Chapter 22 : Water Sprite

14.6K 165 15
                                    

ALICE P.O.V


“Alice, gumising kana,” nagising ako sa liwanag na tumama sa aking mukha. “Bumangon ka na, nakahanda na ang pagkaen sa baba,” boses yun ni Lola.


Lumingon kaagad ako, nakita ko si Lola palabas ng kwarto ko. “Lola!” agad akong bumangon sa kama at bumaba ng hagdan.


Nakita ko mula sa hagdan sina Lola at Lolo pati narin si Nathan. Masaya silang naguusap, napalingon si Nathan sa gawi ko kung saan ako nakatayo “Halika na Alice kumain kana.”


Buo na araw ko kapag nakikita ko silang masaya. Pupunta na sana ako sa kanila pero biglang tumunog ang doorbell. “Sandali lang, bubuksan ko lang yung pinto.”


Sa pagkabukas ko ng pinto, nakita ko ang isang babaeng nakahood, nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya “Ano po yon? Ano po kailangan nila?”      


Ngumiti siya “Akin ka.”


Unting-unti nagdilim ang paligid, nagtangka akong tumakbo pero bigla niya akong nahawakan sa kamay. Nakita ko si Clyde sa hindi kalayuan, tumitingin siya sa paligid na parang may hinahanap at nakikita ko ang bibig niya na isinisigaw ang pangalan ko.


“Clyde!! Nandito ako!!” pinilit kong makawala sa humahawak sa akin. Tumakbo ako patungo sa kanya pero may nakaharang na salamin, ito yung portal na papasukan ko. Nakikita ko siya pero hindi niya ako makita, hinahampas ko ang salamin habang isinisigaw ang pangalan niya “Clyde!! Clyde! Nandito ako!!!!Clyde!!”   


Lumingon si Clyde kung saan ako nakatayo, ngumiti siya nung nakita ako. Sobrang saya ko nung nakita niya ako pero bakit hindi niya ako nilalapitan para iligtas.


Nagbago ang emotion ng mukha niya, naging malungkot ito at unti-unti na siyang tumatalikod para umalis. Ano itong nararamdaman ko? Naiiyak na ako sa gagawin niya, ayoko siyang umalis “Clyde!! Huwag kang umalis!” nagumpisa na siyamaglakad papalayo sa akin. “Clyde!! Huwag mo akong iwan!!” hindi ko na kaya itong nararamdaman ko, hindi ko kayang lumayo siya sa akin, totoo na itong nararamdaman ko para sa kanya.


Unti- unti na ako nilalamon ng kadiliman, pilit kong binabasag ang salamin “Clyde!!!” patuloy parin siya sa pag lakadpalayo sa akin “Clyde!!huwag kang umalis!!! Mahal kita!!! Clyde!!!”

 

“Alice, gumising ka!” napabangon ako at hinahabol ang aking hininga. “Binabangungot ka” nakita ko si Montblanc nagaalala sa nangyari sa akin. Napahawak ako sa ulo ko, masamang panaginip, naisip ko ulit ang napaniginipan ko, naggigilid ang mga luha ko.


“Ano nangyari sa kanya!” lumingon agad ako sa boses na narinig ko. Tumutulo na ang mga luha ko habang papalapit siya sa akin. “Alice, bakit ka umiiyak?” pinunasan niya ang mga luha ko.

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon