Chapter 38: Shadow Reaper

12.4K 154 33
                                    

Nagmamadali ang isa sa mga taga-silbi ng Kamahalang Tahlia papunta sa silid nito.

“Kamahalan.” Sabay luhod niya sa kanyang Kamahalan.

“Naparito ka Kleria.” ani ng Kamahalan.

“Kailangan niyo po malaman ito. Dinalaw po ako ni Cernunnos sa aking panaginip.” Si Cernunnos ay isa sa mga sinasamba ng mga mangkukulam o ng mga wicca/witch. “Binigyan niya po ako ng isang pangitain.” Sinabi niya ito ng may pagaalala.

Napataas ng kilay ang Kamahalang Tahlia. “Ano naman yon Kleria?”

“Ang Grand Witch ay---”

“Ang Grand Witch?” Ngumiti ang kamahalan. “Huwag mo nga akong pinagloloko Kleria walang Grand Witch.” Umupo sa trono ang kamahalan.

“Pero kamahalan kailangan---” hindi siya pinatapos ng Kamahalan.

“Makakaalis ka na Kleria.” Hindi na nakaimik si Kleria at umalis na ng silid.

ALICE P.O.V.

Sa pagbalot sa akin ng nakakasilaw na liwanag hindi ko inaasahang yun na pala ang labasan ng mansion. Naramdaman ko ang pagkasabit ko sa mga sanga ng patay na puno.

Sa pagkabagsak ko sa lupa napaubo ako dahil sa usok na pumalibot sa akin.

Tumayo ako at tumakbo paalis sa lugar nakadagdag ang pagkahilo ko sa bigat ng aking nararamdaman.

Napahinto ako ng lumabo at umiikot ang aking paningin. Pulit-ulit kong ipinipikit ang mga aking mata para mawala ang paglabo at pagkahilo ko.

Nang medyo ok na ko. Nagulat ako at napaatras sa aking nakita. May mga insekto sa aking mga paa paakyat sa aking katawan.

Inalis ko ito at tumakbo. Sa paglibot ko sa paligid. Natakot ako dahil buhay ang mga puno at gusto akong kunin.

Nakakarinig din ako ng mga nakakatakot na tunog. Sa pagpatuloy ko sa pagtakbo nakakita ako ng mga itim na usok na nagform na tao o tinatawag na shadow people sa mundo ng mga mortal.

Kahit saan ako tumingin nanduon sila at nagkalat sila sa buong paligid.  Sa sobrang kaba ko hindi ko naiwasang madapa.

Balak kong tumayo pero nakita ko ang aking kamay na nalulusaw.

“Aaahhh!!” napasigaw ako na may halong takot sa aking mukha. Habang pinagmamasdan ko ang aking kamay unti-unting dumidilim ang paligid.

Napagapang ako sa aking pagkakadapa at tumakbo sa aking pagkakatayo paalis sa lugar.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon