CHAPTER 1 : FIRST DAY"Fia! Wake up! Maaga ka pa papasok!" Nagulat ako at napatayo sa kama ng marinig ang boses ni Tita Arlene. First day of school pala ngayon. Ang bilis din ng panahon, Grade 12 na ako. Last ko na ito, kaya kailangan, galingan ko. Kailangan, mag bagong buhay na ako.
"Yes Tita! I'm coming!" Agad akong nag-ayos ng aking sarili at bumaba ng kwarto.
"Kain na, baka lumamig na ang pagkain." Pagyayaya ni Tita. Agad akong umupo sa harapan ng lamesa para kumain. Favorite ko pa naman ang adobo, buti nalang yun ang hinain niya. Good mood ako niyan.
"Yes Tita. Favorite ko ito eh! Hindi ko to kayang tanggihan. Besides, may magic ata itong luto mo tita ehh! Ang sarap talaga!" Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay inumpisahan ko na ang pagkain. Ang sarap ehh! *nom *nom
"Sus, nambola pa! Kumain ka na nga lang diyan! Teka, hindi pa rin ba bumababa si Keilyn? Anong oras na ahh! Naku, talaga iyong batang iyon! Kumain ka lang diyan Fianna ahh. Pupuntahan ko lang yong pinsan mo." Pagpapaalam ni Tita Lene.
"Yes *nom Tita! *nom." Agad umakyat si Tita at dumiretso sa kwarto ni Keilyn. Si Keilyn Salazar lang naman ang nag-iisa kong cousin. And not to mention, bestfriend. Loka-loka kasi yang pinsan ko at hindi yan tumitigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ewan ko ba kung bakit ko yan naging bestfriend!
"Fiyaya!" Yan, yan ang ayoko sa kanya. Yung tinatawag niya akong 'Fiyaya'. Pero kahit ganyan yan kabaliw, mahal ko pa rin yan kaya natitiis ko yung mga kabaliwan niya.
"Bakit Ke?!" Hahaha! Gawa gawa ko lang yan para kahit papaano makaganti naman ako noh!
"Anong 'ke'? It's Keilyn!" Sigaw niya habang papalapit sa tabi ng upuan ko
"But I want to call you Ke. Have a problem with that?" Ouch! My beautiful head. Aba kelan pa to natutong mambatok sa ulo?! Aba, aba! Baka nakakalimutan niya Campus Queen ako at expert ako sa mga ganyan.
Tinignan ko lang siya ng masama at natahimik naman siya. Haha! I told you, expert ako sa mga ganyan. Tingin ko palang hindi ka na makakatagal.
"Sorry naman, Fianna. Bati na tayo ha?......Fiyaya!" What the? Ang akala ko, magtitino! Bwiset! Nawalan tuloy ako ng gana nang bigla siyang tumakbo palabas at sumakay sa kotse. Grrr! Kahit kailan talaga isip bata, baka nakakalimutan niya na Grade 12 na kami?!
"Oh, Ano nangyari dun kay Kei?" Tanong ni Tita Lene habang naglalakad papunta sa upuan.
"Ewan ko ba dun Tita! Isip bata talaga! Hindi na nga po kumain ehh!" Napangiti naman si Tita ng sabihin ko yun. Eh ano bang bago? Eh lagi naman ganyan yung anak niya ehh kaya pati si Tita nasanay na rin.
"Sige na sumunod ka na dun sa kotse at baka malate kayo sa first day niyo. Nandun na din pala si Manong kanina pa, siya na ang magda-drive papunta sa school niyo. Ito, baon niyo. Pakibigay nalang kay Kei itong sandwich ha. Sige na ingat kayo. Galingan niyo!"
"Yes Tita!" Lumapit ako sa kanya at nagbeso.
Ang caring talaga ni Tita Lene! Real mom na ang turing ko sa kanya ehh! Simula kasi bata ako, siya na ang nag-adopt sa akin. Nagpaalam daw si mom na mag-wowork sa U.S and ipinagkatiwala niya ako kay Tita. Simula ngayon, hindi ko na siya nakita pa. Hindi ko din alam kung babalik pa siya o hindi na. Wala na akong pag-asa na bumalik pa siya. Kasi in the first place, kung gusto niya pa akong makita pa, bumalik na siya dito dati pa. Eh wala ehh.
"Thanks tita!" Sabay nagbeso ako sa kanya at dumiretso sa sasakyan. Si Manong Edward ang matagal na naming driver dahil sa malaking tiwala sa kanya ni tita Lene kaya tumagal siya saamin ng 7 years. Mabait yan si Manong kasi minsan nagbibigay yan ng advice sa amin dati palang. Parang tatay na din ang turing ko diyan. Kungtatanungin niyo kung mayaman kami? Unfortunately, hindi naman ganoon kayaman. CEO si Tita sa Monterrozo Company, one of the richest company in the Philippines. Dito nagwo-work si Tita for 10 years. She's very protective sa position niya kasi ayaw na ayaw niyang matanggal or bumaba ang position niya. She really loved her job. And I'm happy with that.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Teen FictionMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...