Chapter 46 : Sanctuary Grave

10.2K 169 24
                                    

ALICE P.O.V.

“Yu-Yung Oasis… Yung Oasis Elemental Ship. Ninakaw!” humugot ulit siya ng isang hininga para makapagsalita ng maayos. “May grupong sumugod para kuhanin ang Oasis.”

Sa ibinalita sa amin ni Montblanc agad kami nagtungo sa lugar kung saan nakadaoong ang mga Elemental Ship.

Ang mga kawal ng Whenua na nagbabantay sa mga kakaibang istrakturang barko ay inatake at kahit ang mga inusenteng mamayan ay nadamay.

Sumalubong sa amin si Sha at agad siyang tinanong ni Clyde. “Namukhaan mo ba sila!?”

 

“Hinde! Hinde! Pero nung iniwan ako ni Momont kitang kita ko ang pangyayari! Yung pangyayari kitang kita ng dalawang mata ko.” nagpapanic si Sha, pinapagpag niya ang kanyang dalawang kamay. “Hindi lang isa! Kundi dalawa!... dalawang grupo.”

Dalawang grupo?

 

“Anong nangyari?” tanong ni Prince Azera na kakarating lang kasama si Luke.

 

“Narinig ko ang kaguluhan kaya agad kami naparito.” Agad na sinabi ni Luke.

Bago pa man kami sumagot sa katanungan ni Prince Azera. “Ang Oasis!? Nasaan!?” nagtanong ulit siya na ikinagulat naman niya ng mapagtanto niyang wala na pala ang Oasis Elemental Ship.

 

“Ganito kasi ang nangyari ang nangyari ganito.” Pasimula ni Sha.

 

“Yung dalawang grupo, naglaban dahilan ng pagkadamay ng mga mamayan ng Whenua, sumugod din ang mga kawal ng Whenua para pigilan at protektahan ang Oasis sa pagkuha nito pero… hindi sila nagtagumpay.

 

Masyadong silang malalakas lalo na yung isa sa grupo ng mga nakaitim na suot. Hindi ko makita ang mukha nila sa sobrang bilis ng pangyayari pero ang pagkakatanda ko isa sa grupo ng nakaitim na suot ay kulay pula ang kanyang buhok.”

 

“Mga Soul Eater.” Napalingon kami sa nagsalita at ang nakita namin ay si Eliot.

Bigla nalang siya sumusulpot may lahi ata itong kabute.

 

“Tsh! Feeling Close na nga. Epal pa. Soul Eater? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” bulyaw ni Luke.

 

“Matagal ko na silang minamatyagan at sinusundan. Sigurado akong ang iba sa grupo ng mga nakaitim ay mga bampira.”

Naalala ko yung pinagtatalunan namin ni Clyde ng magpakita sa amin si Eliot. Siniko ko si Clyde. “Sabi ko sayo eh. Hindi ako ang sinusundan. Iba ang sinusundan niya.” Bulong ko kay Clyde.

 

“Nadismaya at nalungkot ka naman.” Pangasar niyang bulong sa akin.  

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon