Chapter 49 : Princess Morbuzakh

9.6K 257 109
                                    

 ALICE P.O.V.

Inuyuko ko ang aking ulo nang sinabi ko kay Clyde ang katotohanan kung ano talaga ako. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata. Ayoko makita ang reaction niya.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Wala ni isa sa amin ang umiimik.

Hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa aming katahimikan. “Hindi magandang biro yan Alice.” sa tono palang ng kanyang pananalita, masasabi kong mahirap sa kanya ang tanggapin ang katotohanan.

Sana nga biro nga lang ang lahat ng ito at magtatawanan kami sa huli. Pero hindi, totoo lahat ng sinabi ko. “Maiitindihan mo naman ako diba, Clyde?” pagsusumamo ko sa kanya.

Sa pagkatingala ko. May kung anong naramdaman akong kirot sa aking dibdib ng makita kong humakbang siya ng isa…. patalikod. Palayo sa akin.

“Clyde…” Hindi siya umiimik at walang ka-emosyon emosyon ang mukha niya.

Tumingin ako sa mga mata niya pero iniwas niya ang mga ito. Bumuhos ulit ang mga luha ko.  “Hindi ko ginusto ‘toh.”

“Nagsinungaling ka sa amin. Pinaniwala mo kami na isa kang mortal.” Halata sa kanya ang pagpipigil ng galit.

“Hindi ako nagsinungaling sa inyo. Yun din ang paniniwala ko na isa akong mortal pero nung… nung makilala ko ang Black witch sinabi niya lahat tungkol sa pagkatao ko. Ayoko maniwala nung una… pero nang sumali tayo ng Cronos Game.” Napatingin siya sa akin na para bang nasagot na ang kanyang katanungan.

Hesterikal ang pagpapaliwanag ko kay Clyde pero kahit anong ipaliwanag ko parang hindi siya naniniwala sa akin. “Maniwala ka Clyde… Kahit ako ayoko maging katulad nila, maging---”

“Stop it Alice.” sa sinabi niya huminto ako. I already feel the coldness from him. Nagiba agad ang pakikitungo niya sa akin. Ganito ba ang feeling na hindi ka matanggap kung sino ka talaga? Ang sakit. Lalong masakit dahil sa mismong mahal mo pa naramdaman ito.

Tumalikod si Clyde sa akin. Sa ginawa niya, nawala lahat ng pagasa kong matatanggap niya ko. Na maiitindihan niya ang kalagayan ko.

Bakit ka ganyan Clyde? Ayoko ng ganito.

Hindi ko kaya ang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kayang mawala si Clyde sa tabi ko.

“Huwag kang umalis sa tabi ko, Clyde.” gargal kong sinabi. Hindi ko kayang harapin ito ng magisa. “Kailangan kita.”

“Tumigil ka na sa pagiyak. Bumalik na tayo.” Malamig niyang tugon pero bago pa man siya umalis. “Huwag kang magalala…” kahit hindi siya nakaharap sa akin ramdam ko ang lungkot ng siya’y magsalita.

“Hindi ko sasabihin sa kanila ang mga nalaman ko tungkol sayo.”  

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon