~Chapter 6~

354 14 2
                                    

CHAPTER 6 : TELLING
"What's wrong Fia?" Lumapit sa akin si Cleo na nagtataka. Hindi ako makapagsalita dala ng pagka-gulat.

"Fia! What's-"

"Keilyn is on the hospital. She needs me Cleo!" Nasigawan ko si Cleo sa sobrang pag-aalala.

"What hospital is it? Sasamahan na kita." Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong tinignan at nakita ang pangalan ng ospital kung saan nandon si Keilyn. Pinakita ko agad iyon kay Cleo at hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng kotse niya.

Dahil pa rin sa pagka-gulat, hindi ko namalayan na hinatak pala ako ni Cleo papunta sa kotse niya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang ay, kailangan niya ako.

"Nasabi ko na ito kay Chase kanina. Pupunta nalang daw siya dito after niyang magbihis."

Tumango nalang ako sa sinabi ni Cleoat muling nanahimik.

"We're here." Bumaba agad ako ng kotse at ganun din siya.

"Keilyn Salazar."

"Room 271 Ma'am." Sagot ng receptionist sa amin. Sumakay kami ng elevator para makapunta roon. Nasa hallway palang kita ko na ang imahe ni Jaxon na naka-upo sa tapat ng kwarto ni Keilyn. Agad ko siyang nilapitan at tumayo sa kanyang harapan.

"What the hell you did to her?!" Naramdaman ko ang kamay ni Cleona nakahawak sa aking braso.

"Don't judge him Fia. Hayaan muna natin siyang magpaliwanag." Kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Cleo. Imposibleng hindi siya ang may gawa niyan kay Keilyn. He's a bad boy. And bad boy is always a bad boy.

"I  have no time to hear such explanation from a worthless person like him."Tumalikod ako sa kanila at saktong kakalabas lang nang doktor

.

"Family of the patient?" Agad akong lumapit sa doktor at nagtanong.

"How is she doc? Maayos ba siya?" Inilingan lang ako ng doctor. Wala akong makitang ekspresyon sa kanyang mukha. Ano bang ibig sabihin niya? Na hindi maayos ang pinsan ko?

"What?! Speak!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit.

"She was comatose after the accident." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng doctor. Comatose? Accident?

"You're kidding right?" Hindi siya umimik sa tanong ko. Bigla nalang akong nakaramdam ng luha galing sa aking mga mata. Naramdaman ko nalang ang yakap ni Cleo sa akin.

"No. This can't be." Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa kwarto ni Keilyn. Nakita ko siya roong nakahiga sa kama habang maraming mga nakatusok sa kanya. Agad akong umupo sa katabi nitong upuan at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak.

"Wake up, Keilyn. You need to wake up." Nanghihina kong sabi habang umiiyak.

"Wala pang kasiguruhan kung kailan siya magigising. But still, kailangan pa namin siyang i-monitor para sa ibang test. Hanggang maaari po, mag-stay muna siya dito sa ospital para mabantayan namin ng mabuti ang kanyang kalagayan. Kung may kailangan po kayo, just call me. Mauuna na po ako." Pagpapaalam nung doctor.

"Thanks Doc." Cleo responded. Umupo siya sa tabi ko habang hinahaplos ang aking likod.

"Don't cry Fia. Magigising din siya. Stay strong." Niyakap niya ako at ganun din ako sa kanya. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. Bigla kong naalala si Jaxon na kanina lang ay naroon sa labas ngunit ngayon ay wala na siya. Guilty ba siya nangyari? Sa bagay, lumalayo sila kapag alam nila sa sarili nilang may ginawa silang mali.

Pretending I'm Yours #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon