ako para tignan kung sino ito pero isang liwanag ang nakita ko at bumalot sa akin.

“Alice?”

Sa pagmulat ko, nasa harap ko si Sha sa sobrang niyang lapit kitang kita ko ang laki ng butas ng kanyang ilong.

Kahit kelan talaga itong si Sha. Napahawak naman ako sa ulo ko at inalala ang lahat ng nangyari.

“Mabuti! Mabuti! Mabuti gising ka na. Masyado kang napagod sa laro dahil din sa cronos dark sphere kaya ka nahimatay. Maayos na ba pakiramdam mo? Pakiramdam mo? maayos na ba?”

Tumungo ako sa kanya. Mabuti na ang pakiramdam ko kumpara kanina. Umupo ako sa pagkakahiga ko.

Tumingin ako sa paligid nasa isang maliit na kwarto kami at sa tingin ko nasa Matoran Arena padin kami dahil medyo naririnig ko ang pagsasalita ng taga-pagpahayag.

“Sila Clyde?” tanong ko sa kanya.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon